LOVE YOU TO THE STARS AND BACK "Walang sigurado pero minsan kailangan mo lang maniwala." -Mika (Julia B.) ***Nakakainis talaga ang movie na 'to nina Joshua Garcia at Julia Barreto, ilang beses ko na 'tong napanood simula nung Senior High ako pero still, TULO-LUHA pa rin ako. Kahit pigilan kong maiyak, wala eh, nakakaiyak talaga ang aktingan nina Joshua at Julia, lalo na 'yung scene sa may tulay. Pero, alam nyo ba kung ano talaga narealize ko sa movie na 'to? Iyon ay, darating talaga tayo sa puntong kukuwestiyunin natin ang diyos, lalo na kung puro negatibo na lang ang nangyayari satin o di kaya'y hindi natin nakukuha ang mga gusto natin. Marami ang nagsasabi na mali ang kuwestyunin Siya, at oo, mali naman talaga. Subalit, kapag nasa punto ka na ng sobrang desperasyon at paghihirap, mas madali sayo o satin ang magalit sa Diyos kaysa maniwala sa mga salitang: "Everything happens for a reason", "May plano ang Diyos saiyo", o di kaya'y "Sinusubok ka lamang ng Diyos, dahil alam Niyang kaya mo at malakas ka." Mahirap paniwalaan ang mga ganun kapag problemado ka na. "Mahirap maniwala sa isang positibo, kung may isang daang negatibo." Pero in case makaharap kayo ng taong kinukwestyon na ang diyos, ano ba ang dapat gawin or sabihin natin sa kanila para gumaan man lang ang loob nila? Ako, if ako yung taong kumukuwestiyon sa Diyos, ang gusto kong gawin ninyo'y HAYAAN AKO. Hayaan akong ilabas ang saloobin ko sa Kanya. Hayaan akong marealize na mali na ang ginagawa ko. Hayaan akong kusang magpagaan sa sarili kong loob. At, hayaan akong maniwala pa rin sa kabila ng pagiging hindi sigurado ng lahat. Kapag hinayaan kasi ako, dun lang ako mas natuto -- natuto sa mga pagkakamali ko at sa mga negatibong pangyayari. Anyway, share ko lang naman ito haha, maghapon kasi akong di nakabisita kay noise. Magandang gabi sa inyong lahat! Nawa'y naging maayos ang buong araw ninyo. Kung hindi naman, ayos lang yan... May Bukas Pa naman! Lol. @Mariagioia00 PS: Galing kay google ang litrato, medyo malabo dahil ini-screenshot ko lang ito. Hehe
No comments yet