read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Ang Bilis makapwesto ng Smigol na yan ah! Nagtimpla lang ako ng kape, may naka agaw na agad ng aking pwesto. Great morning furmoms and furdads over there. Kamusta po kayong lahat, aba'y ang aga akong ginuguligol nitong si Smigol kasi hindi nanaman siya siguro makagala, or di niya makuha yung pwesto niya. Kanina pa siya ang ingay ingay niya. Hindi naman siya inaano, tapos galing siya sa kwarto, kinuha ko siya kasi tulog pa si Ela doon. Aba, paglapag ko sa kanya dito sa sala nahiga naman siya sa upuan, nagtimpla ako ng kape, pagbalik ko ayan nasa tapat na siya ng aking mini fan. Namiss niya tumapat siguro diyan, ang lamig lamig na nga siya naman naiinitan. Inagawan pa ng fan yung laptop haha.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.