HIGH SCHOOL MUSICAL My all time fave musical movie!! Elementary pa ako noon nung una ko tong napanuod. Lahat ng kanta, memorized namin magkakapatid haha! Madami na din akong napanuod na ibang musical movies, pero ito pa din ang the best! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nauumay sa kanta. Kahit ilang beses ko nang napanuod lahat ng seasons, gusto ko pa rin ulit-ulitin hehe. May nag musical play din nito sa school namin nung shs pa ako. Syempre, super nag enjoy ako kasi nasasabayan ko lahat ng kanta. Tas magagaling din naman yung mga umarte at magaganda din ang boses. Sobrang hilig ko sa mga musical; musical theater man yan o movie. Pero dahil sobrang mahal ng mga ticket sa musical theater, dalawang beses pa lang akong nakapanuod ng live. Pero sa movies naman, sobrang dami ko nang napanuod. Pagkatapos manuod, sinesearch ko yung mga kanta tas tinatry kong imemorize yung mga lyrics haha. Sobrang nag nakakaaliw kasi. Mahilig din kasi akong kumanta, hindi nga lang maganda ang boses hahaha! Pero oks lang, nag eenjoy naman ako hehe.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet