read.cash Log in
K@Knotty more from that month

Grabe, hindi ko namalayan na 2 months na pala ako dito sa noise. Habang tinitingnan ko yung mga old posts ko, nakita ko nalang one month ago na pala yung iba. Sobrang thankful ako sa kung sino man yung nag introduce nitong noise, sobrang laking tulong. Dati, nung bago pa lang ako dito, ilang araw pa bago ko makuha ang 1$ ngayon, kayang-kayang na sa isang araw at may pasobra pa. Dito na din ako kumukuha ng mga binibili ko online, sobrang walang hassle. Inintroduce ko din to sa mga kaibigan ko nung bago pa lang ako, pero di sila naniwala eh. I have 5 affiliates, pero ni isa walang nagtagal. Once or twice lang ata nakapag post tapos give up na agad. Kailangan din naman kasi to effort at pasensya. Hindi naman agad-agad earnings dito lalo na't kakagawa pa lang ng account. Pero bahala na, choice naman nila yun eh. Gusto ko lang tumulong para kumita din sila kahit papaano, pero ayaw nila edi wag haha. I'm forever grateful sa noise. Sana magtagal pa, sobrang daming natutulongan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.