read.cash Log in

@Knotty

Joined 9 December 2022 · 108 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

K@Knotty

Mr. Sun is shining so bright! Happy Sunday everyone! It is so hot to go outside so I'm just here inside our home watching a movie. I don't have any academic tasks today, so I might do some workout later. I'm just gonna relax a little bit because tomorrow is Monday again, another online class. That's all I'm gonna share for today. Have a blessed Sunday, everyone!

K@Knotty

Let me share this beautiful flower that I took in the year 2018. I just scrolled down on my ig post and saw it, and I think it's best to share it to everyone. It looks like a gumamela but I don't know if it is really a gumamela because I think there is something different hehe. I just saw this flower when we visited our cousin's house. It was outside of their gate and as you can see it's very attactive and beautiful so I took a photo of it. I love seeing flowers. It's very colorful and beautiful. It makes the world more colorful and wonderful! Anyways, have a nice day, everyone!

K@Knotty

11:11 sale na! Ang daming bonggang items sa piso deals ngayon! Paunahan nga lang. Dapat mabilis ang kamay at malakas ang internet connection. Kaunti lang nakuha ko pero madami pa naman mamamaya, hihintayin ko lang. Mag abang-abang lang tayo sa flash deals. Hindi ako nakakuha kaninang madaling araw, mas bongga sana yun. Nakatulog ako ng maaga eh, tas sobrang late nagising 10 am na haha. Pabudol kayo sa mga piso deals para di mabigat sa bulsa. Free shipping naman eh kaya goods na goods! Yung isang na order ko na naka cod pa 3 pesos lang hahaha nakalimutan ko kasi ishopee pay.

K@Knotty

Excited na ako! Darating na bukas ng order ko from shopee. Nakabili ako sa penshoppe ng 2 loose shirts for only 300. Mahilig din kasi ako sa mga plain lang. Halos lahat ng tshirts ko ay plain lang haha. Naka bundle sale siya nung binili ko plus with free shipping pa at may coins pa ko so nabawasan, nasa 200+ lang ang nabayaran ko. Ginamit ko shopee pay para may free shipping hehe. Tiningnan ko price niya ngayon, bumalik na sa dati. Ang laki din na discount ko, almost 500 din. Sana lang magkasya sa akin. Based sa reviews, malalaki daw ang sizes so ang binili ko small at extra small kasi naubusan na ng xs sa isang color. Sana magkasya talaga haha. Naaawa na din kasi ako sa sarili ko minsan haha. Paulit-ulit nalang ang sinusuot. Pero wala naman masama sa pag ulit ng damit pero wala din naman masama kung gusto mo din bumili ng bago. Treat yourself din minsan.

K@Knotty

BENGGA Maglalaro ka lang, kikita ka na! Try this app guys. Legit din to and I think Pinoy lang din ang creator nito. Sa totoo lang, hindi ko pa natry mag cash out. Instead na icashout sa gcash, nilagay ko kasi sa wallet. Taas-baba din ang value ng token, yun nga lang, hindi pa pwedeng ma cashout yung sa wallet, maiipon lang. So, I suggest pag na reach niyo na yung minimum, i cashout niyo nalang agad through gcash. Pero kung gusto niyo ipunin muna, pwede namang ilagay niyo sa wallet muna. Kayo bahala. Anyways, ang app na ito ay parang axie. Maglalaro ka lang para kumita. Ang maganda dito, walang ads. Tapos madaming laro na pwedeng pagpilian. Araw-araw, iba-iba ang laro. Kada 8pm siya nagbabago. Legal din dito ang nakawan hahaha! Pwede kang magkanaw sa earnings ng ibang players pero konti lang hahaha depende lang din sa loots mo. Nakakalito lang minsan ang ibang laro kasi walang instructions yung iba, ikaw dapat ang umintindi kung papaano. Kung medyo nalito kayo sa sinasabi ko, may fb group naman na pwedeng salihan. Tas may gc rin. Ang admins ang magpapaliwanag ng mabuti upang maintidihan niyo ng lubusan.

K@Knotty

Dumating na din sa wakas ang orders ko from shopee! Nagpost ako dito nung nakaraan na akala ko dadating na kinabukasan, pero it's a prank lang pala. Sobrang nataranta pa ako kanina kasi di ko inexpect na magsasabay ang tatlo. Nakakataranta pag tumatawag na yung rider hahaha! Anyways, ito yung isa mga inorder ko. Nabili ko lang ng 129. Goods na goods na din. Maganda naman ang tunog, hindi basag. Hindi ko lang sure kung tatagal hahaha! Update ko nalang kayo hhahahaha! Pero ang cute diba? Tinry ko lang naman mag wireless. Tas maganda din kasi ang reviews na eh. Pag bumili ako sa online, minimake sure ko muna kung magaganda ba reviews bago ko bilhin. Tas bumili din pala ako ng rejuvenating set. Nag promo kasi si fairy skin- set + free soap. Actually, andami ko nang na try na iba pero sa lahat ng nagamit ko na skin care, si fairy skin lang talaga ang hiyang sa akin. Mas mahal pa nga yung iba, pero di talaga tumalab.

K@Knotty

Ayuda ulit galing kay paypal! Nakakuha din po ba kayo? Hindi ko na tiningnan kung nag email ba sa akin, nakita ko lang kasi sa post tas niclick yung link. Try niyo pong tingnan yung inyo. Yung kuya ko sinuswerte, apat na account ang nakakuha. Ang dami niya daw kasing paypal accounts na ginawa niya dati pa, so sinubukan niya lang kung meron din at meron nga! Sana all diba! Nagsisi tuloy ako kung bakit ko dinelete mga accounts ko sa paypal dati. Ang dami kasi tas walang mga laman kaya binura ko, malay ko bang may paganito pala si paypal. Nabasa ko din na every month may paganito si paypal. Dalawang beses na akong nakatanggap, last month at ngayon. Sana makatanggap ulit next month hehe.

K@Knotty

Simula nung nag update si noise, parang lumiit na din v@lue ko. Akala ko nga tuluyan na akong di makakapay out. Sobrang binabaan ko na minimum payout ko. Instead of $10 ginawa ko nalang $2. After 5 days tsaka ko pa naabot ang $2. Sobrang natakot ako baka na sp@m na kasi almost 3 days bago naabot ang $1. Sayang lang kasi yung mga araw. Pero ganun talaga. Bitcoin kasi, baba-taas ang v@lue, isa na rin siguro yun sa factor. Pero kahit bumababa please magtagal ka pa rin sana noise. I can't live without you! Charooot hahahahaha!

K@Knotty

Sabi ko, di na muna ako magpapabudol hahahahha! Ang daming sale kasi tas free shipping pa hahaha! Pero last na talaga to promise. Sinisigurado ko din naman na lahat ng yan magagamit ko hehe. Bukas na dadating yung isa diyan. Almost two weeks din ang paghihintay ko. Ewan nalang kailan pa yung iba. Inaano (nalimutan ko ang term haha) ko din kasi nga diba baka tuluyan na ngang mag f2f next year/next sem so hindi na ko makakaorder pag ganun kasi walang tao sa bahay most the time. Lahat ng ipinangabayad at ibabayad ko ay mula dito sa naipon ko sa noise. Yieee salamat talaga noise. Hindi ko talaga ugali manghingi ng pera sa parents ko pag may binibili ako online. So salamat noise kasi kahit walang allowance may pambili ako yiee. Pero don't worry! May ipon pa naman. Di ko naman inubos lahat. Nag iipon din ako incase lang kailanganin.

K@Knotty

Super happy ko today kasi finally buo kami ngayon kasi umuwi ate ko. Sa ibang lugar kasi siya nagtatrabaho. Dito lang naman sa Pilipinas, mga 3-5 hours lang ang byahe, pero since nag start ang pandemic, paminsan-minsan nalang siya nakakauwi dahil sobrang strikto ng kanilang kompanya nila. Sa ayun na nga, nakauwi siya dahil holiday naman. Nag grocery din pala kami kanina, parang bonding nadin namin sisters at tsaka si mama. Kaya super pagod ako ngayon kasi pag uwi namin may tinapos pa akong school works. Oh diba, kahit holiday hahahaha! Pero oks kasalanan ko din naman hahaha! Anyways, ang dami kong nakikitang naghalloween party. Ang saya siguro niyan. Di ko pa na experience yan, kasi wala naman ganyan dito sa amin haha.

K@Knotty

Ang bongga talaga ng dekorasyon ng sm tuwing malapit na ang pasko. Kahapon pa lang ata nila ito binuksan sa publiko. Hindi ko pa ito nakikita sa personal kasi di pa ulit ako nakapasyal ng sm hehe. Ang maganda sa sm, pinapayagan nila ang mga tao na lumapit para makakuha ng litrato. Pero di ko lang sure ngayon kung ano ang rules nila kasi baka magdikit dikit ang mga tao, pandemic pa naman. May dalawang sm dito sa lugar namin, syempre magkaiba ng dekorasyon. Wala akong pic nung isa kaya di ko maipakita pero maganda din kaya lipat-lipat lang kung saan gustong tumambay hahaha! Every year, madaming nag aabang ng dekorasyon nila. Ang bongga kasi! Nagbibigay kasiyahan sa karamihan. Pandagdag memories sa atin kapag nakakakuha tayo ng litrato. Actually, nakita ko din yung post ng sm moa, ang bongga din ng dekorasyon. Hindi pa ako nakakapunta ng moa kasi sobrang layo haha pero soon, makakapunta din ako diyan. Ilan ba lahat ang sm dito sa Pilipinas? Ano kaya ang paandar ng ibang branch? Ang ganda din siguro ng dekorasyon nila hehe.

K@Knotty

HIGH SCHOOL MUSICAL My all time fave musical movie!! Elementary pa ako noon nung una ko tong napanuod. Lahat ng kanta, memorized namin magkakapatid haha! Madami na din akong napanuod na ibang musical movies, pero ito pa din ang the best! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nauumay sa kanta. Kahit ilang beses ko nang napanuod lahat ng seasons, gusto ko pa rin ulit-ulitin hehe. May nag musical play din nito sa school namin nung shs pa ako. Syempre, super nag enjoy ako kasi nasasabayan ko lahat ng kanta. Tas magagaling din naman yung mga umarte at magaganda din ang boses. Sobrang hilig ko sa mga musical; musical theater man yan o movie. Pero dahil sobrang mahal ng mga ticket sa musical theater, dalawang beses pa lang akong nakapanuod ng live. Pero sa movies naman, sobrang dami ko nang napanuod. Pagkatapos manuod, sinesearch ko yung mga kanta tas tinatry kong imemorize yung mga lyrics haha. Sobrang nag nakakaaliw kasi. Mahilig din kasi akong kumanta, hindi nga lang maganda ang boses hahaha! Pero oks lang, nag eenjoy naman ako hehe.

K@Knotty

Hello! Share ko lang itong group na sinalihan ko sa facebook. Parati silang nag uupdate sa members kung may mga vouchers o free items sa shopee lalo na kung sale. Ang daming members dito na nakakakuha ng items for free! Ang galing kasi ng admin maghanap ng mga items na may malalalaking discounts. Pero syempre, hindi lahat nakakakuha. Kailangan kasi mabilis ang kamay para makakuha. Kaya ako eto, nga-nga! Hahahaha! Isa pa lang yung na check out ko na pinost sa group na to, bluetooth earpods siya na 120+ lang tas magaganda naman ang feedback kaya kinuha ko na kasi magagamit ko din naman sa online class. Kada gising ko, isa-isa na naman silang magpopost ng mga items na nakukuha nila sa murang halaga. Usually, sa madaling araw kasi madaming discounts kaya di ako nakakakuha kasi tulog na hahaha! Before, may sinalihan din akong group na parang ganito din, pero ang gulo eh. Madaming nagpopost na di related kaya di masyado nakikita yung mga nagpopost ng discounts. Pero dito, sobrang organized, hindi nila inaallow ang mga posts na di shopee related.

K@Knotty

Nagrereklamo na si shopee sa kaka add to cart ko hahaha! Sorry shopee, di ko pa kayang icheck out lahat ng nasa cart hehe. Yung feeling na andami mong gustong bilhin, pera nalang talaga ang kulang! Uunahin nalang muna yung mas kailangan at mas mura hehe. Ang daming items na din na sold out na pero nasa cart ko pa rin haha. Ang sarap siguro sa feeling pag afford mo na lahat ng needs at wants mo in life. Kaya ngayon habang di pa afford, tipid-tipid nalang muna. Priority nalang muna ang needs tsaka na yung wants pag may extra hehe.

K@Knotty

Dumating na kahapon yung inorder namin nung 10.10 sale sa shopee. Kapag umoorder kami, almost 2 weeks talaga bago makarating sa amin kasi malayo kasi yung lugar namin. Tapos pag international naman yung seller, more than 2 weeks bago makarating. Pero okay lang naman, sanay naman na kami haha. Kaya pag may kailangan kaming gamitin na kailangan pang orderin online, nag oorder kami mga 1 month before para sure na makarating na bago pa kailanganin. Yung inorder namin nung 10.10 sale ay jeans na wide leg at mom jeans. Tig isa kami niyan ng ate ko. Worth it naman yung presyo niya kasi maganda naman tas may pa freebie pang hair clip kaya nag rate agad ako sa seller ng 5 star. Anyways guys, ako lang ba? Kahit ilang beses nang nakaorder ay natataranta pa rin kapag tumatawag na ang rider. Hahahahaha parang ewan!

K@Knotty

AYUDA Salamat sa ayuda, Paypal! Tatlong beses na akong natanggap ng email nila pero pag tinatry kong iclaim, parating not eligible. Buti nalang ngayon, pinagbigyan na ako ni paypal. Malaking tulong na din itong $5. Pero ang problema, hindi pwedeng itransfer ang amount sa gcash or paymaya so ang plano namin, ididirect nalang namin tong pambayad sa food panda para di na rin kami mag cod. Nakatanggap na din po kayo? Kung wala pa, subukan niyong icheck email niyo, tas iclaim kung pwede pa. Tas kahapon, nakatanggap din ako ng 100 load galing sa school department namin. Ang saya lang dahil first time kong mabigyan hehe. Malaking tulong na din to para sa online class. Sobrang thankful ko lang sa mga natanggap ko hehe. Minsan lang may magbigay kaya I feel super grateful. Hindi man ganun kalaking amount, pero sobrang okay na okay pa rin. Malaking tulong pa rin to, kahit paano. Yung lang po, skl! Hehe #Ayuda #Blessings

K@Knotty

FULLY VACCINATED Sa wakas, fully vaccinated na! Mas okay ngayon, wala ako masyadong naramdaman na kirot pagkatapos ng injection. Sana bukas di sumakit, kasi nung 1st dose ko mas sumakit yung braso ko after 24 hours. So far, itong pagsakit lang ng naman ng braso ang naramdaman kong epekto at normal naman yun. Sana talaga, ngayong 2nd dose ko wala akong maramdaman na negative effect sa katawan. Hindi ibig sabihin na fully vaccinated ay pwede nang gumala nang gumala. Mag ingat at magsuot pa rin ng facemask at face shield. Hindi rin naman ako palalabas na tao, mas gusto ko sa bahay lang haha. Kayo, vaccinated na rin ba? Mag ingat pa rin tayo kasi hindi pa rin nawawala ang virus.

K@Knotty

Limited Face to Face So andami nang rumors na baka daw sisimulan na next year ang limited f2f na klase. Hindi ko sure kung matutuwa ba ako o hindi haha. Okay lang sana kasi f2f na, pero limited lang eh, 20 students per classrooms lang. Tas feeling ko alphabetical pa to, so malalayo talaga ako sa mga friends ko huhu. Okay lang sana mag f2f kung balik na sa normal ang lahat. Mas masaya kasing mag aral diba kapag kasama mo mga friends mo. Don't get me wrong po. Matagal ko din naman gustong mag f2f na kasi ang hirap ng online class na puro self study ang nangyayari kasi may ibang di nagtuturo ng maayos. Nag set na din ng schedules ang mga colleges ang universities dito sa mga mall for students para mabakunahan na talaga ang lahat, so baka ipupush na talaga nila next year. Kung matutuloy man talaga, wala na din tayong magagawa. Na miss ko na din naman yung school namin na lalong gumanda dahil may mga bago silang mga pinatayo. Goodluck nalang sa lahat! Kaya natin to.

K@Knotty

Arthur Nery New fave OPM singer! I'm proud to say that he grew up in the City same as mine. Actually, I already knew him before, not personally, but just his name and looks. Some of my friends keep posting him on their stories because they're the proud friends and school mates of him. The lyrics of some of his songs are kinda relatable. His voice is so good, I love it! His beautiful voice makes him more handsome. I just love that some of my kababayans are now making their name known to the industry they love- in music industry, showbiz industry and even on national and international pageants. Maybe one day, you'll see me on national tv too hahahaha just kidding!

K@Knotty

One of the perks of having a sister whose working as a teacher is having an instant part time job haha. She will ask me to record all the scores of her students and she'll pay me. Don't get us wrong, okay? She will only ask me if she'll get very tired. My sister is working for almost 3 years and I can see that she's very dedicated to her work. She works day and night. She is teaching in the morning, and in the afternoon and evening, she'll record their scores for activies and will create another lesson and study it for tomorrow. My sister is only 23, she started working as a teacher when she was still 20 years old. She never forgets to treat us whenever she gets her pay as well as my other sister who's also working as Q.A, I really don't know what that means haha. My other sister graduated BSFT. My two sisters are already professionals, and here I am with my brother, still studying. We hope to graduate soon as an Engineer and IT! We'll graduate soon, I'M CLAIMING IT!!!

K@Knotty

PURE LOVE/UNFORGETTABLE Gusto mo ba umiyak? Try to watch this. Ang kwento nito ay tungkol sa mga magkakaibigan. Nakita ko lang sa fb while scrolling, na curious kasi ako kasi kasama si Kyungsoo sa bida kaya sinubukan kong panuorin. Na amazed nga ako sa acting skills ni Kyungsoo, ang galing! Nung una, akala ko last year lang to nirelease, pero di pala, nung 2016 pa pala to. Anyways, ang lungkot ng kwento nito. Masyadong mapanakit! Ang bigat sa damdamin. Dinagdagan pa ng background music na Dust in the Wind. Hindi naman dapat nakakaiyak tong kantang to eh, pero dito maiiyak ka talaga. Ang daming lesson na makukuha. Ayoko mang spoil, gusto ko kayo mismo makapanuod sa mga memorable scenes dito. Pwede niyo tong mapanuod sa viu pero exclusively for premiums users lang. Kung wala namang viu account, pwede din sa fb at yt. Ang title nito ay Pure Love pero nirelease internationally as Unforgettable. Hindi din to series, movie lang kaya watch na!!!

+1 more

K@Knotty

Grabe, hindi ko namalayan na 2 months na pala ako dito sa noise. Habang tinitingnan ko yung mga old posts ko, nakita ko nalang one month ago na pala yung iba. Sobrang thankful ako sa kung sino man yung nag introduce nitong noise, sobrang laking tulong. Dati, nung bago pa lang ako dito, ilang araw pa bago ko makuha ang 1$ ngayon, kayang-kayang na sa isang araw at may pasobra pa. Dito na din ako kumukuha ng mga binibili ko online, sobrang walang hassle. Inintroduce ko din to sa mga kaibigan ko nung bago pa lang ako, pero di sila naniwala eh. I have 5 affiliates, pero ni isa walang nagtagal. Once or twice lang ata nakapag post tapos give up na agad. Kailangan din naman kasi to effort at pasensya. Hindi naman agad-agad earnings dito lalo na't kakagawa pa lang ng account. Pero bahala na, choice naman nila yun eh. Gusto ko lang tumulong para kumita din sila kahit papaano, pero ayaw nila edi wag haha. I'm forever grateful sa noise. Sana magtagal pa, sobrang daming natutulongan.

K@Knotty

Yey! Nakagawa ulit ng simple crochet top. Actually, kulang pa to ng straps, mamaya ko nalang gagawin sumasakit na kamay ko eh. Ilang buwan din akong tumigil sa pag cro-crochet, ngayon lang ulit bumalik. Ilang buwan akong nawalan ng gana. Madami-dami ding akong wips na nagawa pero ni isa walang natapos. Pero buti nalang ngayon, bumalik ulit interest ko dito. Hindi pa din naman ako ganun kagaling mag crochet, yung mga basic lang alam ko, at kung minsan tumitingin pa ako ng mga tutorials sa yt. Nakakatuwa lang na nakagawa ulit ako ng isa. Nakakaawa kasi yung mga yarns ko kada nakikita ko haha. Nilagay ko lang lahat ng gamit ko sa box. Ilang buwan din yun nakatago. Susubukan ko ulit gumawa ng panibago sa mga susunod na araw, para di masayang yung mga yarns na hinoard ko dati haha. Yan kasi, hoard pa more hahaha!

K@Knotty

Forever baby, Ginger! Sa lahat ng pusa namin, ito talaga yung pinakainosente, singkit ang mata, at ito din yung ayaw magpakarga. Naalala ko dati nung kuting pa lang siya, kada manghuhugas ako ng pinggan, biglang tatalon sa likuran ko dahil gusto makipaglaro. Wala kasi siyang kalaro, siya lang yung kuting nung time na yun. Sa apat nilang magkakapatid, siya lang yung nabuhay. Sobrang weak nila nung pinanganak sila, buti nalang at may nabuhay kahit isa. Siya ang kauna-unahang naging pusa namin na kulay orange. Ngayon tatlo na sila, ang dalawa sa kanila ay yung mga pusang dinala ni papa galing sa trabaho. Dati sobrang playful niya as in, ngayon hindi na. Ayaw niyang kinakarga siya at ayaw na din hinahawakan. Pero never naman siya nangagat or nangalmot. Gusto niya lang lagi mapag isa. Hindi namin to pinapalabas ng bahay, hindi kasi to marunong lumaban. Kada kakalmutin siya nang ibang pusa nami, yuyuko lang siya at kusang aatras. Kaya pag nakalabas siya, kinukuha namin agad dahil may mga pusang mahilig makipag away sa labas. Natatakot kami baka awayin, di pa naman to marunong lumaban. Mahilig din siya tumambay sa ilalim ng Christmas tree namin. Pang 2nd Christmas na niya this year. Tatambay tas maya-maya biglang pinaglalaruan ang mga Christmas balls na nakasabit. Mahilig siyang umakyat sa Christmas tree dati buti nalang ngayon hindi na dahil baka biglang bumigay hahaha. Sobrang grateful ko sa mga alaga namin. Nakakainis man minsan, pero aminin na natin, sila yung nagpaparamdam sa atin na kamahal-mahal tayo. Sila yung nagbibigay saya sa mga malulungkot nating araw. Sobrang sarap mag alaga at magmahal ng mga hayop.

K@Knotty

Happy 828 subs sa akin dito sa noise! Sobrang laking tulong nitong noise dahil kahit nasa bahay lang ako, nakakaipon pa rin kahit papaano. Nakita ko lang to sa post sa crochet group na sinalihan ko sa fb, at wala namang mawawala kung susubukan kaya tadaaah! Sa mga nakakapalitan ko, salamat din marami sa inyo, alam niyo naman na kung sino kayo. Malapit na rin pala akong mag dalawang buwan dito. Sana tumagal pa to ng ilang taon dahil ang dami talaga nitong natutulungan. Kahit di ganun kalaki ang naiipon kada araw, pag pinagsama-sama naman lumalaki din. Happy earning sa atin mga ka-noise!

K@Knotty

OS: Hometown Cha-Cha-Cha Break muna sa school works! Episode 11- start na ng nakakakikilig na scenes at funny din at the same time hahaha. Ang lakas ng chemistry nitong dalawa eh. Pero may boyfriend na to si Shin Min Ah in real life, si Kim Woo Bin kaya pang drama lang talaga sila. Natatawa lang ako minsan pag na zozoom ang mukha ni Kim Seon Ho aka Dusik lalo na pag ngumingiti siya. Naalala ko lang kasi yung role niya sa isang kdrama na napanuod ko dati ang title Welcome to Waikiki 2. Sobrang funny ng role niya dun, actually sila naman lahat parang baliw dun hahaha. Anyways, napapagod na ako na tumitig sa laptop maghapon kaya lipat muna sa tv para manuod ng kdrama, 2 episodes lang naman, pangpatanggal lang ng pagod.

K@Knotty

Happy Sunday po! Kakauwi lang galing church. Medyo inaantok pa ko kasi 3 hours lang tulog ko kagabi kasi almost 2am na ako nakatulog dahil may ginawa akong activies at ginising naman kami ng 5am para mag simba. Iinom nalang siguro ako ng kape kasi ang dami pang nakapila na mga activies na kailangan kong gawin para di na mag tambak kasi ang dami talagang binigay eh, isang subject pa lang more than 20 activies na yun tas one week lang. Nakakapagod pero laban pa rin. Konting kembot nalang malapit na rin akong makatapos nasa 3rd Year college na ako ngayon kaya triple na din ang effort kasi di na basta-basta ang mga subjects at profs.

K@Knotty

Sino po nakatry na bumili sa inyo ng portable sewing machine sa shopee or lazada na until now ay gumagana parin? May ma irerecommend ba kayong shop? Yung sewing machine na tag Php1k+ yung price, hindi yung maliit na tag Php200-300+ kasi madami akong nababasang negative reviews about dun eh. Kulang pa yung pera ko sa ngayon, nag iipon pa pero kaunting push nalang makukuha ko rin yung amount. Nagbabakasali lang baka may nakabili na dito na medyo matagal na pero gumagana pa rin ngayon. Pero kung wala, okay lang. Naghahanap naman ako ngayon ng may mga magagandang reviews, pero lahat ng nakita ko madami din negative reviews eh kaya medyo nakakatakot. Sinubukan ko din maghanap sa yt ng recommendations. Gusto ko lang na madami akong pagpipilian at yung may pinakamadami at pinakamagandang reviews yun yung bibilihin ko.

K@Knotty

Just got my first dose of vaccine yesterday. Medyo masakit pa ang braso ko ngayon, masakit pag inaangat. Medyo natagalan kami sa pagpapabakuna dahil nung una ayaw pa talaga ni papa na magpabakuna kami dahil nga sa mga naririnig niya sa iba't-ibang tao. Ang nakakatawa lang ay yung mga nagpapakalat ng chismis ay di naman vaccinated, gumagawa lang ng kwento kaya marami dito sa amin ang di pa rin nagpapabakuna hanggang ngayon dahil natatakot. Pero buti nalang at biglang nagbago ang isip ng papa ko, pumayag na siya na magpabakuna kami kasi naiinis na daw siya mga sabi-sabi ng ibang tao. Huwag na lang makinig sa iba dahil nakakadagdag lang ng kaba at stress, mas mabuti pang makinig nalang daw sa frontliners total sila naman ang mas may alam sa lahat. Pero kami pa ng mga kapatid ko ang nabakunahan, sa susunod nalang daw sila. Hindi ko rin naman mabblame yung mga natatakot. Siguro takot sila sa injection o kaya takot sila sa posibleng maging side effects ng bakuna sa katawan nila. Lahat naman tayo may kinatatakutan, pero sana unti-unti na silang maniwala na para sa ikakabubuti nating lahat ang bakuna na ito. Hinding-hindi mawawala ang virus hangga't may mga matitigas pa rin ang ulo. Mag isip nalang po tayo ng positibo at manalangin sa Diyos na sana ay mubalik na sa dati ang ating pamumuhay.

K@Knotty

Fangirl mode muna. Sinong A'Tin dito? Kaway-kaway naman diyan! Kada may nakikita akong mga articles about them, I feel so proud!! Ang layo na ng narating nila and I'm so happy about it. Walang nagtatanong neto pero share ko lang ha haha. Friend ko na yan si Ken Suson dati pa, nung wala pang nabubuong SB19. Member siya ng isang sikat na cover group dito sa lugar namin at ang pangalan ng grupo nila ay "XITE". Dati pa lang nung napanuod ko performance nila, namangha talaga ako so pag uwi ko ng bahay inadd ko silang lahat sa fb pero iilan lang yung nag accept at isa na dun si Ken. I think year 2014 pa ata yun. Tas nung biglang iannounce yung debut ng SB19 nagulat ako kasi nga kilala ko ang isa kanila dati pa. Buti nalang at di nagtatanggal si Ken ng friends sa fb na di niya kakilala, so until now friends pa rin kami sa fb at isa yun sa maipagmamalaki ko as an A'Tin pero sana in real life din noh? charot haha. Anyways, ang bias ko po sa kanila ay Justin cutie tas si Ken bias wrecker. Maliban sa SB19, madami nadin PPOP groups ngayon, gaya ng BINI, BGYO, ALAMAT at madami pang iba. Ang galing mga PPOP groups ngayon, ibang-ibang sa dati. Mas nauna akong mag stan ng kpop groups tas di ako nag sstan ng mga pinoy dati. Eh dati kasi kuha ng kuha ng members pero wala naman training. Kung may looks okay na tas wala masyadong talent. Pero ngayon, halos lahat ang ang gagaling! Kudos! Stan PPOP GROUPS. Photo Credits: NYLON Manila