Kumusta ka? Mangungumusta lang sana. Sana ay ayos ka lang. Gusto ko lang magkwento tungkol sa mga naranasan ko nitong mga nakaraang araw.
Pero teka, ano ang iyong sinabi? Kumusta ako? Hindi ko masasagot ng punto ang iyong tanong dahil madaming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Isa na dito ang aking graduation namin bukas (July 16). May saya na may halong kalungkutan ang nadarama ko dahil sa natanggap ko na mensahe kanina mula sa aking guro. Ngunit huwag kang mag-alala, ayos lang ako.
Nakatanggap ako ng isang litarto mula sa aking guro. Ako yung unang tao na binabanggit sa hanay ng mga lalaki. Nagulat ako nang makita ko ito dahil hindi nagtugma ang expectations ng aking ina sa resulta na natanggap ko. Nag-eexpect sya kasi na mapapabilang ako sa mas mataas na posisyon sa final rankings.
Makalipas ang ilang minutong pag-iisip, ipinakita ko na din ang rankings sa aking ina. Naghalo ang kaba at tensyon noong oras na iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, positive ang kinalabasan ng move ko na ito kaya wala akong ibang naramdaman kundi ang maging masaya at kalmado noong oras na iyon. Actually, nag-expect ako na magagalit or magtatampo siya ngunit ginawa ko lang isang mangmang ang sarili ko or should I say, nag-overthink lang ako.
She's the proudest!
Kahit na hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya noon na makakatanggap ako ng "with high honors" na award, kahit na hindi ko na-meet yung matagal naming ineexpect, kahit medyo nadismaya ako sa results, kahit na nagkaroon ng tanong sa isipan ko, kahit na medyo nalungkot ako sa magiging reaksyon ng aking ina, kahit na nangamba ako, wala akong natanggap na negative comment mula sa aking ina.
Doon palang sa bahagi na sinabi nya sa akin na sa akin na "Alam mo anak, masaya ako kahit anong rank ka mapunta. Mas masaya ako dun sa nakapasa ka sa CLSU (Central Luzon State University) kasi mahirap makapasok don. Pero nagawa mo. Dun palang masaya na ako. Wala ka ng dapat patunayan. Masaya ako."
At kung tatanungin nyo ako kung kumusta ako? Oo, ayos na ako. Ayos na ako sa narinig ko mula sa aking ina. Hindi ako showy na tao, lalo na sa harap ng aking ina dahil kilala nya akong seryoso at jolly, depende sa mood at kahit hindi ko man sabihin direkta ang nararamdaman ko, alam na niya ang nais kong sabihin.
Sa totoo lang, pagkabalik ko sa kwarto pagkatapos ko sabihin ang balita sa aking ina, napaisip ako at may bagay na lumabas sa aking mata.
"Wala naman akong dapat ikabahala di'ba? Mas pagbubutihin ko naman sa college? " Sabi ko sa isipan ko.
Proud ako sa sarili ko. Lalo na at isa na akong author ngayon. Nakakabili na din ako ng mga kailangan ko at kailangan ng pamilya ko. Natutulungan ko na din sila. Isa din sa maipagmamalaki ko ay ang pamilya ko dahil sa pagiging supportive nila sa mga desisyon namin. Never pa nila kaming hinadlangan sa gusto namin, basta hindi ito nakakasama sa isa't isa.
Nga pala, gusto ko lang din ibahagi ang naging bunga ng pag-iipon ko. Actually,matagal ko na ito dapat bibilhin ngunit ngayon ko lang ito kinailangan. Bumili ako ng bag na maari kong gamitin tuwing may pupuntahan ako. Sa totoo lang, may bag pa akong ginagamit dito but since hinihiram ito ng aking kapatid, napagpasyahan ko na ibigay nalang ang luma kong bag sa kanya at magsisilbi na din itong graduation gift ko sa kanya dahil bukas na din ang kanilang moving up.
Graduation gift.
Magsisilbi na din itong graduation gift para sa sarili ko dahil matagal-tagal na din akong hindi nakakabili ng gamit para sa sarili ko. This time, nagbigay naman ako ng reward para sa sarili ko.
Kumusta naman ako? Ayos na ako. Wala naman akong dapat ipangamba sa bagay na iyon dahil may mas malaking mundo ang kahaharapin ko at dapat ko itong paghandaan. Hindi ko na din iintindihin ang kung ano ang natanggap ko dahil narinig ko na ang sagot sa aking ina. Masaya na ako don. Nailabas ko na din ang gusto kong sabihin sa pamamagitan ng article na ito.
Ikaw kumusta ka naman? Sana ay ayos ka lang. Open ang telegram ko kung gusto mo ng kausap. Hindi ako ang best listener ngunit makikinig ako kung kailangan mo ng kaibigan.
Salamat pala sa mga kumusta,tita @carisdaneym2 , @Jinifer , @Heneralluga at kay @kli4d na hindi nakakalimot mangumusta sa akin. Malaking bagay na ito sa akin dahil kayo ang mga kumusta ko ngayong linggo. Kayo, kumusta kayo? Sana ay ayos lang kayo. Maraming salamat sa mga kumusta!
Author's Note:
Ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng tagalog na article. Kadalasang english ang aking ginagamit dahil gusto kong mahasa ang aking vocabulary at grammar upang hindi na ako mahirapan sa mga susunod na pagkakataon. Naglabas lang ako ng damdamin sa article na ito. I know hindi ito educational, relatable, wala din itong kinalaman sa ibang tao ngunit ang mahalaga ay nailabas ko sa article na ito ang gusto kong sabihin.
You can read my previous articles here:
Art Techniques: Unusual Things That I Use To Create A Masterpiece
My Goals And Wishes For The Month Of July.
Ay gusto ko 'to. See? Ina-upvote naman yung sariling language natin. Sulat na lang tayo more in Filipino rin guys para walang problema. Hehehe.