Just got my first dose of vaccine yesterday. Medyo masakit pa ang braso ko ngayon, masakit pag inaangat. Medyo natagalan kami sa pagpapabakuna dahil nung una ayaw pa talaga ni papa na magpabakuna kami dahil nga sa mga naririnig niya sa iba't-ibang tao. Ang nakakatawa lang ay yung mga nagpapakalat ng chismis ay di naman vaccinated, gumagawa lang ng kwento kaya marami dito sa amin ang di pa rin nagpapabakuna hanggang ngayon dahil natatakot. Pero buti nalang at biglang nagbago ang isip ng papa ko, pumayag na siya na magpabakuna kami kasi naiinis na daw siya mga sabi-sabi ng ibang tao. Huwag na lang makinig sa iba dahil nakakadagdag lang ng kaba at stress, mas mabuti pang makinig nalang daw sa frontliners total sila naman ang mas may alam sa lahat. Pero kami pa ng mga kapatid ko ang nabakunahan, sa susunod nalang daw sila. Hindi ko rin naman mabblame yung mga natatakot. Siguro takot sila sa injection o kaya takot sila sa posibleng maging side effects ng bakuna sa katawan nila. Lahat naman tayo may kinatatakutan, pero sana unti-unti na silang maniwala na para sa ikakabubuti nating lahat ang bakuna na ito. Hinding-hindi mawawala ang virus hangga't may mga matitigas pa rin ang ulo. Mag isip nalang po tayo ng positibo at manalangin sa Diyos na sana ay mubalik na sa dati ang ating pamumuhay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet