Magandang umaga noisefamily! Toratang corned beef po kayo diyan, itong hinanda kong almusal para makapag almusal ng kanin ang mga bata lalo na si mister na papasok sa trabaho. Ngayon lang ulit ako nakaluto nitong corned beef na torta kasi mas gusto ng mga bata yung ginisa lang sa sibuyas. Kaya lang dahil maliit lang itong corned beef ngayon, para magkasya sa kanila ay tinorta ko na lang hehe. Mahal kasi ang corned beef sa tindahan at nasa petsa de peligro kami ngayon dahil wala pa din ang balanse ko sa aking bank account. Sana ay ma process naman ng mabilis after seven days na ma complete na ang request ko. Hindi biro ang mag budget pero mas mahirap kapag wala kang binabudget haha.
1 comment
Tama hahaha. Si inay rin sis naggagawa nyang tortang corn beef, sarap lalo na kapag madaming sibuyan hihi