read.cash Log in
K@Knotty more from that month

Ang bongga talaga ng dekorasyon ng sm tuwing malapit na ang pasko. Kahapon pa lang ata nila ito binuksan sa publiko. Hindi ko pa ito nakikita sa personal kasi di pa ulit ako nakapasyal ng sm hehe. Ang maganda sa sm, pinapayagan nila ang mga tao na lumapit para makakuha ng litrato. Pero di ko lang sure ngayon kung ano ang rules nila kasi baka magdikit dikit ang mga tao, pandemic pa naman. May dalawang sm dito sa lugar namin, syempre magkaiba ng dekorasyon. Wala akong pic nung isa kaya di ko maipakita pero maganda din kaya lipat-lipat lang kung saan gustong tumambay hahaha! Every year, madaming nag aabang ng dekorasyon nila. Ang bongga kasi! Nagbibigay kasiyahan sa karamihan. Pandagdag memories sa atin kapag nakakakuha tayo ng litrato. Actually, nakita ko din yung post ng sm moa, ang bongga din ng dekorasyon. Hindi pa ako nakakapunta ng moa kasi sobrang layo haha pero soon, makakapunta din ako diyan. Ilan ba lahat ang sm dito sa Pilipinas? Ano kaya ang paandar ng ibang branch? Ang ganda din siguro ng dekorasyon nila hehe.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.