Cutie sleepyhead Smigol! Habang naka duty ako sa trabaho, akala ko kung anung ginagawa ng mga bata. Hindi sila nag nap kasi nag module sila kani kanina kaya nga sabi ko sige wag na muna sila mag nap. Tapos, narinig ko na sumigaw sila parang patili pa nga, akala ko anu na nangyari, kaloka. Ganito po kasi yun, sabi ng panganay ko, " kasi mama, palagi hinihigaan ni Smigol yung bag ko at module ko na nasa lamesa, kaya ginawan namin siya ng higaan diyan sa ibabaw ng lamesa" Kaya pala sila sumigaw kasi inoobserbahan nila si Smigol kung pupunta ba doon or sa bag pa din ni Missy, tuwang tuwa sila kasi dito humiga si Smigol sa ginawa nilang karton na may latag na tela. Ayan at napasarap ang pwestuhan, may painat factor pa. Ang cute mo talaga Smigol, bumabalik ka nanaman sa pagiging sleepyhead hehe.
2 comments
Success ang mission nila na magkaroon ng new pwesto si sleepyhead Smigol haha kaya super happy sila
Ehehe apaka cute nila momsh...ginawan nila ng paraan si smigol...