FULLY VACCINATED Sa wakas, fully vaccinated na! Mas okay ngayon, wala ako masyadong naramdaman na kirot pagkatapos ng injection. Sana bukas di sumakit, kasi nung 1st dose ko mas sumakit yung braso ko after 24 hours. So far, itong pagsakit lang ng naman ng braso ang naramdaman kong epekto at normal naman yun. Sana talaga, ngayong 2nd dose ko wala akong maramdaman na negative effect sa katawan. Hindi ibig sabihin na fully vaccinated ay pwede nang gumala nang gumala. Mag ingat at magsuot pa rin ng facemask at face shield. Hindi rin naman ako palalabas na tao, mas gusto ko sa bahay lang haha. Kayo, vaccinated na rin ba? Mag ingat pa rin tayo kasi hindi pa rin nawawala ang virus.
1 comment
Congratulations on getting fully vaccinated, sis! You’re right po, normal lang na sumakit yung injection site. :) It happens hindi lang po sa covid vaccine kundi pati rin po sa flu vaccine. And trueee, kahit fully vaccinated na, ingat pa rin at face mask pa rin dahil pwede mo pa rin makuha at maikalat yung virus. Thank you for being a responsible citizen!