Dumating na kahapon yung inorder namin nung 10.10 sale sa shopee. Kapag umoorder kami, almost 2 weeks talaga bago makarating sa amin kasi malayo kasi yung lugar namin. Tapos pag international naman yung seller, more than 2 weeks bago makarating. Pero okay lang naman, sanay naman na kami haha. Kaya pag may kailangan kaming gamitin na kailangan pang orderin online, nag oorder kami mga 1 month before para sure na makarating na bago pa kailanganin. Yung inorder namin nung 10.10 sale ay jeans na wide leg at mom jeans. Tig isa kami niyan ng ate ko. Worth it naman yung presyo niya kasi maganda naman tas may pa freebie pang hair clip kaya nag rate agad ako sa seller ng 5 star. Anyways guys, ako lang ba? Kahit ilang beses nang nakaorder ay natataranta pa rin kapag tumatawag na ang rider. Hahahahaha parang ewan!
1 comment
Hahaha same feeling sissy.. at super excited na buksan Ang parcel.. akala mo package galing abroad Ang feeling eh hahaha