Yey! Nakatapos na din maglabas ng sinampay! Tinulungan na ako ni biyenan ko mag labas kasi habang nagsasampay ako nakaduty ako haha. Multitasking is real pag ikaw talaga ay isang nanay na. Hindi kasi makalabas ang mga bata ngayon at busy din sila sa module which is mas importante talaga yun. Kaya back to duty na muna ang inday hehe. Sana lang ay wag umulan kasi panigurado 3 to 4 days nanaman ito bago matuyo. Kamusta po noisefamily?
@JhennyDR in June 2022
Gumala nanaman tong Smigol na toah! Ang pusa niyo ba noisefamily,mahilig din mahiga or matulog sa mga lugar kung nasaan ang mga kasama niya sa bahay? Napansin ko ito kay Smigol, simula nung hindi na siya gaano nakakalabas. Kapag nasa lamesa kami nag momodule, dun din siya mahihiga. Kapag nasa kwarto naman kami, susunod din yan sa gilid hihiga. Pag nasa kusina, pupunta din yan hahanap ng pwesto. Maliban lang sa banyo, pag sa banyo si Smigol pupunta sobrang ingay niya, ulit…
Stranded ang Nanay Module releasing at retrieval ngayon ng aking dalawang estudyante. At tada, ang magaling na nanay hindi nakapagdala ng payong kanina. Porke hindi umuulan kanina, ayun nagpadala nanaman ako sa prank ng panahon. Hehe. Buti na lang nandun si biyenan ko sa bahay at kanina eh tulog si Aling maliit nung ako'y tumakas este umalis. Minsan na lang tumakas,inulan pa haha.
Biko Akala ko nag gawa si mother earth, pero hindi pala hehe. Binili niya daw ito. At ayan talagang ang nanay ay di nakakalimutan ang mga anak eh. Ang sarap nitong biko. Yung nalalasahan ko yung medyo tutong na part ang sarap niya tapos may latik pa. Magata din siya kaya talagang malinamnam. Tara meryenda na, ay wait timpla pa pala ako ng black coffee.hihi
Ginutom yung Ate namin! Sabi niya pwede daw ba siya kumain ng kanin kasi daw di siya gaano nabubusog sa tinapay. Pero take note ah kumain pa ng biko yan kanina haha. Ayan at nag request na itlog daw ang gusto niyang ulamin sa kanin. Nilutuan ko ng 2 egg. Hehe Solb na solb ang ate kong yan, ang kwento niyan dati ayaw niya sa egg yung yolk. White lang gusto niya noon, pero nabago ang lahat nung nakatikim siya ng sunny side up na egg na hindi well done, or yung medyo may…
Tortang Talong Tuwang tuwa ang isang bata kasi isa sa paborito niya ito. Ang panganay ko, hindi ko din alam kung paano pero nagustuhan niya ito nung maliit pa siya, kaya talagang isa ito sa palaging tinatanong niya kung ano ang ulam. Pero hindi kasi palaging may talong kami na available kaya minsan lang din kami makaluto nito. Tada! Hehe kakain na, tara na!
Overtime ang Papa Nagsisimula ng maghanap si aling maliit. Hinahanap na niya si papa niya kasi anong oras na eh wala pa din. From 7am hanggang ngayon nakaduty pa si hubby kasi may mga pinapatapos pa sa kaniya doon sa trabaho. Sabi ko nga kung kumain ba siya doon kasi late na. Ito daw yung kinain nila ng kasamahan niya, pancit palabok tapos pandesal at gatas. Hinihintay ko kasi sana si mister ko bago kumain ng hapunan kaso late na at sabi niya kumain na daw ako. Haay wawa ang…
Ang Bilis makapwesto ng Smigol na yan ah! Nagtimpla lang ako ng kape, may naka agaw na agad ng aking pwesto. Great morning furmoms and furdads over there. Kamusta po kayong lahat, aba'y ang aga akong ginuguligol nitong si Smigol kasi hindi nanaman siya siguro makagala, or di niya makuha yung pwesto niya. Kanina pa siya ang ingay ingay niya. Hindi naman siya inaano, tapos galing siya sa kwarto, kinuha ko siya kasi tulog pa si Ela doon. Aba, paglapag ko sa kanya dito sa sala…
Mais with garlic Ginisa ko lang po ang hinimay na mais sa bawang na hiniwa ko ng pino. Pang kutkutin na ito hehe habang nag wowork. Gusto din ito ng mga chikitings mamaya habang nag momodule sila. Alam niyo ba, maishare ko lang hehe. Na ngayon ay si Ela na lang ang matira matibay sa higaan. Aba, talagang akala mo puyat na puyat eh. Hehe. Kasi naman kagabi 7pm kakagising niya lang nun dahil naka idlip ang bebe ko, ayun siguro nasa pass 12 na nakatulog. Kaya ayarn, siya ang…
Pinakbet at pritong tilapya! Si biyenan ko ang nagluto nito ngayon kasi nabusy ang inday ninyo sa pag lilinis sa ibabang parte ng bakuran. At simula nung umulan ulan, di ko nalilinisan doon sa bandang ibaba. Ang lawak pa naman kaya talagang gumamit ako ng kalaykay at pag walis tingting baka abutin ako ng hapon doon hehe. Wala sa plano ang paglinis ko doon pero kasi paglabas ko ng sinampay kanina, uminit ng husto. Kaya sinamantala ko na muna makapag linis doon, lalo na may…
Bawang Hinango ko na agad kasi maluluto pa naman siya habang lumalamig. At isinalang ko naman na ang next na lulutuin. Hehe alam na ninyo kung anong niluluto ko. Binigay ito ni mother earth nung nakaraan pa, tira niya nung gumawa siya ng palaman pero di ko pa naluluto. Dahil medyo maluwag ang oras ko ngayon sa work, luto mode muna hehe. Magandang hapon!
Namiss ko na to! Waah! Sari saring street foods noisefamily. Sinend ni mister ito sakin at kanina daw breaktime eh nagkayayaan sila ng mga kasamahan niyang bumaba at bumili ng ganito. Grabe nakakapaglaway hehe. Ang sarap nito, lalo na pag masarap din ang timpla ng sauce at suka. Sabi ko nga sana bilhan niya ako kahit ilang piraso lang paguwi hehe. Sino po sa inyo ang kumakain din ng ganito noisefamily?
Bat tinago mo mukha mo Smigol? Shy yarn? Kakapasok lang ni Smigol ng bahay ngayon noisefamily. Kinarga ko at Sabi ko saan ka galing, ngiyaw lang ang Smigol namin. Sabay sabi ko picture pala tayo. Aba, sabay nagtago ng mukha. Gumanyan siya, kaya ganyan lang ang picture haha. Magandang gabi noisefamily, nakaluto naba ang karamihan sa atin? Hehe ako nag lalaga lang ng okra, at mag prito ako ng tuyo at itlog. Pang almusal pero masarap ding pang hapunan, lalo na at malamig naman.
Done having our dinner! Yung tuyo sana at itlog ay hindi na inabot ng picture hehe. Buti na lang at nakuhanan ko ang okra pagkalaga ko kasi naubos din. Si Ela nagpapak ng okra hehe naka apat din siya. Nakakatuwa at sana eh hanggang paglaki hindi sila magsawa sa pagkain ng gulay. Inayawan ni Ela yung itlog at nagustuhan na magpapak nitong okra, siya mismo ang naghawak kaya kanin na lang ang isinusubo ko sa kanya. Pahi pahinga muna ng kaunti at maya maya ang mga ligpitin naman…
Kamoteng dilaw Magandang umaga noisefamily! Tara na at mag almusal, siyempre mas masarap ang kamote kapag may katernong kape, hehe sino ba naman ang hihindi. Nung nakaraan lang ay nag iisip ako ng aalmusalin sa susunod na araw, pero ayun, kahapon hinatid ito dito nung kapitbahay ni mother earth. Hehe pinadala ni mother. Ang sarap nito, namiss namin ang ganitong almusal kasi matagal tagal kami di nakakain nito eh, matamis po siya kaya talaga namang ang sarap katerno ng black…
May isang baby, ayaw pag workin ang mama! Hehe Naglalambing ang bebe Ela ko, nainip na siya maglaro. Kasi busy pa ang mga playmate niya hehe, ang ate at kuya niya nag momodule pa kasi. Kaya ito ang bebe ko wala pang kalaro. Ano anak, wag na muna work si mama hehe. Mamaya na lang pag may kalaro na ikaw. Isa ito sa mga mamimiss ko kapag malaki kana, kagaya ng mga ate mo at kuya mo na palaging nakakapit sa akin. Kaya okay lang yan anak, enjoy lang natin habang maliit pa ikaw at…
Parang Lomi Lunch time na noisefamily, itong niluto kong pancit miki. Sinubukan kong lagyan ng sabaw at ayan para na siyang lomi hehe nilagyan ko na din ng beaten egg para mas malinamnam hehe, nakadagdag pa sa pagiging malasa nung sabaw. Kumain naba kayo noisefamily? Kung hindi pa ay tara na po. Buti na lang at pinayagan ako ni Aling maliit kanina kaya nakaluto na din hehe.
Meryenda muna po tayo Pagkagising ng mga chikitings, nagtanong na kung anu ang meryenda nila. Sabi ko magluto na lang ako ng kikiam at uminom sila ng choco nila. Ayun hehe luto mode muna ako hehe second batch na ito at ayan ang first batch sa second photo ko hehe. Ako mas bet ko magkape muna hehe. Meryenda na din kayo noisefamily, wag po papagutom.
My click earlier, when I'm outside So ayun na nga po, mga ilang minutes din akong nakatakas kanina hehe. Kasi galing ako sa school. Malapit ito sa school, itong lugar kung saan ako kumuha ng picture. Ang ganda ng langit kanina, walang bahid ng dilim or sensyales na uulan. Kaya naman halos natuyo tuyo na ang mga daan, lalo na ang daang mga lupa. Pag uwi ko, doon kumulimlim ng kaunti hehe. Laking pasalamat ko kasi ayun nanaman haha wala nanaman akong dalang payong.…
Pritong Isda at Mongo Buti na lang meron pa nitong mongo kasi nung nakaraan isang takal ang binili ko, kaya ang dami niya hinati ko lang ang niluto ko nun at ito naman ang kalahati pa. Let's eat our dinner na noisefamily, bakit nga kaya friday is mongo day anu? Saan nga ba nagsimula ang mongo day hehe ako kasi noon pa naririnig ko na yun eh hanggang ngayon dala dala ko na hehe.
Ang sungit ni aling maliit kanina, lols Sabi ko sa mga ate at kuya, mag pa antok na. Manood na lang muna sila habang nag papa antok. Aba, ang itsura naman ng bebe naming maliit, eh ang sungit! Haha Paano wala siyang kaharutan kaya ganyan haha. Pero they're all asleep na po. Nanood lang sila saglit ng mga 5minute crafts. Kaya yung sala namin at kwarto eh napupuno ng mga gamit gamit nila pang 5minute crafts na yan hehe. Hinahayaan ko din naman sila lalo na kapag educational at…
Magandang umaga noisefamily! Lumpiang gulay kayo diyan, bagay na bagay sa suka na tinimplahan. Iyan po ang mineryenda ng mga chikitings ko, siyempre ako din haha. Si Ela ayaw ng may suka kaya papak mode lang siya. Nakaduty na si inday kaya po hindi ako nakabisita kanina sa inyo. At ito habang nakaduty, may kutkutin, kung naalala ninyo nung nakaraan eh nag gigisa ako ng bawang hehe para dito po yun sa aking naka garapon na mani. Kutkutin din ito ng mga chikitings ko kapag…
Mais Isalang na natin ito hehe para mamaya pang meryenda eh malambot na at malamig na din. Sayang daw at wala kaminh mantikilya kasi gusto ng anak ko yun nilalagyan nila nun. Ako naman hehe alam niyo na kung anong ginagawa ko sa mais para mas maging masarap siya hehe. More more garlic at kaunting asin. Sino po dito mahilig sa mais! Mamaya pagsaluhan natin ito
Kain na po tayo! Nag luto po ako ng adobong patatas with chicken haha. Mas dinamihan ko kasi ang gulay kaysa sa manok. Kailangang mag tipid at kailangan na umabot ang aming stock hanggang sa sahod pero mukhang malabo hehe kaya ito ganito ang ginawa ko sa aming ulam. Kayo noisefamily,Kumain na po ba kayo?
Gising na ang mga kids kaya Meryenda time na! Ito na yung mais na nilaga ko, at ang pinaka the best part ay eating time. Alam ko, alam na alam kong first round meryenda palang nila ito hehe, mamaya may second round pa itong mga chikitings na ito. Ang mga bata talaga ganyan kapag napagod sa ginagawa nila. Pero ako parang bet ko magkape, ang sarap lalo na ngayong hapon. Sino po gusto?, mag titimpla na ako!
My Precious Gifts From God One of the best photos of my children. Sobrang nakakatuwa na makita silang ganyan. Yung happy lang, yun ang pinaka mahalagang gusto kong maranasan nila ang maging masaya. Lahat na kasi ng aspeto pasok dun eh, sa pagiging masaya. Ang kulit din ng kanilang trip dito, talagang gustong gusto naman ni Ela ang sumakay sa ginawa nilang sasakyan kunyari, yung laundry basket hehe. May unan at mga kumot para di daw matigas sabi nila hehe para comfy. Naks…
Wag kang malilingat, may salisi Gang!lols Sa dinami dami ng pag hihigaan, sa module pa ng aking panganay. Habang nag momodule kasi si Missy kanina, nandun lang si smigol sa bakanteng part ng lamesa. Pero nung umalis lang sandali ang ate namin, aba! Taddaa, ayan na siya nakasalisi na kaagad. Haha Iba na talaga ang mga hilig ni Smigol higaan ngayon, pag saken yan nakadikit sa laptop, pag kay mister ko, bigla na lang niya yan kakagatin sa paa haha pero yung kagat na lambing…
Magandang Umaga! Gusto ko pong ishare ito sa inyo noisefamily, ang mga tanawin na nakakapag pa good vibes sa akin. Sana po sa inyo din makapagdulot ito ng good vibes. Nakakasaya sa puso ko kapag nakakakita ako ng ganitong mga tanawin talaga na para bang sobrang peaceful niya. Happy Sunday Everyone!
Colorful Eggs Ito ang pinag kakaabalahan ng aking aling maliit. Habang naglalaba ako, nakasalang na ang ulam namin. Kaya buti na lang busy si Aling maliit hihi. Tinatanggal niya yung mga takip, tapos ikakabit niya ulit. Pinag papare parehas niya ang kulay, kaya ayan super busy siya hehe. Bagong pinagkaka abalahan niya nanaman.
Blessing Nagbigay ang kapitbahay ng pancit at itong biko. Ang sarap ng pagkaka luto sa biko at pancit nila. Hehe pero di pa nagalaw kasi busog pa at kakatapos lang mag tanghalian. Ito po ang aming inulam, ginisang gulay. Nakatapos na din akong maglaba, buti nalang at hindi ko inilabas kasi biglang umulan. Aruy, kung kailan naman kasi ako naglaba, nagkataon na umulan hehe. Kahapon kasi di umulan maghapon kaya akala ko hindi din uulan ngayon, it's a prank pala. Hehe.
Pasimple pa ang Smigol namin! Hindi ko alam kung gusto niya bang makipaglaro, makisali sa pag art o gusto niya lang bantayan ang mga ginagawa ng mga bata, pero tulog siya! Haha So bantay siya habang natutulog haha. Ang bebe naming Smigol, palaging pagod at puyat, siguro may pinopormahan ka talaga sa gabi eh. Pag nakatulog na ako tumatakas ka eh, hano, umamin kana at nako, idala mo dito yang jowabels na yan at nang makilatis muna haha.
May isang Aling maliit, naghahanap ng Papa Yung second pic ang unang kuha ko kanina kasi sinend ko kay Papa niya. Parang alam na alam na ni Ela ang oras ng uwi ni Papa niya kasi dapat hapon ay nandito na si papa niya. Pero dahil sa kulang sa kasama, ma eextend siya hanggang 9pm. Buti na lang nalibang na siya, ang dami ng pinakitang laruan sa kanya hehe pero ito ang nagwagi ang bola niya, matagal tagal na ito last year pa yata hehe. Ito ang nagwagi para sa batang may S.
Fried mini chicken Mini kasi hiniwa ko siya ng maliliit. Para mas mabilis maluto at para na din mas madaling makain ng mga bata. Yung chicken breast nga minsan, hinihiwa ko yun ng medyo manipis, pero malapad bago iprito. Kasi atleast di na sila mag tatanggal ng buto, yung wala ng buto agad agad. May tira pang gulay kanina kaya ito pang dagdag lang na ulam ngayong gabi, kasi di na kakasya ang gulay sa aming lahat hehe. Nag papak pa si Ela kanina nung nagka S siya. Mauuna na…
Almusal Magandang umaga noisefamily. Tayo'y mag almusal na po muna. Bago ang mga ibang gawain, lagyan muna natin ng laman ang ating tiyan. Siyempre mag titimpla din tayo ng kape, lalo na pag ganyang may tuyo hehe at okra nakupo, kape is perfect. Sino pa di nag aalmusal diyan, Tara let's na guys!
Playtime muna habang nag papatuyo! Nag lose ang aking charger kaya ayan ayaw mag charge ng laptop, may dinikitan akong part kaya patuyo mode muna. At dahil diyan, may extra time para kay aling maliit. At ang natipuhan niya ngayon yung basket hehe. Nalelerki ang inday ngayon, dahil sa nangyari sa bank account ko. Sana naman maayos siya kasi hindi biro yung nawala doon.😔 Kung kailan, kailangan tsaka pa nagka aberya haays
Bat ka nandidila! Tulog nanaman ang bebe Smigol namin. Bigla kasing umulan dito noisefamily, ayan at napreskuhan ang Smigol namin. Ang mga chikitings ko naman di makatulog dahil biglang umulan habang nakahiga sila kanina. Hehe Buti pa ang Smigol namin, ayan at ang sarap na ng tulog niya, di na siya naiinitan hehe.
Nilagang kamote Tapos na mag meryenda ang mga chikitings, sinabay nila sa iniinom nilang choco. Kaya ako naman ngayon hehe, sa inyo guys anong masarap katerno nito? Sayang nga at kaunti lang ito kaya medyo bitin kasi sa tindahan lang ito nabili. Sana mag mura na ulit ang kamote para sawa sawa ulit sa nilaga or prito, nakakamiss ang mga ganitong meryenda eh. Kaya nakakapanibago kapag kaunti lang hehe.
Hopia,Mani,Popcorn! Oops, hopia lang pala hehe. Dala ito ni mister kasi maaga siyang nakauwi ngayon. Bigay daw ito ng kakilala niyang gwardiya sa work niya. Hindi niya mineryenda doon, dito na lang niya kinain para daw may ka match na kape. Oo nga naman mas masarap ito kapag may kape hindi ba noisefamily, kasalukuyan akong nag hahanda ngayong ng hapunan. Ang bilis ng oras akala mo hinihipan hehe.
Tortang talong Tinorta ko na lang ang ilang pirasong talong dito na tira ko nung nakaraan. Natuwa ako sa mga itlog, kasi ang itlog na nabili ko sa tindahan ay 7 pesos ang isa, ang cute hehe. Kaya dito apat ang nagamit ko na maliliit. After ng dinner, ito ngayon nag papa antok na ang mga chikitings ko, pero ang aling maliit, wala sa mood. Wala sa mood matulog, super hyper pa silang dalawa ng papa niya. Kahit maraming kinakaharap na pagsubok, makita lang namin mag asawa ang…
Happy Tuesday everyone! Since it's 12:03am to be exact hehe happy Tuesday na noisefamily. Sa mga gising pa diyan kagaya ko, hehe kaway kaway po. Kamusta ang inyong monday, super busy ba? Very productive ba, or medyo medyo lang. Ako ito, kakapatulog ko lang sa aking bunso, at kausap ko pa sa chat ang kapatid ko dahil pauwi palang siya galing sa kanyang work. Ginabi na ng husto kasi angbatgal mag antay ng jeep. Pinupuno pa kasi yun kaya kapag madalang ang pasahero talagang…
Over load Almusal Para sa akin ganito yung almusal na talaga namang pang malakasan. Yung panalong panalo ka dahil solb na solb ka pag ganito ang almusal. Ito yung plato ni hubby kanina haha natatawa ako kasi sabi ko pinagsabay sabay niya naman sa plato, parang nakikifiesta lang siya hehe pero kaya pala ay lilipat siya ng upuan at may pinapanood siya. May okra, talbos, talong, tinapa, bagoong at y Siyempre kamatis with itlog na maalat. Tig kakaunti na lang kasi yung gulay…
Palitaw with Ube filling Isa sa pasalubong ni Nanay ito, kahapon kasi birthday niya at hinandaan siya ng auntie niya. Nakakatuwa kasi hindi talaga siya nakakalimutan doon. Ang sarap nitong palitaw na ito, may palaman siyang ube na parang lasang halaya. Mamaya po share ko sa inyo ang ibang photos, kaya tuwang tuwa ang mga bata kanina pagdating ni nanay. Nagwawalis ako sa labas nung dumating siya hehe.
Siesta time, Ni Smigol Dahil may modules pa na need tapusin at wala din talagang balak matulog ngayon ang mga chikitings, si Smigol na lang ang mag siesta hehe. Kwentuhan to the max at bonding with their lola muna itong mga chikitings. For now, we'll let Smigol sleep muna. Pero next time, sana Smigol wag ka sa module pumupwesto hehe. Nag experiment kasi si Missy kaya nasa may lababo siya at may tubig yun. Ayun naka singit naman ito agad si Smigol hehe.
Meryenda ng mga chikitings Napagod sila maglaro hindi mag sagot ng module hehe kasi patapos naman na ang kanilang mga lessons. Tig dadalawa na lang sila ng subject. At ito nga, may isang batang naghahanap na ng meryenda. Dala din ito ni nanay kanina pero hindi pa nakain kasi manananghali na kanina kaya mineryenda na lang nila ngayon. Pero ako toasted bread ang kinain ko kani kanina, kaming dalawa ni nanay hehe tsaka kape sakin hihi.
Handa na ang hapunan! Pinakbet po kayo diyan noisefamily. Luto ito ni mother in law. Ito talaga ang specialty niya ang mga lutuing gulay. Sayang nga kasi walang bunga ng malunggay at kamote ngayon, iyon kasi ang paborito namin ulamin ng biyenan ko tapos may sahog na sardinas. Pero masarap din naman ang pinakbet, marami pang klase ng gulay ang nakahalo. Tara na kain na!
Very energetic Ela It's late but this little girl just ignore the time,lols When we're at the living room, I thought she's kinda sleepy but end up being hyper among of them. Her mood change quickly as we enter the bedroom. The sleepy one turns into a very energetic one haha. And now we're down to her alphabet and number cards. Good evening everyone, I wish you all goodnight sleep, and goodmorning to the other side of the globe. Hope you're all safe.
Magandang umaga noisefamily! Toratang corned beef po kayo diyan, itong hinanda kong almusal para makapag almusal ng kanin ang mga bata lalo na si mister na papasok sa trabaho. Ngayon lang ulit ako nakaluto nitong corned beef na torta kasi mas gusto ng mga bata yung ginisa lang sa sibuyas. Kaya lang dahil maliit lang itong corned beef ngayon, para magkasya sa kanila ay tinorta ko na lang hehe. Mahal kasi ang corned beef sa tindahan at nasa petsa de peligro kami ngayon dahil…
Toy choice for today! ROAR (Dinosaur) Iba din talaga ang mga trip ni Ela haha. Itong mga laruan nila eh inaayos na ni ate Missy, hinihiwalay ang mga lutu-lutuan, tapos ang doktor set, tapos ang mga mini mini toys plus itong mga dinosaur, eh sabay natipuhan ni Ela. At ayan, ayaw niyang ipatago hehe. Ito ang kanyang napili ngayong laruin, tinatakot niya pa ang mga ate at kuya niya, sinasabi niyang "hala yan na roaar" hahaha ROAR nga pala ang nakalagay sa title kasi ang tawag…
Kumakain naba kayo? Sabay sabay na tayo! Talbos ng kamote na nilaga, itlog at siyempre ang kamatis. Panalo ang pananghalian pagka ganito. Lalagyan ko lang ng toyo ang kamatis at swak na. Simple lang ang pananghalian namin at mura pa. Nakakatuwa kasi yung mga anak ko, pag sinabi ko anak mag lalaga ako ng talbos ng kamote tapos prito tayo ng itlog, yun ang ulam natin. Sasagot sila: Sige ma! (Medyo pasigaw pa) Ang sarap po nun ma eh, gusto yun may kamatis ma na may toyo yung…
Konting kulo na lang at meryenda time na! Malapit na maluto ito noisefamily, nabiyayaan kami ng kamote ni mother earth. May nagbigay kasi sa kanyang kaibigan na sarili nilang tanim nakapag ani na sila kaya nakapag laga ang inday. May kasama pa itong gabi, tamang tama naman yun para sa sinigang or gulay gulay. Nag meryenda naba kayo noisefamily? Kaunting antay nalang sa mga di pa nag memeryenda diyan hehe malapit na po maluto. Timpla na pala kayo ng kape!
Nasubukan niyo na din bang magluto nito? Natutunan ko ito sa papa ko noong nabubuhay pa siya ay nakakapag luto siya ng ganito. Gabi na may sardinas at hinaluan ng sinigang mix. Yung madalas na naluluto ko yung mackerel na delata pero ito yung sardines in red sauce ang ginamit ko. Tipid pero masarap, hehe asim kilig pa! Kain na po tayo ng hapunan noisefamily!
Modules and Nips Hindi pa inaantok ang dalawa kong ate kanina kaya nakapag sagot pa sila ng ilang modules. May lesson ang panganay ko about cartoon, siyempre sabi ko, hindi ako ang matatanong mo diyan kundi si papa mo. (Hehe) wala akong alam sa pag drawing or pag create ng cartoon. Ayun dun siya nagpaturo paano ba at anong pwedeng idea. At siyempre may natira pa silang kutkutin itong ilang pirasong nips chocolate candy na kinain na din nila after nila gumawa ng module.…
Kape muna, pero hindi pwede kay Mama Naka idlip na ako pero nagising ako sa mga tahol ng aso. Akala ko may dumaan lang or may dumating sa kapitbahay. Pero sa amin pala yun, si bunso dumating at sinusundo ako, hindi daw maganda ang pakiramdam ni mama ko. Kaya dali dali akong nag bihis at pumunta na kami na halos tumakbo kami para lang makarating na agad. Na stress nanaman siguro si mama kaya ganito ang nararamdaman. Bumababa nanaman din ang potassium niya. Kaya ito kami…
Pop it kanina, ngayon Milo naman Para malibang at di antukin ito na, napa laro na ng pop it ang inyong lingkod. At talagang ayokong matulog hanggat di nagiging okay okay si mother earth ko. Nakakalibang din pala ito hehe. Thank God at kumalma na din siya kanina, at naka idlip na ngayon. Mag titimpla na muna ako ng milo, at maya maya uuwi na ako kasi gigising na ng 5am si mister mag gagayak na ng pagpasok sa trabaho. Sana ay mag tuloy tuloy na itong pagbuti ng pakiramdam ni…
Just got home! Gising na pala si Ela, pag uwi ko gising na din ang ate Missy namin. Nag lalaro sila ng mga flash cards pero pagkakita sakin ni Ela pagpasok ko ng bahay, ang sabi niya agad, "Ma, dya. "Ma, dya dun kwatu" Sheeeep.. Linyahan ni Ela pag inaantok siya, higa daw sa kwarto at sleep daw siya. Kanina pa pala siya nagising before 4am. Kaya halos mag 2 hours na din siyang gising, kaya inabutan na ng antok ulit hehe. Magandang umaga noisefamily! Happy Thursday!
Tinapay Muna tayu! Goodmorning noisefamily, 5am na ako nakauwi at dahil nga gising si aling maliit, pasado alas sais na siya nakatulog. Hindi na nakapag gayak ng almusal ang inday, pero nakapag saing naman ako at nagbaon si mister ng kanin. Tapos delata na lang muna ang binaon niya. Itong pan naman dala pa ni biyenan ko at itong Jam, bigay din ng pinsan ni mister ko. Hehe Thank you God talaga for all the blessings we received, meron at meron talagang darating na blessings sa…
Sawsawan na lang ang kulang! Kumain na po ba kayo noisefamily? Ako ay mag late lunch pa lang po hehe kasi dumuty muna kanina. Tuyo at tinapa plus talbos ng kamote at okra. Solb na solb ang pananghalian kapag ganito ang ulam. Hindi nakakasawa na mag ulam ng ganito lalo na kapag sariwa ang gulay. Manamis namis ang okra kapag ganito noisefamily. Panigurado mapaparami talaga ang kain hihi kapag ganito, sino po agree?
Cutie sleepyhead Smigol! Habang naka duty ako sa trabaho, akala ko kung anung ginagawa ng mga bata. Hindi sila nag nap kasi nag module sila kani kanina kaya nga sabi ko sige wag na muna sila mag nap. Tapos, narinig ko na sumigaw sila parang patili pa nga, akala ko anu na nangyari, kaloka. Ganito po kasi yun, sabi ng panganay ko, " kasi mama, palagi hinihigaan ni Smigol yung bag ko at module ko na nasa lamesa, kaya ginawan namin siya ng higaan diyan sa ibabaw ng lamesa" Kaya…
Coffee time! Late na ako nakapag kape kaya ngayon na lang hehe, kanina wala kasing extrang oras eh. Kayo po nakapag kape ba kayo kanina? Or tsaa? Natatawa ako at ito na nga, kanina ginawaan na si Smigol ng bahay na tulugan dito sa lamesa pero mas matimbang pa rin talaga ang bag ni Missy, diyan pa rin siya bumalik para humiga. Nakakatuwa ka talaga Smigol, minsan nakakaloka hehe pero love love ka namin! (。♡‿♡。)
Our Hapunan Nakahiga ako ng maaga aga ngayon noisefamily. Napuyat kasi talaga ako ng husto kagabi, wala talagang tulugan as in. Pero okay naman yun atleast nasamahan namin ng kapatid ko si mother earth. Ito nga po pala ang hinapunan namin kanina, may ilang piraso pang chicken kaya para magkasya hinaluan ko na lang ng sliced na hotdogs. Ngayon ay maaga kaming nakapasok ng kwarto, at sana maaga din makatulog ang mga bebes ko para makalabas ako ulit ng kwarto at may nag…
Photos before bedtime Kulitan blues pa rin kaming apat kanina bago matulog. And nung nakatulog na, sinamantala ko naman tapusin ang mga naiwang gawain sa sala at kusina. Tatlo lang silang kakulitan ko kasi si Jem ay nakatulog ng maaga. At finally nakatapos na din sa mga gawain kaya pwede na mag ingay ng kaunti. Kausap ko din kasi ang mama ko at kuya ko. Nagising si mama kani kanina at nahihilo nanaman daw siya at parang susuka. Kaya baka mamaya ay magpunta ako ulit sa kanya.…
Goodmorning wonderful people of Noise Sharing you a view that amazed me this morning when I was on my way home. This is the view where we see when we're taking the highways and no matter how many times I saw it. It still amazes me. Now I'm having my coffee while doing the laundry coz this is a great day to wash the clothes and the weather is great too!
Whew nakaluto na din! Ginisang sayote na may sardinas ang aming ulam ngayon noisefamily. Maaga akong nagluto, habang naliligo ang mga bata. Nakatapos na din ng labahin kaya hayahay nanaman ang laundry basket hehe. Ang sarap talaga sa feeling haha, tapos nakapaglaba pa ng mga kumot at tuwalya. Kaya siksik liglig talaga ang sampayan. Lols Sana ay huwag muna umulan para makatuyo tuyo naman muna ng mga sinampay.
Sampay pa more! Dinoble doble ko na ang sampay lalo na may init ng araw diyan sa part na yan mamaya. Sa kabilang sampayan naman na di ko na nakuhanan ng picture, ay puro mga nakahanger lang. Iba kasi ang amoy ng kumot kapag yung nag uulan. Mabilis mag amoy kulob, parang ganun, di ko ma explain haha sorry momshies basta yung parang pakiramdam ko ang kati at ang kulob kulob na wala pang 1 week hehe. Sana maka tuyo ako hanggang mamaya.
Corn Meryenda muna noisefamily, ilang pirasong mais lang ito nailaga ko, At si Ela mukhang nagustuhan din ito hehe hinimayan ko ng kaunti kanina. Ang tamis niya at sariwa, inalok lang ito nung kakilala ni mama kasi nag ani daw sila sa bundok. Ako naman, kape naman ang trip ko ngayon kahit mainit ang panahon hehe. Ang sarap kasi magkape pag ganitong oras, habang nakaduty ako hehe.
Playtime! Magkakasundo pa sila niyan hehe kasi kaka start lang nila mag lutu lutuan, maya maya niyan may tatawag na, mama haha. Relate ba ang mga momshies and daddies diyan, and sometimes even ang mga tita and tito hindi po ba? Normal talaga sa bata ang ganun eh, naalala ko nung mga bata pa kami ganun din, hehe. Lutuan time naman para sa ating mga nasa bahay, malapit na ang dinner time, nakapag isip naba kayo kung anong hapunan?
Pasalubong ni hubby May nag treat kay hubby na kakilala niyang guard. Hindi ko na tinanong anong exact na ipinakisuyo nung guard, basta nagpatulong daw sa kanya, at after nun ay nag meryenda sila. Pero inuwi niya na lang ito, ininom niya na lang ang drinks. Si Ela nagustuhan ito, pero yung tatlo hindi na nakakain kasi mas gusto nila maghapunan na kanina, nagluto kasi ako ng pritong itlog at pritong talong, siyempre may tuyo din hehe para pak na pak. And I'm sorry guys, hindi…
Sungkit yarn? Magandang Buhay noisefamily! Happy Saturday! Maaga kaming nag lakad lakad, at dumiretso kila mother earth kanina. Hindi ko alam kung anong sinusungkit nitong mga bata. Sabi ko wala pa naman bunga ang chico na yan. Yun pala meron silang eroplanong papel, ayun, doon banda lumipad. Ang cute nila tignan kaya kinuhanan ko ng picture. Maganda ang panahon ngayon, sana buong maghapon ito. At maglalabas ako ng mga sinampay hehe. Pero bago ang lahat, kape kape mode muna!…
Okra is her new favourite! Dati nung hindi pa siya nakakasubok kumain nito akala ko aayawan niya kasi madulas at malagkit sa kamay, pero mukhang nagkamali ako hehe. Ginagawa niyang fries ang okra, ako nag ko control sa kanya sa pagkain kasi baka marami masiyado. Hindi ko pinapakita itong nasa plato kasi, magsasabi pa yan ng " mama one lang" with gesture pa haha. Ang cute niya nga lang kumain kasi pag nabuksan niya na, or nakagatan niya na sa dulo, kukunin niya yung nasa loob…
Late lunchiees! Nakapagpabili ako sa kuya ko ng patatas sa malapit na talipapa dito sa amin. Mas magaling siya kumilatis ng mga gulay kung good or hindi hehe. Kasi dati siyang cook sa work niya. Sakto at umalis siya kaya nakapag pa damay ako hehe. Nung nakaraang araw kasi, nakakita ako ng ganitong luto dito hehe. Di mawala sa isip ko kaya finally hehe nakapag luto na din. Ang hinalo ko ditong corned beef ay yung corned beef na tig 21 pesos lang, hihi. Solb na ang…
May bisita ako! Hindi ko alam kung anong klaseng insekto siya kasi ngayon ko lang siya nakita. Ang haba ng antenna niya at medyo makati pag dumikit sa balat. Kasi kanina habang nag ta type ako, nakatingin ako sa laptop, naramdaman ko na lang na may makati sa kamay ko, at tada hehe siya pala yun. Mabilis siya gumapang, kasi pagkakita ko, ginalaw ko yung kamay ko, tumalon siya sa mouse then gumapang na agad diyan nung kukuhanan ko ng picture. Tumalon pa siya diyan sa upuan…
Magandang gabi noisefamily! Ang hapunan namin ay isda na sinigang, pero pechay lang ang naihalo ko kasi walang ibang gulay hehe. Ganun pa man, masarap pa din siya. Pinirito ko muna ang isda para mas maging malasa siya pag sinabawan na. Grabe nabusog kasi ako sa toasted bread at kape kanina kaya late na nagutom. Ang mga chikitings ko naman kanina pa nauna maaga ko sila pinapakain para maaga din sana makahiga at makapag pahinga pero palagi naman ding late kasi marami pang…
Goodmorning everyone! Time check! 4:00am but this little lady is here is playing already. She woke up few minutes ago, when the dog started to bark loudly because of some people who might be passing or having some chitchats while walking. So here she is, got her mini bucket but forgot the mini shovel for the sand, lols. This reminds me of our childhood experiences when we are addicted to the shovel and bucket, because we always want to fill it with soil haha. Not sand on the…
Tuyo at Itlog, Almusal time! Nakaalis na si mister papasok sa trabaho kanina pa. At talaga namang full na full ang tiyan niya hehe kasi ito ang almusal namin. Sabay may masarap na kape pa sa gilid. Panalong panalo hehe. Happy Sunday po sa inyong lahat, mag ingat po ang mga maagang pupunta para sa church service. let's all thank God our Creator for this another wonderful day noisefamily!
Gulay for lunch! Mixed vegetables! I love to cook mixed vegetables especially when it's colorful hihi. Have you prepared your lunch already? I cooked early today because I have yo finish some chores and at the same time, I have work to finish too. For now let's begin to eat our meals and enjoy every single spoon of it! Thank you Lord God for this food on our table.
Empanada Hindi talaga nakakaligtaan ni mother earth ang mga apo niya basta meron siyang mga ganito ay nag papadala siya sa mga chikitings ko. Nagustuhan naman ng mga bata kasi iba ibang flavor siya. Meryenda time na noisefamily, nag meryenda na po ba kayo? Ako nagkakape na dito hehe kahit maalinsangan ang panahon, walang mai mainit hehe kape lang!
Cooking time/karga time Karga daw at may S hehe. Bihira na magpakarga ngayon si Ela. Ganyan silang apat, kapag nakasubok na sila maglakad madalang na magpakarga. Which is maganda para din makagawa ng ibang gawain. Lutuan time sana pero pause muna. May S kasi si Ela kasi inaantok siya. Sandali lang kasi ang nap nitong bebe kong to. Bago pa makatulog ang big three ko nagising na si Ela kanina. Kaya karga muna kaunti, pag nahimas masan siya nag papababa din kaagad. Itong sayote…
Charan! Pancit for hapunan! Nauna na kanina yung ibang gulay, eh wala naman sa hinagap kong maiisipan kong mag pancit ngayon kasi 1/4 na lang ang bihon na natitira ko dito hehe. Tapos repolyo at sayote na lang din ang meron, pero all in all masarap pa din siya. Ang nilagay kong sahog dito ay sardinas po noisefamily, masarap pala siya ihalo sa ganitong pancit. Tara na po let's eat na! Nauna na kasi ang kids kanina, at mukhang over time si mister kasi wala pa siya til now…
Goodevening noise family! Tulugan time na pero may isang bata busy pa hehe. She's playing with her little stickers. It's nice to see how she enjoys every single moment of her life being our aling maliit. Super duper thankful mom ako at binigay silang apat sa akin. And very big blessing din si aling maliit from so much struggle on my health but here she is a cute hyper healthy baby. Are you sleepy already noisefamily?
Nissin wafer choco Alas kwatro (4:00am) na at ito naghanap na ng makakain si aling maliit. Nagising siya kani kanina, mabuti na lang at nakatapos na ako sa aking mga ginagawa bago siya magising. Kaya nakisali na ako sa pagkain ng wafer haha. May mga gising naba diyan noisefamily? Maaga akong bumangon para magsaing kasi maaga ang pasok ni mister. Talaga namang monday is a busy day kaya kailangan maagang mag grind hehe.
Kikiam Dahil maaga din nagising ang mga chikitings, maaga nakapag almusal. Kaya maaga din mag memeryenda, tinulungan nila ako sa mga ginagawa sa bahay. Sila na ang nag pupunas ng alikabok, nag iimis ng mga bagay bagay na kinalat ni Ela hehe. Sa ganung paraan malaki ang naitutulong nila sa akin, dahil kung ako pa ang gagawa ng lahat ng iyon ay malamang hindi pa ako tapos ngayon. Kaya buti na lang talaga at matulungin sila, sana hanggang paglaki maaalala nila ang mga tinuturo…
Upo Manamis namis itong upo na niluto ko kasi bagong ani noisefamily. Hinaluan ko lang ng sardinas at ito, solb na ang pananghalian. Marami ding health benefits ang upo guys at isa na rito ang pag improve ng ating digestion ayon yan sa doctor ni papa noon na isa ito sa nirekumenda sa kanya during constipation niya noon. Kaway kaway sa mga mahilig sa upo hihi :)
Puyat nanaman yarn? ( ◜‿◝ ) Ginigising ko na si Smigol kanina, para sana ayusin ko na yung higaan. Medyo may S din si Smigol Ayaw bumangon, lumipat lang ng katabing pwesto, kalerki ang bebeng toah! Pero pag sinabi kong kakain na, haha mabilis pa to sa alas kwatro! Ang lakas nila makawala ng stress kahit minsan may sumpong din sila haha nakakatulong talaga sila sa ating mental health.
Hello noisefamily! Kakatapos lang makapag hapunan kaya ngayon lang nakabisita. Medyo nabusy din sa pag lilinis sa labas kanina ang inday kaya di ako nakabalik kaagad. Mabuti na lang at di na umulan ng hapon kasi pag umulan, didikit na ang mga dahon nanaman, at mahirap na walisin. Ngayon medyo mag ingay muna ako at nag lalaro pa naman si Ela ng mga blocks dito sa tabi ko hehe, ayaw mag smile sa picture, seryoso sa kanyang binubuo, sabi ko kung anong binubuo niya, lion daw…
Nalowbatt na si Aling maliit Sobrang pagod niya kanina sa pag lalaro ayan at inantok ng maaga. Kailangan niya muna mag recharge ng energy. Not sure if gigising siya mamayang alanganin. Talagang late siya kung matulog madalas lalo na nakapag nap naman siya kaninang tanghali. Pero kapag yung ang daming pagod, sayaw dito sayaw doon, takbo dito takbo doon hehe at harutan sa pag lalaro. Ayan lowbatt na siya hehe. Goodnight noisefamily, I hope you all had a great and productive…
Goodmorning Noisefamily! Kamoteng baging po kayo diyan. Manamis namis ito, nabili ko ng 15 pesos sa nag lalako. Ang mura niya sana, dadamihan ko sana ang bili pero di keri hehe. Kaya dalawang balot lang muna. Ito ang sawsaw nila sa asukal kanina, pero ako di ako sa asukal nagsawsaw hehe masarap na ito sa kape at manamis namis. Let's go, kain po tayo!
Ang sarap pala nito! Mamaya i try ko naman sa noodles. Kanina kasi sinubukan ni mister ko sa kanin, nung kumain siya bago pumasok. Sabi nila healthy daw ito sa katawan natin, yung nabili ko kasi noon sa kuya ko yung flat siya hehe not sure anong tawag doon, sinubukan ko lang talaga kinain namin kasama yung pancit canton. Pero ito may kasamang sesame seeds at yung sesame oil yata. Kaya ang sarap niya!
Tie Dye ni Missy School activity nila Missy ang panganay ko itong tie dye. Nakakatuwa na kahit nasa bahay lang sila at di face to face eh nakaka experience pa din ng ganito. Amaze na amaze siya kung paano nag kukulay. Siguro mas matutuwa siya kapag nakita na niya ang result. Red and blue ang napili niya kaya ayun buti na lang may nabili si papa nung nakaraan at 5 pesos lang pala ang isang pack. Nasubukan na din ba ninyo ang ganito noisefamily?
Itlog at tinapay Nagsubok si ate Missy na magluto ng itlog na sunny side up. Marunong kasi siya sa scrambled egg at yung mga prito na hotdog pero ang sunny side up, natatakot siya na baka daw maputok lang yung yellow hehe yung yolk. Sabi ko okay lang naman yun. Tapos sabi niya gusto niya talaga i try. Ayan at ang galing galing hehe, natanggal na ang takot at nerbiyos niya hehe. Kape kape mode muna tayo noisefamily, nabusy ang Inday pasensya na kayo at ngayon kasi biglang…
Bardagulan time Narinig ko itong bardagulan na ito sa isang vlog hehe magkakapatid din sila at magkakaibigan. Kaya biniro ko ang mga chikitings ko, na ayan nag babardagulan nanaman kayo. Natawa sila kasi anu daw yung bardagulan haha. Ang kukulit nila basta nasa higaan na. Hindi ako nakapag active kanina noisefamily, kasi gabi kami binigyan ng tubig ngayon. Siyempre labada mode din tayo kahit gabi. Tapos ang malupet dun hehe sobrang lakas ng ulan kanina habang naglalaba ako…
Cold and loud night for Smigol Di makatulog yarn? It's raining, and it seems like Smigol can't sleep that much because of the loud sound that rain makes above the roof. Medyo maselan itong bebe kong to ngayon. Matamlay siya kaninang hapon, pero kumain naman siya. Ang nakakatuwa eh bumangon ako at nakita ko siya dito sa may higaan ganyan ang pwesto! Haha Hanggang sa nakuhanan ko na siya ng picture ganyan pa din siya, mukhang naiingayan talaga siya sa ulan. Hehe
Tanghali na nakapagkape Grabe ang ka busyhan umaga palang kasi naglabas ako ng mga sinampay noisefamily, hindi umulan kaninang madaling araw hanggang ngayon at sana ay maghapon hehe. Maaga palang nag gayak na kami ni Ela sa pagpunta sa center dahil nakatanggap kami ng reminder na need niya bumalik today sa center. After nun, si mother earth umalis daw sa kanila, kuya ko lang ang naiwan at yung aking pamangkin na anak ng ate ko. Hinatid yung pamangkin ko dito kasi nag yayaya…
Late lunch Super late na ang lunch namin at late na din ako naka start mag luto. Buti na lang nag meryenda sila kanina ng tinapay. Nandito pa din ang aking pamangkin at kuya ko kaya mas hyper ang mga bata ngayon. Sobrang tuwang tuwa sila na nakakalaro nila ang pinsan nila hehe. Sinigang na manok na maraming gulay po ang niluto ko ngayon hehe magkaron lang ng lasa talaga kasi mas mura ang gulay kaysa sa karne, dati 125 lang ang kilo ng manok ngayon dito ay 210 na per kilo.…
Bonding Muna At dahil day off ni bossing, ito bonding muna sila habang natutulog si Ela. Nanonood sila ng movie na Turning Red. Napagod na nga yung red panda kakatakbo tsaka papicture hehe. Kasi ilang beses na ito inulit, pero di pa rin sila nagsasawa. Ang sarap lang tignan nitong mag aama ko na magkakasama. Haay kung pwede lang pigilan ang bilis ng pagdating ng bukas at ang bilis lang nilang nag sisilakihan.
Hapunan time na! May tira pa kanina na sinigang na chicken, dinagdagan ko na lang ng sabaw at isang taling okra para mas dumami pa ang sabaw. Pero ito talaga ang bet ko hehe, ang tuyo. Kain na tayo noisefamily, wag magpalipas ng gutom, kahit na tayo ay maraming iniisip na suliranin, alagaan pa din natin ang sarili natin. Magandang gabi!
May bagong pang art! 😄 Ang ganda ng gising ng bebe kong ito. Alam na alam niya ang color orange. Ngayon nung naglabas ang ate niya ng color, aba orange ang kinuha sabay sabi sakin "ma uhh,oringe" hehe Okay lang anak mag color, hehe wag lang sa pajama anak, haha. Dati rati binababad ko yung mga pasimpleng nasulatan niya na mga damit niya pero hindi ko pa na try ang color. Hehe Ang reaksiyon ko (hawak sa noo) hahahaha
Natikman kita ulit! Buti na lang hehe, naghatid ang kuya ko dito nito, naka balot pa sa foil akala ko kung ano ito. Pinadala daw ni mama, inorder daw kasi ito nung panganay naming kuya. Alam kasi ni mama na mahilig sa ganitong mga meryenda ang mga chikitings hehe siyempre ako din. At isa pa, napanatag din ang loob ko dahil kapag wala sila mama dito sa bahay, may kasama na siya ulit palagi. Ang kuya kong pangalawa sa panganay. Pano ba yan, tara na kainin na natin ito…
Sari saring gulay for lunch! Kumain na po tayo noisefamily, maaga at sakto ako makakakain ngayon kasi nakatapos ng maaga sa mga gawain sa sa bahay at sa work din. Unlike kahapon na ngaragbels at haragdo versoza ang peg ko kahapon, super. Kumulimlim nanaman ang langit, pangatlong beses ko ng labas pasok ng sinampay, at ito na ang huli hindi ko na muna ilalabas baka mamaya habang naka duty ako doon pa umulan ng bongga. Grabe na talaga, pabago bago na ang panahon natin ngayon,…
Hanapin ang ulo ni Smigol lols! Kalerki naman ang posisyon mo Smigol! Habang naka duty ako at ang mga bata nag momodule, aba ito namang aming furbaby, ang layo na pala ng narating. Siguro nasa manila kana niyan sa tagal ng sleep mo diyan. Sobrang himbing eh, at ang creepy ng posisyon niya. Masyado nanaman siyang sleepy ngayon hindi kagaya nung maharot at malaro nung mga nakaraang linggo. Siguro naninibago din sila sa klima talaga. Dari rati sa kwarto siya pumupunta para…
May mandurukot ng okra! Huli pero di kulong sabi nga ng iba hehe. Pinipicturan ko palang may gusto ng kumain. Alam niyo na noisefamily, kaya minsan hindi na makapag share ng picture kasi ganito ang nangyayari, isa palang ito hehe may tatlo pang excited nang kumain hehe. Magandang gabi po, kamusta po ang inyong maghapon? Grabe lalo lang naging maalinsangan kasi hindi naman umulan kanina nung kumulimlim, ngayon naman kumukulog na, baka babagsak ito mamaya. Anyways may…
Operation Birthday Card Making! Bukas ay birthday ng aking kuya, yung pumupunta dito minsan kasama ni mother earth. At ang sabi nila, pumunta daw kami doon lahat bukas. Sana nga makapunta kami, kasalukuyan na kasing umuulan dito ngayon at may kasama pang kulog at kidlat, sana bukas tumigil din. Wala pang final na itsura ang mga cards nila hehe kasi nag sisimula palang sila ngayon noisefamily. After naming kumain, akala ko kung bakit nasa kwarto na silang lahat at tahimik…
Smigol's back Sorry muna kasi mukhang nagulat ka sa flash ng cam hihi. Ikaw talaga ha, Alam na alam talaga saan pupwesto yan ah. Saan ka nanaman ba kasi galing ha, Smigol? Ayan tuloy nasasaraduhan ka na, buti na lang gising pa ako hehe. Smigol nga naman talaga oo. Akala ko kasi noisefamily kung ano yung kumakalabog eh, ayun siya pala yun. Kung ano ano nanaman ginagawa makapasok lang. May mga gising pa po ba diyan?
The sun is up and were ready to go! Maaga kaming nag gayak pero late pa din nakaalis hehe. Medyo iba kasi ang panahon kanina. Nag ligpit na ako ng bongga para pag uwi mamaya eh malinis na. Super excited ang mga bata na pumunta kila lola nila. Nandoon din ang kuya ko kaya paniguradong matutuwa sila ng husto. Ang init na ngayon at sana mag tuloy tuloy muna maghapon. Kamusta ang panahon sa inyo noisefamily?
Done with our breakfast Ito pinaluto ni mother earth na almusal ng mga bata. Natatawa siya kasi yung mga chicken ang natira haha. Sayote at pechay ang hinalo ko dito noisefamily, yun ang kinuha nila kumuha man ng chicken pero maliit lang at di pa naubos. Iba talaga kapag prito, naku kapag prito mauubos nila hehe pag may sabaw dun lang sila sa sabaw at gulay haha. Nawiwirduhan din ako minsan bakit ganun ang trip nila sa food hehe. Maya maya pag nakapahinga na naku, babaliktad…
Lunchiees na! Ginataan na sari saring gulay para sa pananghalian. Pasado naman itong luto ko sa kuya ko at kay mama hehe. Si kuya ko kasi mas masarap talaga magluto kaysa sa akin, dahil birthday niya ako muna nagluto para mapahinga muna siya, sa pagluluto lang haha. Kasi may aayusin siyang hose ng tubig nasira ang linya ng tubig nila. Mamaya ay ipag luluto ko din siya ng spaghetti hehe namili si mother earth ng pang rekado. Simpleng salo salo lang para lang din makapag ipon…
Happy ang baby Pinatikim namin siya nitong pineapple flavour na popsicle at nagustuhan niya. Sino ba namang batang tatanggi sa popsicle na ito hehe ang lamig pati kaya nakaka refresh. Maliit lang binigay ko kasi baka mabigla ang tiyan at ngayon palang siya kakain nito hehe. Nagmeryenda naba kayo noisefamily? Ako nagluluto palang hehe nakasalang palang ang aming meryenda.
Meryenda na, Dinner pa! Ito po yung niluto namin kanina doon kila mother earth at marami pang natira dahil kami kami lang din naman ang nandoon kaya ito pinauwian kami ni mama ng spaghetti. Nakatipid na sa dinner ang inday hehe. Namiss ito ng mga bata kasi matagal tagal na mula nung huling nagluto ako nito dito sa bahay. Basta talaga matagal na hindi nailuto namimiss eh ano po? Dinner na guys, ang mga chikitings ga kaon na, pero ako later na at parang bundat pa ang tiyan ko…
Smigol and Smigol's Mom! Yes you read it right noisefamily, she is Smigol's mom. Her owner is my mom, hehe medyo nakakalito po ba? Si mama ko kasi ang nagbigay sa amin kay Smigol. Kuha ito kanina nung anak ko kila mama, pero yung kay Smigol ay isang malupet na throwback po muna kasi alam niyo na gabi nanaman, gumala po siya. Kanina nandito siya pag uwi namin pero nung dumilim na, naghalo nanaman siya sa paningin namin. Sabi ko na eh, may babae talaga tong Smigol ko eh! Paano…
Baon Tuwing papasok si mister na hindi siya nakakapag baon ng pagkain, talagang mas magastos siya at medyo mahal ang bilihin sa canteen nila. Kaya hanggat maaari kailangan may baon siya, isang way yun para makatipid siya. Kaya itong pritong isda ang baon niya ngayon at lalagyan ko ng sawsawan na toyo with kalamansi para kahit nasa work, solb pa din ang lunch ni mister. Ito na rin ang pang almusal namin today noisefamily hehe. Goodmorning sa inyong lahat!
Peanuts for Peanut Butter Ito na ulit, G na ulit si mother gumawa ng palaman. Marami na siyang na pending na order kasi nung sumama ang pakiramdam niya hindi siya nakapag gawa. Kaya ngayon babawi siya hehe. Luto mode muna si mother earth ko. Ang mga anak ko dati sobrang hilig dito ngayon medyo nag sawa na yata hehe minsan nalang sila nag papalaman nito, pero si Ela gustong gusto ito. Kapah gumagawa si mama, binibigyan niya kami nito hehe. Mahilig din ba kayo sa peanut butter?
Late lunch noisefamily! Magandang hapon po sa inyo, kumain naba kayo? Tara na po at kumain muna tayo hindi kami nakapananghalian ng maaga kasi nabusy hehe. Nandito kasi kami ulit kila mother earth ngayon. Nag tipon tipon kami ulit at ngayon naman ay death anniversary ng aking lolo. Ang tatay ni mother earth ko, ika 14 years niya na ngayong anibersaryo. Pritong isda at gulay po ang pananghalian, maganda talaga at magkaterno itong dalawang ito hehe. The best match talaga pag…
Kinilig sa skyflakes si Aling maliit Tuwang tuwa siya kanina, nung makita ang crackers na ito noisefamily. Mukhang namiss niya, madalas kasi itong binibili namin para kay biyenan or kay mama tsaka sa amin na din. Pero nitong mga nakaraan di kami nakakabili nito. Kanina nung makita niya kila mother earth, kita ko sa mata na kinilig haha. Pagkakagat niya, ayarn itsura hahaha.. Gandang hapon sa inyong lahat!
Hapunan time! Reheat is the key hehe. May tira pang chopsuey na niluto ni kuya pinadalhan kami ni mother earth. Nagprito na lang din ako ng itlog pang dagdag sa ulam namin. Kain na po tayo noisefamily habang mainit init pa. Grabe pa rin ang alinsangan dito sa amin siguro mamaya nito uulan nanaman. Tamang tama kung matutuloy na umulan masarap ang tulog ng mga chikitings hehe.
Meet Puti Kung si Smigol, isa sa pinaka gusto niyang spot ay yung laptop ko at module ng mga bata. Ito namang nanay niya diyan sa kanyang trono, sa ibabaw ng washing machine ni mother earth. Maloka ang mama ko sa kanya, minsan kahit nag lalaba daw siya, panay na ang sakay niyan sa may dryer, siyempre pag yung di pa ginagamit hehe. Sign na pala yun, Puti is giving a sign na gusto niya na magpunta or magpahinga sa favourite spot niya, at kapag ka pinaalis siya at nilipat sa…
Turon for breakfast! Magandang umaga Pilipinas at sa inyong lahat noisefamily! Ito ang aming almusal ngayon at baka umabot pa ng meryenda. Gagawa kami ng turon hehe at ayan yung panganay ko tinutulungan ako mag hiwalay ng wrapper para mabilis ang pagbalot ng mga saging. Hindi ko na isinasawsaw sa asukal kapag ganito dahil matamis naman na ang saging at baka lalo lang siyang tumamis. Paniguradong mag eenjoy ang mga bata mamaya nito sa almusal nila. Muli goodmorning everyone!🥰
Turon po kayo diyan! Sino po oorder ng turon hehe. Tara na at kumain po ng almusal, yung mga chikitings ko nauna na. Nag papalamig na din ako ng pang baon ni hubby para pang meryenda niya. Sino po mahilig sa turon diyan, halina po kayo at saluhan ninyo kami.. Happy Sunday noisefamily!
Sinaing plus nilagang itlog! Nahawa na din si mister sa ganitong pagsasaing at pag lalaga ng itlog hehe. Kanina itong umaga, pagka bangon niya pagkabangon niya nagsalang na pala siya ng sinaing. Paano kasi nauna siyang bumangon at si little bossing nag iyak iyak at nagising lang sa tahol ni Kira. Aba pag bangon ko kanina tinignan ko ang nakasalang, sinaing na may itlog sa ibabaw haha. Sinasabi ko kasi na mas makakatipid talaga sa ganito. Minsan patatas, pinapatong ko lang…
Pakwan muna ang bagets bago mag nap! Kahapon may nabili si kuya ko na pakwan medyo maliliit lang siya pero masarap at matamis naman. 40 pesos daw ang isang piraso kaya nakabili siya ng 3. Binigay niya sa amin ang isa, at nangako naman ako sa mga bata na kakainin nila ngayon. Hindi ko na kasi pinakain kagabi dahil baka maghalo halo na ang kinain doon kila mother. Kaya ito ngayon enjoy silang kumakain hehe may tira pa, sino po may gusto?
Missy's Tie Dye Shirt Medyo mapusyaw ang kinalabasan kasi itong aking anak eh na excite na tanggalin nung binabad niya, pero all in all kumulay naman. Ayan at kahapon ko lang siya napicturan kila mama hehe. Isinoli din kasi ito ng teacher last week kaya nalabhan ko na at naisuot niya na. Tuwang tuwa siya diyan sa damit niya kasi siya daw nagkulay. Isang achievement yan para sa kanya hehe gusto niya pa nga ulitin sa ibang damit. Susunod meron naman sila gagawin parang…
Tara mahugas ng tinapay sa kape! Umuulan ngayon dito sa amin hehe kakasimula lang kaya naman naisip kong mas masarap magkape. Pinagbawalan muna ako magkape ng itim ni mister baka daw magkaroon naman ako ng hyper acidity kaya may kaunting gatas ito. Pero mas masarap pa rin para sa akin yung black coffee lang tapos sasawsawan ng tinapay hehe. Hindi ko alam bakit ganun pero yun yung mas trip ko haha. Nag hahanda na din ako ng hapunan ngayon para mamaya ready na.
Eating Apple While waiting kay papa niya si aling maliit, may nakita pang apple sa lamesa, isa sa mga pasalubong ni lola niya nung tumawid dito kanina. Ayan at sabi sakin, "mama usto" Siyempre hiniwa ko naman agad agad hehe, share share sila nila ate at kuya niya rito noisefamily at gabi baka masobrahan si Ela. Gandang gabi po, sana makauwi na ang papa namin bago pa umulan..
Look who's here beside me! Talagang marunong ng pumasok ng kulambo ha, Smigol? Marunong ng gumawa ng paraan basta talaga gusto? Hehe alam niyo ba noisefamily, may sinira siyang gilid ng sawali para lang makalabas siya, talagang itong Smigol namin may jowa na yata talaga eh haha. Basta gusto may paraan eh. Pero marunong naman bumawi hehe. Too early pa, 3am palang kaya idlip pa ako ulit. Goodmorning sa mga kakagising lang at sa mga hindi pa din nakakatulog hehe.
Almusal na, Baon pa! Pritong isda para sa busy na umaga noisefamily. Happy Monday, medyo taranta ang inday ngayong umaga, sabay sabay kasi ang ganap ngayon. May meeting daw kasi kami dapat ngayon sa school. Pero dahil biglaan at ngayon lang din namessage hindi ako makakadalo. :( Yun ay dahil hindi ko natawag ang mama ko or ang kapatid ko para may kasama muna sila dito. Nag excuse na lang muna ako sa teacher, makikibalita na lang ako mamaya kapag nakapunta si mama dito. Haay,…
Pasalubong Kagabi, dala ito ni hubby. Nakakatuwa nga daw kasi sa work niya may binigay na ganito. Hindi niya naman kinain at para na lang daw sa mga chikitings. Ang pagmamahal talaga ng isang magulang eh hindi matutumbasan, yung tipong isusubo na lang eh handa pang isakripisyo para sa mga anak. Nagrequest naman ang mga bagets na kain daw sila ng kaunti hehe ayaw nila ubusin baka naman daw sumakit ang ngipin. Kakatapos namin kumain, at isang himala dahil maaga din ako…
Umaaraw na ulit! Yey! Kanina kumulimlim na at kumulog, hindi pa ako nakakatapos mag laba nun. Buti na lang ngayon ayan at uminit nanaman para naman kahit papaano eh may mga part na matuyo then bukas ilalabas na lang ulit silang lahat para more more tuyo. Nagkaproblema yung aming tubig noisefamily, may nasira nanaman daw kaya hindi ako nakasahod lahat, pero bukas after ayusin nung linya, ilalagay ulit sa amin ang tubig. Mukhang mga kumot naman lalabhan ko bukas ah hehe.…
Mani and more bawang! Pang libang pag nanonood sila ng tv or di kaya naman pag nag wowork ako, or kapag minsan na need lang ng kutkutin hehe habang nag kukwentuhan. Maya maya ay pwede na ito kasi naluto ko na ang bawang. Mas gusto din ni mister ko yung maraming bawang hehe kaya dapat talaga madami. Tamang tama naman mas mura ang bawang ngayon dito kaysa sa sibuyas kaya solb hehe. Mahilig din po ba kayo sa ganito?
Kamote kamote kamote! Ang dami nanamang dala ni biyenan ko na kamote galing sa kanilang auntie na nagharvest hehe. Kalahating sako din ito, at laking tipid na kasi pwede na ilagay sa ulam, pwede na din sa meryenda at almusal. Kakarating lang ni biyenan ko ngayon at tuwang tuwa ang mga chikitings hehe. May pasalubong din silang biscuit hehe. Lola's love nga talaga!🥰
Nilagang kamote agad agad! Dahil may kamote hindi na natiis hehe laga mode kaagad tayo siyempre. Namiss kasi namin itong kamote na ganito yung sawa sawa sila kasi marami hehe. At ito ngang panganay ko hindi pa naaawat, gusto niya pa daw eh kaya sige go lang ate Missy ko basta kakain ng hapunan mamaya. Magandang gabi noisefamily, alam ko busy kayo hehe kagaya ko nag gagayak na din ako ng hapunan ngayon. Mag luluto ako ng ginisang gulay
Mahilig din ba kayo mag sindi ng katol? Ang lakas ng ulan dito sa amin noisefamily, pati kulog at kidlat sunod sunod rin. Kaya naman nag silabasan nanaman ang lamok, nagsindi ako ng katol kani kanina lalo na sa may kusina namin at sa sala. Ang laking tulong niya talaga dahil nakakataboy ng lamok. Pero ang hindi ko lang nilalagyan ng katol ay yung sa kwarto. Bukod sa sobrang maamoy kasi siya talaga, yung sa kwarto naman ay naka kulambo kami hehe kaya safe naman sa lamok.…
Gloomy morning Kuha ko ito kanina nung mas maaga pa, dahil maraming ginagayak pag morning lalo na ngayon maagang umalis si mister ko. May need pa kasi siyang asikasuhin ngayong umaga bago pumasok sa trabaho. Mamaya naman, ang igagayak ko ay ang estudyante ko (◍•ᴗ•◍) yes po pupunta sila ng school para daw papabasahin at doon mag eexam ng iba. Kahapon lang ito ibinalita nung aming teachers na need sila ma meet ng teachers nila.. Goodmorning ulit everyone!
Cooking time! Patola, kalabasa at okra! Ito po ang aming lunch for today. Mamaya pang 1pm ang pasok ng aking grade 1 kaya tamang tama lang kapag nakaluto na ako at makakakain pa siya. Nagluluto na din ba ang mga mommies diyan at daddies? Busy busyhan ang lola ninyo mula kaninang umaga kaya hindi na nakapag update. Didilim liliwanag kasi kaya labas pasok ako ng sinampay haha.
Hatid mode Ang aking grade 1 na first time papasok hehe excited yarn. Sana magustuhan niyang pumasok pa rin kahit na matagal ng nahinto. First time niya dito sa school na ito dahil last school niya doon pa sa dating tinitirhan namin. Big boy na talaga ang aming kuya hehe. After nito may meeting naman kami sa aking grade 2. Busy mode haha.. see you later noisefamily..
My click earlier Kanina bago ko sunduin si Mj, ito ang talagang hindi nakaligtas sa paningin ko at sa camera ng phone ko, hehe. Worth it naman ang pagtigil ko ng halos isang minuto kahit mainit kasi ang ganda niya. Preparing nanaman ng dinner noisefamily, ako naman maya maya na kasi nakaduty pa ako, naging hapon ang duty ko kasi naghatid pa ako kanina ng estudyante. Hehe
Tuyo plus leftover gulay! Dahil may tira pang gulay, dagdag na lang ng kaunting tuyo at solb na ang hapunan. Ang lakas ng ulan ngayon dito sa amin kaya mas masarap mag ulam ng tuyo hehe, naaalala ko noon, habang nasa terrace kami doon kami kumakain ng agahan natatanaw ang ulan, ang sarap kumain nun tapos may hinihigop na kape. Anyways, highways, manyways, kain na po tayo hehe baka kung saang ways pa mapunta ito haha.
Matira matibay! Talaga namang bagsak na ang dalawa ko pero ibahin ninyo itong aking panganay at bunso hehe. Hindi pa rin inaantok at kumain pa nga ulit si Ela ng kanin haha, natawa ang papa niya kasi akala niya nag jojoke lang si Ela na "pàpà" daw siya or kakain. Siguro dahil napagod kanina sa laro kaya nagutom ulit. At ngayon ayan happy na at may tinitignan sila ng ate niya na small book, nandoon ang mga gustong gusto at alam ng bigkasin ni Ela na mga animals and things.…
Umagang kay ganda! Hatid mode nanaman kami maya maya noisefamily ng aking pangalawa si Jemjem. Excited na din siya sa kanyang pagpasok kaya maagang nagising at nag almusal. Hindi naman araw araw ang pagpasok nila sa school, may araw lang sila per week pero mahalaga na maka attend sila para ma assess sila kung anu na ang natutunan nila at kung sila ay nakakabasa na. Nag almusal naba kayo noisefamily?
Tahong First time ng mga anak ko na makakatikim nito. Si biyenan ko ang magluluto kasi di ko din alam ito lutuin hehe. Simula nung bata ako isang beses lang ako nakatikim nito at noong panahong yon dun ako nag suka at talagang nag rambol ang tiyan ko. Dinala ako sa ospital kaya mula nun di na ako kumain nito. Pero sabi ni biyenan ko safe naman daw ito, sa edad kong ito second time ko palang kakain ng dish ng tahong ulit. Hehe kahit ang mga anak ko tinatanong ako anong lasa…
Late lunchiees! Nagustuhan ng mga bata ang lunch kanina at charan, hehe kakain palang me yes po, kasi nabusy sa work at sa labahin kanina. Hindi pa din tapos ang work kaya kain na lang while working,hindi naman na ganun ka dami din ang need gawin. Kumain na lo ba ang lahat? Kung hindi pa aba'y tara na po at kumain na, tamang tama itong sabaw nito parang tinola siya at masarap kasi maraming luya. Nilagyan din ni nanay ng bokchoy ito para may gulay din na nakahalo. Tara let's…
Jem's Turn Kanina kuha ko itong picture ni Jem, excited much din ang bebe kong ito. At nung sinundo ko na, nakangiti siya kaya alam kong maganda ang kinalabasan ng kanyang pagpasok. Sabi niya mama sayang sana araw araw ang pasok namin. Namiss ko na po ma eh. Natuwa naman ako, bilang kanyang mama eh talagang nakakaproud na makita mong natututo kahit papaano ang iyong anak hindi po ba. Sana sa susunod na pasukan, makalaya na tayo sa pandemyang ito at tuluyan na silang makapag…
Maulang gabi noisefamily Hapunan time na, beans na ginisa na may binating itlog. Nabili ni mister itong gulay na ito nung minsan kasi may nadaanan daw siya na naglalako. Sobrang lakas ng ulan ngayon dito sa amin, samahan pa ng kulog at kidlat. Mabuti na lang at maayos pa din ang internet connection kasi mamaya may need pa ako gawin para sa work. Kain na din kayo diyan mga kapatid, si Ela namamapak na ng beans haha.
Excuse me, my Smigol! Paano tayo maka work niyan, pag ganyan naman. Kanina ko pa po siya inaalis, nililipat sa upuan pero bumabalik at bumabalik siya haha. Naramdaman nanaman niya siguro yung init sa may laptop, kasi sobrang lakas ng ulan dito kanina hanggang ngayon. Kakarating lang ni mister ko kaya napahinto sandali, pero pagbalik ko, ito na si Smigol sa aking trono haha.
Daing na bangus Umitim na yung daing hehe, kasi habang may nakasalang ako si Ela naman nakisabay ang kanyang bum bum hehe kaya ayan ang nangyari. Pero sabi nga ni mister "okay lang yan, hindi pa naman masyadong umitim" haha hindi ko alam kung pampalubag ng loob ba o niloloko ako eh hehe sabay tawa. Alam naman kasi niya ang kabusyhan pag umaga hehe, nag gagayak na din kasi siya niyan pumasok kaya bongga talaga ang eksena haha. Na experience nito din ba ang ganyan minsan noise…
Sweet potato + condensed milk Let's make some merienda muna. Bago ituloy ang ginagawa ay kailangan muna makapaghanda ng meryenda ng mga bata. Gustong gusto nila itong kamote nilalagyan ko ng gatas, minsan powdered milk or condensed milk. Buti na lang marami yung mga kamote hehe pang laga laga pwede ng meryenda or kahit almusal. Ako naman mas bet ko ang ganitong laga lang pang terno sa kape hehe kaya magtitira ako siyempre hihi
Stop na muna sa tupi mode Mag reready na kami ng pagpasok ni panganay ko. Sana maging maayos ang assessment niya para atleast makahinga na ako ng maluwag. Naassess na kasi ang dalawa ko ding studyante, at alam kong kayang kaya ng aming ate ito. Tiwala ang mama sayo anak. Buti na lang di maulan ngayon dito kundi naku mahirap ang paglalakad papunta ng eskwelahan. Kayo po ba kamusta noisefamily, maulan ba diyan or mainit din po?
Nag didilim nanaman! Naipasok ko na ang mga nilabas ko ulit na sinampay kanina. Ito kasi ang panahon kanina, mainit naman. Ngayon nag didilim na hehe baka bigla ulit bumuhos ang ulan maulanan pa itong mga ito. Ang hirap pa naman na kapag naulanan kasi uulitin nanaman siya. Siguro ang mga ibang noise.cash fam natin dito nakatuyo na din ng labahin sa init ng panahon. Sana naman ay wag umulan ng kagaya kagabi na sobrang lakas. Ingat po kayong lahat! At maghahanda na pala ako ng…
Magandang gabi! Naghahanda na din ba kayo ng hapunan noisefamily? Ako malapit palang hehe. Kasi alam kong late naman maghahapunan ang mga bata kasi kumain pa ulit nitong meryenda nila kanina hehe. Ang sarap nga naman kasi talaga, ayan at napa extra condensed milk pa talaga hehe. Magluluto ako ng patola na may sotanghon, sino po sa inyo ang kumakain din nun?
Antok much yarn? Habang busy pa ang mga chikitings, busy na din si Smigol, sa kanyang pagtulog haha. Antok much siguro ito at mukhang walang gala tonight ah? Si Ela naman nakikipagbardagulan pa sa papa niya lols. Hindi ko ba alam anong mga ginagawa nitong mga chikitings ko, mahilig sila na kung kailan gabi tsaka sila nag gaganyan. Gagawa daw sila ng drawing na pokemon tapos gugupitin at ididikit nila sa dingding. Goodluck nanaman ang mga ginupit na papel dito sa kwarto.
Ang ate kong excited! Kahapon super excited itong aming ate Missy. Gusto niya din kasi mameet in person ang mga teachers niya. At kahapon nakakatuwa at sobrang nakaka proud ang remarks or comments ng teachers niya sa kanya. Kinausap ako ng teacher niya na fast reader and fast learner daw siya. Kasi 4pm pa dapat ang end ng exam niya pero 3:15 minessage na ako ng teacher na tapos na si missy at pwede ng sunduin. Mas lalo kaming gaganahan na mga parents na niyan magturo kapag…
Kape muna at kamote! Tara na at magkape noisefamily sa mga nag kakape po diyan hehe. Kakatapos ko lang magsibak nung mga kahoy at sanga sanga na nalaglag kasi pang gatong din yun,sayang naman. Kaysa mangahoy kung ano na lang yung mga ibang mayron dito yun na lang muna. Ipinapangtulong ko sa gasul ang kahoy at uling para tumagal. At nitong mga nakaraan na nag uulan na akala mo eh may bagyo sa lakas, gasul ang gamit namin kaya ayun nag goodbye na siya ng tuluyan, ang lakas…
Iba nanaman ang trip nila! Sinend ko sa papa nila itong mga pictures na kuha ng panganay ko dito sa phone ko. Natatawa siya, sabi niya ano nanaman ginagawa nila haha. Nagpaalam naman sila sa akin kung pwede daw mag dikit niyan tapos babarilin daw nila hehe. Si Jem ang nag prisinta na umakyat kasi magaan gaan ang katawan niya at talagang ito yung anak kong mahilig sa akyatan. Hehe nakikita ko sa kanya yung sarili ko nung bata pa ako haha, kala mo kilos barako sabi nga ng…
Boogyman! Naaalala ko noon ito isa sa gustong gusto bilhin ng kuya ko, ang sarap kasi nito. Ako naman yung "Yes" na cornick. Not sure kung natatandaan iyon ng iba nating noisefamily dito hehe pero noong kabataan namin masarap yun na mga kutkutin. Nakita ko ito kila mama, binigyan niya ako kanina akala ko malalaki na lang na packaging ang meron nito pero may tig pipiso pa din pala. Sa inyong lugar po may boogyman pa din ba na ganito or yung tig 5 pesos na?
Ready naba kayo? Luto mode na! Nakapaghanda na ng panggatong ulit at nakapagpakain na ng mga alagang kalapati. Gustong gusto sanang lumabas ng mga chikitings ko kaya lang eh kumukulog kulog na dito sa amin kanina pa nung nag iitak ako ng kahoy,kaya di ko na sila pinalabas. Sana bukas ay hindi mag ganito ang panahon para makapag laro sila kahit papaano sa labas. Yung ibang kahoy na basa ganyan ginagawa ko nilalagay ko sa gilid hehe para matuyo habang mainit ang kalan, kasi…
Cheesy Spaghetti! Gabi na pero may blessing pa din, salamat po Lord for another blessing. Kakarating lang ni hubby at tuwang tuwa siya dahil ito may dala syang spaghetti. Alam niyang matutuwa ang mga bata dito. Ang kwento niya sa akin, bago daw siya mag out sa trabaho tumawag ang boss niya. Pagkatawag, sabi ng boss niya dumaan daw sa bahay nila bago umuwi. Ayun may okasyon pala sa kanila at ito ang ipinadala sa kanya, at ang ikinabigla pa ni mister ko, nag abot daw ng 100…
Siya din daw! Lols Akala ko sila ate lang niya ang nag suot suot nito. Aba si aling maliit ko di talaga pahuhuli eh, di pwedeng hindi niya susubukan hehe. Ate niya ang kumuha nitong pics na ito, at para bang nagtatanong na, "bagay po ba?" Hehe Ngayon ko lang nakuta at nag browse ako ng screenshots ko for clients messages today, ayun hehe si aling maliit ang bungad sa cp ko. Basta talaga nahawakan nila ito, puno na agad! Puno na ng pictures haha. Magandang morning noisefamily!
Almusal at tanghalian Yung tipong pag nagluto ka ng umaga eh aabutin na din ng tanghalian minsan hehe. Kasi pag nagprito lang ako ng itlog, madalas yun na lang naalmusal ni mister bago pumasok. Para maiba naman, hehe ito naman sa umaga. Napagbaunan ko din siya. Halo halong gulay po ito, may okra, kalabasa,sitaw, talong at ampalaya. Dalawang balot na dati 15 lang ang isa ngayon 35 na ang isa swerte kung may 30 pa. Hehe Tara po at mag almusal na!
Daing na bangus Nagprito ako ng tatlong piraso nito at tiyak may mamimili nitong part na ulo hehe. Akala ko kasi kakasya na ang ginataang gulay na tira para sa pananghalian kaya lang mukhang nagutom ang mga chikitings. Naglinis kasi kami ng mga sulok sulok at nagpalit din ng kurtina dahil tomorrow ay aking laba day. Sakto at wala pang clients na nag memessage kaya hindi pa oras ng duty. Lunch time na muna tayo noisefamily, late na itong lunch namin kasi alanganin din kumain…
Suot daw muna niya ulit! Ang Mahiwagang Medyas ni aling maliit Nag aayos ako ng mga damit kanina habang nakikigulo din si Ela at gusto niya din daw mag tupi. Nakita niya yung mga medyas niya na nakatabi na lang sa drawer at ito pinili niya na isuot. Sabay nakangiti at nagpakarga. Buti na lang nagkasya pa kasi medyo may S siya kanina pa, at gusto lumabas. Nagluluto ako sa labas kanina at gusto niya ring sumama hehe. Naglaga kasi ako ng kamote noisefamily for meryenda. Kaya…
Ginisang Upo/ Sauteed Bottle Gourd This will be our dinner tonight, Lalagyan ko lang ng sardinas ito at solb na. Hindi na lugi sa halagang 45 pesos kasi ang laki niya, halos kasing haba na ng braso ko hehe tapos malapit na din sila maging magka size 🤫 Kayo po anong hinahanda niyo for today's videow? Este for today's ulam pala.
Ginisang Upo na may sardines Sauteed Bottle gourd with sardines Dinner time na! Sorry for my late invitation, coz hubby came and became busy again. Kids and their papa played for a bit before eating. Everyday that's their routine when hubby's home, after shower he spend some time for the kids. Now it's dinner time, who wants to join us?
May pang laga na! Inalok kami ng kaibigan ni mama kaninang umaga, siyempre matatanggihan ko naman ba eh ang bayad daw nito ay kahit sa susunod na linggo na. Hehe hati kami ni mama dito mamaya ihahatid ko ito pagkatapos ko maglaba. Laba day today pero siyempre Happy pa rin ang Sunday! Magandang umaga noisefamily!
Mama! Nana! Happy yarn? Nauna na si aling maliit basta "nana" ang nakita niyan naku hindi papayag na di siya bibigyan. Ang banana niya kasi ay "nana" hehe. Pagkakita palang nanlaki na ang mata niya kaya tinatago ko sana sa kanya kasi hindi pa nakakapag prito eh pero gusto niya pa din kahit hindi luto. Happy na ang baby Ela namin, ayiiih!
Patola with sotanghon Magandang tanghali po, kayo ba eh nananghali na? Naku kung hindi pa tara na po at sabayan na ninyo kami. Nagluto ako ng patola na may sotanghon at nilagyan ko lang ng binating itlog. Ayan at halos naubos na ng mga bata ang sabaw hehe kaya nawala na halos ang sabaw. Late na nakapag lunch kasi nabusy at ang dami kong nilabhan pati ang mga tinaggal na kurtina at mga panapin. Kaya Tara let's!
Biglang buhos ng ulan Nagising si aling maliit at biglang buhos ng ulan dito sa amin. Sa dami ng sinampay ko sa labas, ang bilis ko talagang bumalikwas haha. Naexperience niyo naba yung ganun noisefamily? Grabe habang nagmamadali ako tumakbo at manguha ng sampay sigi naman din ang tahol ni Kira sa akin haha. Sarap magkape nito at umuulan! Tara Kape!
Bangon! Sulong! Kaya mo yan! Ngayon ko lang nakita na may ganito na palang nakalagay sa coffee stick ng nescafe. Nakakatuwa naman, sa simpleng ganito na nilagay nila na iinspire tayo. Sa tuwing magtitimpla ka ng kape mababasa mo itong, kaya mo yan! Diba nakakatuwa na mabasa ito dahil alam ko na lahat tayo may kanya kanyang pinagdadaanan, iba iba lang pero may kanya kanya tayong mga bagay na kinakaya😊 Kaya, ano pang hinihintay ninyo, tara kape!
Meryenda Muna Bago magluto ng hapunan ito muna ang niluto ko kasi sure na gusto ng mga chikitings muna na magmeryenda tamang tama kasi may kaunti pang gatas dito na tira nung nakaraan. At sa wakas ay huminto din ang ulan dito sa amin ngayon pwede na ulit makapagluto sa labas dahil nakasilong naman ang mga kahoy. Kayo po nagluluto na ba ng hapunan?
Sleepy yarn? Goodevening noisefamily and to all fur parents and fur babies kamusta po ang ating mga babies diyarn? Hay itong akin, kakauwi lang kani kanina nung tumila ang ulan. Akala ko matamlay nung nakaraang araw at hindi gaanong kumikilos, pero eto nanaman sya namayagpag sa galaan kanina. Buti nalang at naalala niyang umuwi hehe. Smigol naku naku, pag yang jowa na pinapasyalan mo di mo pinakilala sa amin, lagot ka sa tatay mo! Haha
Ang aming simpleng Almusal Okra na nilaga, tuyo at sawsawan na kamatis with sili. Simpleng almusal pero nakakasolb at nakakabusog na tunay. Alam kong agree kayo noisefamily. Ito ang request ni mister ko kagabi na sana daw ito ang almusal. Sabi ko sige at talagang gusto ko rin ang ganitong ulam. Sino ba naman ang makakatanggi dito hehe kahit si Ela nagpapapak nito. Late na ang almusal namin kanina at nabusy ang inday hehe kaya ngayon lang po nakapag update sa inyo…
Mainit ang ulo ni little chef Nakasimangot kasi kanina pa siya inoorderan ni ate niya. Haha gusto niya daw kasi luto at order, tuloy tuloy naman sa pangungulit itong ate namin, ayan nakasimangot na si aling maliit pero ginagawa niya pa din ang pagluluto niya. Kamusta kayo noisefamily, kakauwi ko lang ngayon at ito ang dinatnan ko kasi naghatid ako ng aking estudyante hehe. Excited nanaman pumasok kaya ayun tuwang tuwa na nagka sched ulit.
Uwian na ni Kuya! Sunduan mode na ni Mj, at mamaya naman si Jemjem. Talaga naman ang bilis ng panahon itong kuya ko parang kailan lang, ngayon oh naku ayaw pa minsan magpahawak ng kamay lalo na may kasabay kaming classmate niya kanina marunong na talaga ang aking kuya hehe. Magandang hapon noisefamily, kamusta po kayo diyan? Tara kape na muna hehe bago manundo ulit sa isa ko pang estudyante.
Sopas Meryenda na hapunan pa! Kumakain na ang aking mga chikitings, habang busy sila pati si aling maliit ako ay eescape na muna. Para sunduin ang isa ko pang estudyante. Excited din yun pumasok kanina si ate Jem namin. Kailangan tumakas, kasi minsan kapag nag papaalam ako okay naman kay Ela pero may beses talaga na minsan ayaw niya, baka umiyak na ang ate namin doon pag wala pa ako kaya tumakas na lang muna haha.
Still waiting kay hubby Sana makauwi na siya kasi nag aalala ako, lalo na pag ganito ang nababasa ko sa internet. May tumaob kasi na truck sa kabilang barangay na kasunod nitong barangay namin. Hapon daw po ito nangyari sabi sa balita at hindi pa alam kung anong oras maitatabi ang truck. May kurbada kasi malapit dito sa pinangyarihan ng aksidente noisefamily, at ang sabi din sa news kanina ay self accident daw po ito. Sana po Lord ay okay lang yung isang pahinante na…
Sinigang na Chicken Almusal po tayo noisefamily, sabi ko may sabaw naman ulit ang iluluto ko kasi para may mahigop na mainit init ang mga bata pati na din si mister na papasok sa trabaho. Dahil wala ding ibang available na gulay kangkong lang ang naihalo ko dito. Haay ang panahon namin ngayon dito parang nananadya na patulugin kami kasi makulimlim at talaga namang malakas ang hangin. Ang sarap humiga hehe.. pero later later na yan at may sinampay aku baka umulan.
My Jem Nakapaghatid na kanina at nakasundo na din noisefamily. Time naman para mag gayak ng tanghalian at baon ni mister na rin. Pandagdag na lang sa niluto ko kaninang umaga kasi may natira pa. Nagustuhan nila ang sabaw kasi malamig kanina. Ngayon mainit init na dito pero malamig pa rin ang hangin. Nagluluto na din ba kayo diyan noisefamily? Ano pong ulam natin diyan?
Malamig na hapon noisefamily! Grabe ang lamig ngayon kaya heto itong si Jemjem, nakabalot ng kumot hehe habang nanonood. Time naman para sunduin ko ang kanyang ate. Grabe maulan pa rin hanggang ngayon. Sana safe po kayong lahat sa inyong mga lugar. Nagsibagsakan nanaman ang mga dahon at bunga ng santol. Kakawalis ko lang kaninang umaga pero ayan nanaman hehe. Dibale walisan ko na lang ulit kapag wala ng ulan. See you later noisefamily!
Hay naku, makapag Snacku nga muna! Lols Maulang hapon pa rin noisefamily, sa mga nagkakape diyan, nagkape naba kayo? Kami dito magkakape palang. Si mother earth ay kausap ko kanina sa video call at gusto sanang tumawid dito kaso nga lang sobrang maulan kaya sa video call na lang muna nakapag kwentuhan. Naalala ko wala pa nga palang tubig na mainit dahil pinagamit ko kanina ang laman ng thermos namin kay Missy pang lagay niya sa pang ligo kaya ayun habang waiting kumulo,…
Agang nakatulog, pagod much yarn? Magandang gabi noisefamily! Habang naghihintay kay mister magiingay muna ang inday at maagang nakatulog ang bebe namin. Napagod kakalaro maghapon, hindi sila nabagot sa init ngayon kasi maghapong malamig ngayon dito sa amin. Naghapunan naba kayo noisefam? Ako mamaya na sabay na kami ni mister para may kasabay siya sa pagkain, pinauna ko na muna ang mga chikitings. 😊
Peanuts I just cooked this peanuts with lots of garlic. I forgot that I still have some stock left of it before when I cooked some. I'm still waiting for hubby and it's getting late, it's 11:40 in the evening here and I'm worried because it's raining. This is the part that I really worried a lot when it's raining at night at hubby's still out at work. I can imagine how tired he is and sweating and then will up drive to get home while he's soaked. Wife feels😔
Father daughter bonding! Walang pasok ang papa niya kaya ayan ito ang pinag kaka abalahan ngayong umaga. Medyo late na ako nakapag update sa inyo noisefamily, kasi masama ang pakiramdam ko kagabi pa. Nabasa kasi ako ng ulan nung nagpasok ako ng mga alaga namin, at inayos ko yung lutuan sa labas, inayos ko yung mga kahoy at baka mabasa. Buti naman at walang S si aling maliit pagkagising kaninanag di nahirapan si papa niya hehe. Eto nga at gustong gusto magpaipit.
Late lunch noisefamily! Kain po tayo ng gulay. Si mister ko muna ang nagluto kasi medyo talagang masama ang pakiramdam ko. Siya din ang maghahatid kay Jem ngayon sa school at magsusundo mamaya. Mabuti na lang talaga nandito si mister ngayon kung hindi, baka di makakapasok si Jem sa school. Anyways, kamusta po kayo diyan lahat noisefamily, kamusta po ang panahon, dito sa amin may ulan pa din, hindi tumitigil ang pinaka pahinga lang ay ambon.
Anong gusto ng aling maliit na yan?? Hello noisefamily, thank God at may progress naman ang pakiramdam kong ito. Malaking tulong na nandito si hubby ngayon. Super duper thankful din ako sa mga chikitings namin na talaga namang ang gagaling na mag assist mag imis ng mga kinalat nila at lalo na ang mga kinalat at nilaro ni aling maliit. Heto nga at may gusto nanaman ito kaya nakanguso ang baby namin hehe. Nakasundo na din si mister ko kay ate Jem namin. Ang sarap humigop ng…
Spaghetti Padala Madalas pasalubong ito pero ngayon ay padala. Padala ng aking kuya, malayo ang bahay nila dito sa amin. Ilang bayan pa ang dadaanan, hinatid ito ng isa ko pang kuya kasi bumisita siya doon, kaya naman nung pauwi na eh nagpadala ng meryenda. Mukhang mamaya na mag sisipag hapunan ang mga bagets ko kasi nabusog sila sa spaghetti at may kasama pa itong loaf bread yung maliliit lang para siyang pang bata talaga mas maliit siya compared sa usual na loaf bread size…
Noodles Just woke up and I'm having some chills, It's so cold as the rain won't stop even just for a moment. I am having fever again, oh my. I hate this feeling when my head is as heavy as rock. Good thing I have this noodles that hubby bought. I really need this, to have some hot soup. My tummy is happy now and need to sleep again, well, I hope so. Why is it so hard to go to sleep again after waking up in the middle of the night. 🤦 Well I guess I just have to say goodnight…
Magandang umaga from Aling maliit! Kakagising lang ni aling maliit noisefamily and she's in good mood. May pasok ang mga ate at kuya niya kaya naman need na mag gayak. Buti na lang nandito si biyenan ko kasi maaga din ang pasok ni mister kanina. Mabilis lang naman sila ngayon sa school, pinagdadala din sila ng toothbrush at toothpaste. Excited sila pumasok lahat hehe ng sabay sabay. First time lang nila makakapasok ng sabay sabay silang tatlo. After two years ngayon lang…
My big three Tunay ngang ang lalaki na nila, bigla akong napa emote kanina habang kinukuhanan ko sila ng picture. Noon po kasi noisefamily, maliit pa itong aking lalaki at itong isa kong babae kaya ang panganay ko palang ang hinahatid ko. Tapos nung makapag aral na din itong aking dalawa pa, tuwing rest day or pag naka leave lang ako nakakapag hatid sa kanila dahil super grind kami noon talaga mag asawa. Sila biyenan ko ang nagtitingin sa kanila noon pag wala kami. First…
Lunch po tayo! Mongo po ang aming tanghalian, matagal lang siya palambutin pero after lutuin worth it naman siyang ulamin. Alam kong agree kayo lahat diyan noisefamily hindi ba? Sino po dito ang mahilig din sa mongo? Kami kasi kung pwede lang ilang beses ulamin ito sa loob ng isang linggo ay ginawa na namin kaya lang minsan talaga isa or dalawa lang na balot ang nabibili ko. Meron din itong dahon ng ampalay at chicharon ang aking sinahog. Madalas chicharon ang isinasahog…
Malamig na hapon! Maulan nanaman ang hapon noisefamily, nag iisip ako ng uulamin nang makita ko tong si Smigol (second photo) nakatulala sa labas hehe nag iimagine nanaman siguro ng paglabas, or may namimiss lang? At ang Ela naman namin, ayan nilalamig kasi kinuha niya ito sa basket at "shu ot" daw hehe suot daw sa kanya. Ayan at nakapwesto pa. Hehe Nakaisip na din ba kayo ng uulamin noisefamily?
Cutie hotdogs Late na ang hapunan noisefamily, kakauwi lang ni mister ngayon at buti na lang ay hindi ganoon kalakas ang ulan. Nag prito lang ako kanina ng pang dagdag sa natirang mongo kaya ito yung natira sa amin ni mister hehe. Ang mga bata ay nagpapa antok pa din hanggang ngayon at puro mga hyper pa kasi alam nilang bukas ay walang pasok sa school. Naghapunan naba kayo? Kain muna tayo noisefamily, tsaka siyempre di mawawala ang "tara kape"