A Story Of An Answered Prayer.

16 120
Avatar for Maestro02
3 years ago
Topics: Dream, Journey, Life, Story

Anim na taon. Apat na taong naging Visual Artist sa Junior High School at Dalawang taong naging isang Humanista sa Senior High School; na may kabuuang anim na taong pagsusumikap, pagbabahagi ng talento, pagkukwento, pagiging lider, pagiging isang maalam sa sining, at pagtitiis. Dito umikot ang aking high school.

Nitong nakaraang Hulyo 16, 2021, may isang panalangin ang natupad. Natupad ang pangarap ko na makapagtapos ng high school. Sa katotohanan, hindi lang pangarap ko ang natupad kundi pangarap din ng aking mga magulang at sa Ama. Kasama ko sila sa aking laban kaya marapat lang na ibigay ko sa kanila ang papuri.

Ang makita ang aking sarili na nakasuot ng isang barong at sash na naglalaman ng strand na natapos ko ay nagdulot ng malaking ngiti sa aking puso. Hindi ko inaakala na ang dating pinapangarap ko lang noong ako ay bata ay matutupad na din sa akin ngayon. Madalas akong nakakakita ng ganitong larawan noon sa internet at habang nakikita ang kanilang mga captions ay nagdudulot ng pagpupursigi sa akin.

Nang makita ko ang pagiging excited at pagkatuwa ng aking lolo,lola at nanay noong araw ng aking graduation ang nagpatibay sa aking loob na hintayin ang aking pangalan na banggitin at lumabas sa screen ng aming telebisyon. Nanghina ako sa tuwa ng makita ng aking ina ang larawan na ito at biglya nya akong yakapin sabay sinabing;

"I'm so proud of you, anak. Pagbubutihin mo pa lalo. Andito lang ako para sumuporta sa lahat ng gusto mo. Kasama mo ako sa mga laban mo. Lalaban tayo."

Nang marinig ko na binigyan na ito ay hindi ko mapigilang umiyak ngunit palihim lang dahil alam ko na susundan din ito ng iyak ng aking ina.

Sa simpleng "sus, yan lang ba? Kaya ko yan." na sinabi ko sa sarili ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa high school ay hindi ko akalain na magiging;

"Finally, nakuha ko na. Next goal, college naman!"

Hindi ba't napakasarap pakinggan? Oo. Napakasarap sa pakiramdam. Nakakaproud.

Ang pinagaalayan ko ng milestone na ito ay walang iba kundi ang aking ama at ina. Naalala ko na pinagpaplanuhan ng aking mga magulang noon kung sino sa kanila ang magsasabit sa akin ng medalya dahil alam daw nila na hahakot ako nito. Hindi sila nakamali sa kanilang iniisip dahil pinasok nila ako sa isang bagay na alam nilang gusto at kaya ko. Nagbunga ito ng mas magandang panaginip. Dagdag pa ng nanay ko, siya daw ang magsasabit sa akin sa junior high school Moving Up ko at ang tatay ko naman daw sa Senior High School Graduation ko ngunit sa kasamaang palad, nasira ang usapan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Nawala man siya ng maaga sa amin; hindi man niya naabutan ang pagsabit ng medalya sa akin noong ako ay junior high school; hindi man nya naabutan na gumagawa na ako ng portraits at painting, gaya ng pangarap nya; hindi man niya naabutan ang pagkakataon na naging isang magaling na mananalita na ang anak nya; hindi nya man naabutan na maka-graduate ako ngayong senior high school; alam at nararamdaman kong proud siya sa amin ng kapatid ko dahil nawalan lang naman siya ng hininga ngunit hindi siya mawawala sa amin.

"Lubos ang aking kagalakan, sa Ama lahat ng kapurihan."

Glory is all his. Apart from him, I am Nothing.

Hindi ko man naipakita sa ibang tao ang maari ko pa maipakita at mapatunayan ngayong huling taon ko sa senior high school dahil sa pandemya, alam ko naman na naipakita ko ang pagpupursigi ko sa kabila ng hinaharap ng ating mundo. Dadaan man ang madaming problema, pagsubok, at tahakin sa buhay ngunit hindi ako magpapabuwag dahil may pangarap pa akong kailangang tuparin. May mga kapatid pa akong dapat pag-aralin.

Madami man akong certificates at medals na naipon ngunit hindi pa din matutumbasan nito ang mga pagkakataon na napagtagumpayan ko. Nagsisimula palang ako dahil may mas malaking mundo pa akong kahaharapin.

Hindi ko man hawak ang medalya at papel na nagpapatunay na ako ay nakapagtapos na, nakikita at nahahawakan ko naman na ang kinabukasan na gusto ko para sa pamilya at sa susunod na magiging pamilya ko.

Gusto ko lang din ibahagi ang ilan sa mga karangalan na natanggap ko sa aking Senior High School Journey;

Ang mga titles na ito ay wala lang sa akin. Hindi ko ito magagamit pagdating ng panahon. Nakuha ko lamang ito dahil nagpursigi at lumaban ako. Hindi din dito masusukat ang katalinuhan ng isang tao dahil ang mga marka na makikita natin sa ating mga card ay resulta lamang ng isang bagay na natapos natin. Hindi ko magagawa ang mga bagay na ito kundi sa suporta,tulong at paggabay ng aking pamilya, kaibigan at ng Ama.

CLSU, HERE I COME!

PADAYON, FUTURE EDUCATORS!

MAGTUTURO DAHIL GUSTONG MATUTO.

Author's Note:

Babalikan ko ang article na ito matapos ang apat na taon at sasabihin sa sarili na nagawa ko ang lahat ng isinulat ko dito. Hindi ko man masasabi ang hinaharap ngunit pipilitin ko na magawa ito para sa kinabukasan ng sarili at ng mga tao na nakaalalay sa akin. Maraming salamat sa pagsama sa aking journey bilang isang author at estudyante.

Kumapit ka. Marami pa akong kwento na ibabahagi.

You can read my previous articles here:

Kumusta Ka? Mangungumusta Lang Sana.

A Week Before My Graduation.

Art Techniques: Unusual Things That I Use To Create A Masterpiece

My Goals And Wishes For The Month Of July.

I Failed On My First Try But I Succeeded On My Second Try.

8
$ 15.05
$ 14.27 from @TheRandomRewarder
$ 0.60 from @Ruffa
$ 0.05 from @imanagrcltrst
+ 3
Sponsors of Maestro02
empty
empty
empty
Avatar for Maestro02
3 years ago
Topics: Dream, Journey, Life, Story

Comments

Naks. Congratulations! Galing honor student. God is good indeed.

$ 0.00
3 years ago

Maraming Salamat po! 🥺

Yes po, He is good indeed. Ingat po kayo lagi! 🤍

$ 0.00
3 years ago

Congratulationssss! Isang ngiting tagumpay naman jan. :)

Anyways, nasabi ko na yata 'yung mga gusto kong sabihin days ago. So, 'di ko na hahabaan pa 'to. Tiyagaan lang at makakapag-suot din tayo ng itim na toga at lalakad sa graduation site ng Univ natin na yearly na nire-reconstruct. Sana lang okay na lahat 'nun. PADAYON SA ATINNNNN!

$ 0.00
3 years ago

Nakangiti na po habang binabasa ito. Maraming salamat ate. Padayon! 🤍🥺

$ 0.00
3 years ago

PADAYONNNN! :)

$ 0.00
3 years ago

Congrats lods! Laban lang tayo, kahit mahirap online class.

$ 0.00
3 years ago

Yes po. Lalaban para sa pangarap. Maraming salamat! 🙌🏼

$ 0.00
3 years ago

You're welcome! Yes laban lang tayo lods!

$ 0.00
3 years ago

congrats po😊

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat po! 🤍🙌🏼

$ 0.00
3 years ago

Congratulations to yoouuu. You deserved all those rewards that proves your hardworks in education aspects. Brighter future awaits for you, just keep going. You are almost there.

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much for these kind words, ate. 🥺🙌🏼

$ 0.00
3 years ago

Congratulations sa iyo. Ipagpatuloy mo lang yan.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat! 🙌🏼

$ 0.00
3 years ago

Congratsuuu again bata, nakaka proud kang tunay. Sana'y mas maging malakas kapa para harapin ang mga pagsubok na maaari mong kaharapin bilang studyante. Hangad ko ang iyong tagumpay. Congratulations 🍟💙🥧💥🍰🎊🎊☕🍮🎂👏👏

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat, Ate Ruffa! Madami pa po. Kahaharapin ko lang yung iba. Salamat po sa pagdamay at pakikinig. 🤍🤧 "Lalaban dahil may pangarap."

$ 0.00
3 years ago