Tunog Kalye

32 57
Avatar for Khing14
2 years ago
Date: November 23, 2021 - Tuesday

Ang bawat isa sa atin ay may Halaga. Anuman ang estado natin sa buhay, mayroon tayong kanya kanyang gampanin para sa ating pamilya at sa ating pamayanan.

Ako si "Buloy" , isang tambay at palaging nakatanaw sa kawalan. Nag-iisip kung papaanong iaahon ang sarili sa kinatatayuan. Walang maayus trabaho ang sa akin ay gustong tumanggap, sapagkat di nakapagtapos bunsod ng kahirapan.

Beer ang aking katuwang sa oras ng kalungkutan. Hangad na makalimot kahit na panandalian. Pagsapit ng hapon, sa kanto ay tatambay. Upang malibang ang sarili at sa iba din ay makibagay.

Ang mga tao sa aking paligid ay namulat sa kanilang Maling Akala. Na ako ay walang silbi sa pamayanang kinabibilangan. Sa akin ay walang pumapansin, kaya sa isang sulok ay nagmumokmok mandin.

Elesing papel, aking sinubukang binuo. Iniabot sa mga batang abalang nangangalakal. Mga batang tanging sa akin ay nag-abalang makihalubilo. Mangha mangha sa aking obrang resiklo.

Image address

Ligaya ang hatid ng munting laruan, sa mga batang walang pambili ng magarang laruan. Sa simpleng gawang kamay at resiklong kapiraso, binuo ng mga kamay na sa iba'y walang silbi kuno.

Minsan may napadaan sa aking lugar ng tambayan. Isang binatilyo wari ba ay balisa. Nang aking tanungin "Boss ano ang iyong problema?" Binatilyo ay sumagot "Umiibig ako sa isang kolehiyala".

At ako ay sumagot, "kung ang intensyon mo ay tapat, bakit di ka magtapat?". Huwag kang Matakot na sumubok, dahil ako'y naniniwalang kung hindi ukol sadyang hindi bubukol.

Bakit hindi ka sumubok na sya ay awitan ng Harana? O kung hindi naman kaya, ay iyong alayan ng Nobela. Kung iyong mamarapatin, ano ba ang pangalan nya?

"Jopay" wika ng binata. Sya'y aking sinisinta mula pa nang unang makita. Labis ang kabang aking nadarama, sa tuwing sya ay aking nakikita.

Handa akong gawin ang lahat para sa kanya, ani pa niya. Kahit ang pagYakap sa Dilim, aking gagawin upang sa kanya's maipadama. Na ako'y nandito lang, sumusubaybay sa kilos nya.

Hanggang Kailan ka magtatago ng iyong nararamdaman? Bakit hindi mo sya tapatin at nang iyong malaman? Kung anong kanyang isasagot sa iyong katanungan.

At kung hindi mo man makamtan, kasagutang inaasam. Huwag mag-atubiling ipagTuloy pa rin anuman ang iyong nasimulan. Sapagkat ang pag-ibig, hindi minamadali iyan. Hayaan mong ang tadhana ang syang magbadya. Kung ikaw ba at sya ay talagang para sa isa't isa.

Kisapmata lamang ang lahat dito sa daigdig. Sa isang iglap maaring magbago ang iyong paligid. Kaya huwag nang sayangin ang panahon. Magtapat na kung may pagkakataon.

With a smile you can do it!. Alam kong iyan ay kaya mo!. Kung kailangan mo ng sidekick ay nandito lang ako. Isang tambay at ang sabi ng iba'y walang magandang kinabukasan.

214 yan ang petsa ngayon. Pebrero katorse araw ng mga puso. Mag aalangan ka pa din ba, baka maunahan na ng iba. Humayo ka at ayain nang sya ay magsimba. Maya-maya pa ay tumalima na ang binata. Bitbit ang gitara, ang isang tangkay ng rosas at tatlong tsokolate ay pasimpleng ibinulsa.

Ngayo'y nag-iisip, nakatitig sa kawalan. Bigla kong naalala ang matagal ko nang inaasam. Overdrive, kung pwede lang. Magdrive nang magdrive hanggang sa buwan. Puntahan ang mga lugar na natatanaw ng aking balintataw.

Humiga nang bahagya at tumingin sa Alapaap. Bahagyang napaisip, ginagawa ko't hindi tama. Hindi dapat magpakalugmok at tumambay sa isang sulok. Katulad ng binata, kailangan ko na ding kumilos.

Kahit na nga ako ay isang Hari ng Sablay. Sa hamon ng buhay, kailangan kong matutong makisabay. Tama sila, sa akin nga ay walang mangyayari. Kung ako'y uupo na lamang at mag aabang ng trabaho sa isang tabi.


Gumagawa ako ng code ko kanina habang nakikinig sa OPM songs. Mahilig akong makinig sa mga kanta ng mga bandang Pinoy katulad ng Parokya ni Edgar, Rivermaya, Eraser Heads at iba pa. Gusto ko din sina Gloc 9 at Abra.

Anyways, salamat po ng marami sa inyong pagtatyaga. Wala talaga akong maisip ngayon dahil nautas na ang utak ko sa pagco-code kahapon pa. Gayunpaman, maraming maraming salamat talaga sa inyo. Kayo ang isa sa dahilan kaya kahit abala ay pinipilit ko pa din makabuo ng mga ganito :)...

Sponsors of Khing14
empty
empty
empty

11
$ 3.88
$ 3.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @immaryandmerry
$ 0.05 from @Infinity
+ 8
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
2 years ago

Comments

Ang galing naman hahaha nakabuo ka ng article gamit ang title ng mga kanta 🥰👏👏👏

$ 0.00
2 years ago

yes po :)..kaya mo din po yan ..hanap ka lang nung playlist na paborito mo..

$ 0.00
2 years ago

masubukan nga din minsan yan hahaha isip ako ng maganda approach

$ 0.00
2 years ago

gora sis!..abangan ko yang gawa mo.

$ 0.00
2 years ago

Ako lang ba yung napapakanta Pag nasa title na ako ng kanta? Di ko alan pero ganon. Hahahaa. Ang galing galing po puro english nakikitang omg gantontapos ngayonn tagalog naman. Para akong makata na bumabasa ng akda galing galing. Kung wala ka pa pong maisip ano ang tawag mo dyan? Power!

$ 0.01
2 years ago

Ahaha..grabehan kuya..nakakalerkey..pero seryoso isa sa mga gusto kong playlist yang tunog album..nung una dapat yung playlist lang ni gloc 9 siguro nakakatatlong paragraph nako bago ko naisip na baguhin..

$ 0.00
2 years ago

Ay ang galing ha, may prompt nito si @Meitantekudo ah..

$ 0.01
2 years ago

Talaga sis?..di ko nakita..pero may nakita nako na gumaya nito kaso di ko maalala kaya hindi ko maitag.

$ 0.00
2 years ago

Si kudo kudo, di ko din matag, hahah. Plano ko din magsulat nito noon kaso di ko matuloytuloy..

$ 0.00
2 years ago

Naku kaya mo din yan sis...

$ 0.00
2 years ago

Akala ko mga titles din ng article mo yang nakahighlight mga songs pala

$ 0.01
2 years ago

Yes sis..yan yung nasa playlist

$ 0.00
2 years ago

Galing galing naman, wala ka pang maisip sa lagay na yan ah. I love those songs lalo na ang Parokya at eHeads!

$ 0.01
2 years ago

Same here sis..fan nila ako dati pa..hehe

$ 0.00
2 years ago

I got good childhood memories with those songs sis.

$ 0.00
2 years ago

Childhood talaga..hehe..ako teenhood na sis..

$ 0.00
2 years ago

Playlist to nang Kuya ko dati. 😄

$ 0.01
2 years ago

Ahahaha...ako sis till now

$ 0.00
2 years ago

tamang soundtrip lang ako habang binabasa article mo ate hehe. Galiiingg, ang ganda lang kasi ito yung tipong opm songs na pinapakinggan ko, unlike today na medyo ano, hindi ko bet hahaah

$ 0.01
2 years ago

Kahit ako sis, medyo hindi ko betvyung mga OPM song ngayon like Boom Panes and iba pa..

$ 0.00
2 years ago

Wow galing galing naman , ma try nga hehe baka abutin ako isang linggo bago makagawa ng ganito.

$ 0.01
2 years ago

Ahaha..hindi ko na maalala if kanino ko nakita yung ganito kaya hindi ko sya mamention.

$ 0.00
2 years ago

Fave ko ang 214 na yan.. Batang 90's lang nmn ako kaya alam ko yang mga kanta mo.

$ 0.01
2 years ago

Ahaha..grabe sya, hindi naman nagkakalayo ang edad natin..hehe

$ 0.00
2 years ago

Di ka halata sis pero ako halatang halata na gors na hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahaha..ganern..naku akala mo lang sis..hehe.

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng oag kakagawa sis ,baka puede mo ko turuan paano ka naka kuha ng video sa YouTube para ma save sa gallery Di ko magawa eh,thanks

$ 0.01
2 years ago

Di mo na need isave sa gallery sis..copy mo lang yung link tapos attach mo as video, paste mo lang yung link..automatic na sya ma eembed sa article mo..

$ 0.00
2 years ago

Ay ganon sis e copy ko lang Yong link tapos paste sa article ganin lang thanks sis may bago naman akong na tutunan

$ 0.00
2 years ago

Ou sis..madali lang sya gawin.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga sis salamat na try ko na

$ 0.00
2 years ago

Nice..you're welcome sis

$ 0.00
2 years ago