Yey! Nakagawa ulit ng simple crochet top. Actually, kulang pa to ng straps, mamaya ko nalang gagawin sumasakit na kamay ko eh. Ilang buwan din akong tumigil sa pag cro-crochet, ngayon lang ulit bumalik. Ilang buwan akong nawalan ng gana. Madami-dami ding akong wips na nagawa pero ni isa walang natapos. Pero buti nalang ngayon, bumalik ulit interest ko dito. Hindi pa din naman ako ganun kagaling mag crochet, yung mga basic lang alam ko, at kung minsan tumitingin pa ako ng mga tutorials sa yt. Nakakatuwa lang na nakagawa ulit ako ng isa. Nakakaawa kasi yung mga yarns ko kada nakikita ko haha. Nilagay ko lang lahat ng gamit ko sa box. Ilang buwan din yun nakatago. Susubukan ko ulit gumawa ng panibago sa mga susunod na araw, para di masayang yung mga yarns na hinoard ko dati haha. Yan kasi, hoard pa more hahaha!
No comments yet