May Pinagsisisihan Ka Ba?; Ang Dalawang Uri ng Pagsisisi.

7 172
Avatar for Maestro02
3 years ago

Una sa sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking kaibigan dahil siya ang inspirasyon ko sa paggawa at pagbuo ng article na ito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakabuo ng ideya tungkol dito.

Ano ang kahulugan ng pagsisisi para sa Iyo?

Ang karaniwang kahulugan ng salitang pagsisisi ay panghihinayang, pagkadismaya at pagiging malungkot ng isang tao sa kung ano ang naging resulta ng isang bagay na kanyang ginawa.

Ang pagsisisi ang isa sa mga bagay na pinaka-ayaw ko mangyari dahil ibig-sabihin lamang nito ay hindi ako nagtagumpay sa aking ginawa.

Sa walong taon ko na pamumuhay sa mundo na ito, ang tanging malaking pinagsisihan ko lang ay ang sinayang ko ang pagkakataon na makahingi ng tawad sa aking ama bago siya bawian ng buhay. Nagsisi ako sa bagay na ito ngunit naging daan din ito para mahalin ko ang mga bagay na lagi niyang pinapaalala sa akin.

Ikaw? May pinagsisisihan ka ba?

Nitong nakaraang linggo, may sinabi ang aking kaibigan na nagbukas sa akin ng oportunidad para makapag-isip at tanawing muli ang mga desisyon ko sa buhay. Ibinahagi nya sa akin ang dalawang halimbawa ng salitang pagsisisi; Ito ay ang pagsisisi dahil gumawa ka ng isang partikular bagay at ang pagsisisi dahil hindi mo nagawa o sinubukan gawin ang isang partikular bagay.

Nagsisisi ka ba dahil hindi mo nagawa ang isang bagay?

Ang uri ng pagsisisi na ito ang nakadepende sa sitwasyon na mayroon ang isang tao. Ang kadalasang idinadagdag nating mga salita kung tayo man ay nagsisisi sa isang bagay na hindi natin sinubukan ay ang mga; dapat pala-, dapat kasi-, at iba pang bagay na karaniwang idinudugtong dito.

Halimbawa:

"Dapat pala ginrab ko na yung opportunity, edi SANA hindi ako nanghihinayang ngayon. Sayang naman."

"Dapat kasi hindi na ako sumama, nadisgrasya tuloy tayo. Kung hindi SANA ako sumama, edi SANA hindi ako napahamak. Dapat pala nakinig nalang ako sa aking mga magulang."

"Sayang hindi ako nag-take ng risk ngayong semester. SANA pala sumubok na din ako."

Kung mapapansin natin, ang uri ng pagsisisi na ito ay kadalasang dinudugtungan natin ng SANA dahil nagsisisi tayo na hindi man lang natin sinubukan ang isang bagay.

Kadalasang nagiging negative ang bunga ng uri ng pagsisisi na ito dahil ang kadalasang iniisip ng isang tao ay kung bakit hindi niya sinubukan ang isang bagay. Panghihinayang ang kadalasang bunga at takot naman ang kadalasang sanhi kung bakit hindi sinubukan ng isang tao ang isang bagay.

Nagsisisi ka ba dahil ginawa mo ang isang bagay?

Ang uri naman ng pagsisisi na ito ay may pagkakaiba sa nabanggit na uri ng pagsisisi sa itaas. Ang kadalasan namang salita na idinudugtong natin kung sakali mang may sinubukan tayo ay ang pero-, ngunit-, at iba pang mga salita na maaring idugtong dito.

Halimbawa:

"Sayang. Dapat pala hindi ko na ginrab yung opportunity. Dapat pala sa iba ko nalang binigay. PERO ayos na din siguro yon, atleast ngayon, alam ko na ang mga kahinaan ko."

"Dapat pala sumama na ako sa kanila, edi sana nasubukan ko ding gumala. PERO ayos na din yon, baka mapahamak lang ako kung sumama ako."

"Sayang, sinubukan ko pa kasi ngayong semester e. PERO mabuti na din yon, pagbubutihan ko nalang sa susunod."

Kung mapapansin natin, kadalasang may lesson tayong nakukuha pagkatapos nating gumawa ng isang bagay; Although, hindi ito applicable sa lahat ng bagay ngunit mas maganda pa ding pakinggan na sumubok tayo sa mga bagay na mabuti at alam natin na hindi tayo makakapanakit ng ibang tao.

Kung pagkukumparahin naman natin ang dalawang uri ng pagsisisi na ito ay mas magandang pakinggan na nagsisi tayo dahil sinubukan natin [ang isang mabuting bagay]. Ang ibig ko lamang sabihin ay nagsisi tayo ngunit may natutunan naman tayo.

Isa ito sa mga narealize ko pagkatapos namin pag-usapan ang topic na ito, mas mabuti pala na sumubok tayo sa isang bagay lalo na kung alam natin na hindi tayo makakapanakit ng iba at kung alam natin na kakayanin naman natin. Hindi man natin alam ang papasukan natin o kahit mabigo man tayo dito, minsan ito pa ang nagiging daan para mas makilala natin ang mas maayos at maganda nating mga sarili.

Kayo? Ano ang repleksyon nyo sa topic na ito? Ano ang mga ideya nyo sa bagay na ito? Ano ang natutunan nyo pagkatapos nyo mabasa ang article na ito? Maari n'yo itong ibahagi sa ibaba para mas mapalawig pa natin ang partikular na bagay na ito.

Author's note:

Ang nilalaman ng article na ito based lamang sa experience at mga realizations ko/namin ng aking kaibigan at ina. Based din sa kanilang konklusyon, mas lamang pa din ang sumubok sa isang [mabuting] bagay kahit hindi natin alam ang papasukin natin at kahit mabigo pa tayo dito. Ngunit muli, nakadepende pa din ito sa sitwasyon, kalagayan, oras, tao, lugar at pangyayari; Isa ang mga ito sa factors na kailangan nating alalahanin lalo na kung tayo man ay gagawa ng isang desisyon.

Lagi din nating gamitin ang ating critical thinking skills at magdesisyon ng naayon sa kalagayan at kakayahan upang maiwasan ang mga bagay na hindi natin gusto mangyari. Gayonpaman, hinihiling ko ang kaligtasan at kapakanan ng lahat.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking article.

You can read my previous articles here:

When I was a kid, I had a dream.

Me, as a Fan of Wonderful Things.

A Story Of An Answered Prayer.

Kumusta Ka? Mangungumusta Lang Sana.

A Week Before My Graduation.

7
$ 4.67
$ 4.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @ZehraSky
$ 0.10 from @Ruffa
+ 4
Sponsors of Maestro02
empty
empty
empty
Avatar for Maestro02
3 years ago

Comments

Same situation bata. andami kong sana at disappointment sa sarili ko. Pero bukod doon kahit na nakakaexperience ako ng ganyan, mas tinitignan ko parin kung anong nakakabuti. Gaya nalamang noong mga panahon na niyaya ako ng mga kaklase ko na mag inom ganon, sumama ako ang napala ko pagplaplastik lang. Ang ending inisip ko na SANA dina lang ako sumama kung ganto din lang naman pala mapapala ko. And then nung niyaya nila ako ulit dina ako sumama which is good decision kasi masaya naman ako kahit nasa bahay lang mas maganda nga yun kasi nalayo ako sa katoxican ng paligid ko.

salamat bata dito sa article mo, may matututunan nanaman ang mga mambabasa dito 💚

$ 0.00
3 years ago

Odiba po? The realizations is there we just to analyze it and find its conclusions. I'm happy to know the lesson on your story po.

I'm more happy na nabasa nyo po ang article ko na ito. Maraming salamat at moat welcome po! 🤍🤍🤍

$ 0.05
3 years ago

Yun o! Of course ako rin merong mga pinagsisihan... Like, sana 3 months ago nagstart na ako magsulat dito. 😂 Pero ok lang, kahit di ako nag-start agad magsulat ok pa rin. Gagalingan ko na lang this August. Haha. Sana makamit ang pinapangarap.

Akala ko ilalagay mo rin yung mga pinagsisisihan mo. Hehe. Parehong pagsisisi naranasan ko na rin. Pero mas pinakamalala ay yung sana wag na tayo umabot na magsisisi sa huli bago tayo umayos sa kilos natin dito sa mundo.

Unang-una na yung pag-aalaga sa kalikasan. Nakow. Nasulat ko na sa articles ko yung mga dapat nating gawin. Sana lang marami makabasa at maintindihan ng lahat bakit importante ang mga puno lalo na ang mga mangroves para sa ating lahat. Otherwise buong mundo magsisisi talaga sa pinaggagagawa nating lahat. Yun ang pinakamalalang sitwasyon.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat po sa pagshare ng inyong experience! Actually, naglagay po ako ng onting insight sa experience ko about po sa topic na ito upper part ngunit upang mas maging fair po and hindi matabunan yung pinakathought na gusto kong sabihin, mas nagfocus ko ako sa biggest variables. 😅

I stand with your mission po. Kailangan talaga nating pangalagaan ang kalikasan. So far, dito po sa lugar namin, ayos naman po ang pangangalaga ng kalikasan since nasa province ako at madami po kaming puno dito plus nasa mataas din po kaming lugar. But yes po, need nating intindihin yung mga lugar na delikado which is mas madalas nags-suffer sa mga kalamidad at panganib.

Maraming salamat po sa pagbabahagi ng mga kaalaman! 🤍

$ 0.00
3 years ago

Nice buti ok pa diyan sa lugar nyo. :)

$ 0.00
3 years ago

Ang pagsisi ay nag mula sa tingin mo ay maling decision. Talagang nasa huli ang pag sisisi, pero ang maganda dito, natututo tayo sa pag desisyun sa hinahanap.

$ 0.00
3 years ago

I agree. Tama po. Kaya mabuting pagdesisyunan nating mabuti ang bawat bagay lalo na kung malaki ang nakasalalay dito.

Maraming salamat po sa pagbabahagi ng ideya. 🙌🏼

$ 0.00
3 years ago