Fangirl mode muna. Sinong A'Tin dito? Kaway-kaway naman diyan! Kada may nakikita akong mga articles about them, I feel so proud!! Ang layo na ng narating nila and I'm so happy about it. Walang nagtatanong neto pero share ko lang ha haha. Friend ko na yan si Ken Suson dati pa, nung wala pang nabubuong SB19. Member siya ng isang sikat na cover group dito sa lugar namin at ang pangalan ng grupo nila ay "XITE". Dati pa lang nung napanuod ko performance nila, namangha talaga ako so pag uwi ko ng bahay inadd ko silang lahat sa fb pero iilan lang yung nag accept at isa na dun si Ken. I think year 2014 pa ata yun. Tas nung biglang iannounce yung debut ng SB19 nagulat ako kasi nga kilala ko ang isa kanila dati pa. Buti nalang at di nagtatanggal si Ken ng friends sa fb na di niya kakilala, so until now friends pa rin kami sa fb at isa yun sa maipagmamalaki ko as an A'Tin pero sana in real life din noh? charot haha. Anyways, ang bias ko po sa kanila ay Justin cutie tas si Ken bias wrecker. Maliban sa SB19, madami nadin PPOP groups ngayon, gaya ng BINI, BGYO, ALAMAT at madami pang iba. Ang galing mga PPOP groups ngayon, ibang-ibang sa dati. Mas nauna akong mag stan ng kpop groups tas di ako nag sstan ng mga pinoy dati. Eh dati kasi kuha ng kuha ng members pero wala naman training. Kung may looks okay na tas wala masyadong talent. Pero ngayon, halos lahat ang ang gagaling! Kudos! Stan PPOP GROUPS. Photo Credits: NYLON Manila
No comments yet