Forever baby, Ginger! Sa lahat ng pusa namin, ito talaga yung pinakainosente, singkit ang mata, at ito din yung ayaw magpakarga. Naalala ko dati nung kuting pa lang siya, kada manghuhugas ako ng pinggan, biglang tatalon sa likuran ko dahil gusto makipaglaro. Wala kasi siyang kalaro, siya lang yung kuting nung time na yun. Sa apat nilang magkakapatid, siya lang yung nabuhay. Sobrang weak nila nung pinanganak sila, buti nalang at may nabuhay kahit isa. Siya ang kauna-unahang naging pusa namin na kulay orange. Ngayon tatlo na sila, ang dalawa sa kanila ay yung mga pusang dinala ni papa galing sa trabaho. Dati sobrang playful niya as in, ngayon hindi na. Ayaw niyang kinakarga siya at ayaw na din hinahawakan. Pero never naman siya nangagat or nangalmot. Gusto niya lang lagi mapag isa. Hindi namin to pinapalabas ng bahay, hindi kasi to marunong lumaban. Kada kakalmutin siya nang ibang pusa nami, yuyuko lang siya at kusang aatras. Kaya pag nakalabas siya, kinukuha namin agad dahil may mga pusang mahilig makipag away sa labas. Natatakot kami baka awayin, di pa naman to marunong lumaban. Mahilig din siya tumambay sa ilalim ng Christmas tree namin. Pang 2nd Christmas na niya this year. Tatambay tas maya-maya biglang pinaglalaruan ang mga Christmas balls na nakasabit. Mahilig siyang umakyat sa Christmas tree dati buti nalang ngayon hindi na dahil baka biglang bumigay hahaha. Sobrang grateful ko sa mga alaga namin. Nakakainis man minsan, pero aminin na natin, sila yung nagpaparamdam sa atin na kamahal-mahal tayo. Sila yung nagbibigay saya sa mga malulungkot nating araw. Sobrang sarap mag alaga at magmahal ng mga hayop.
No comments yet