read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Cheesy Spaghetti! Gabi na pero may blessing pa din, salamat po Lord for another blessing. Kakarating lang ni hubby at tuwang tuwa siya dahil ito may dala syang spaghetti. Alam niyang matutuwa ang mga bata dito. Ang kwento niya sa akin, bago daw siya mag out sa trabaho tumawag ang boss niya. Pagkatawag, sabi ng boss niya dumaan daw sa bahay nila bago umuwi. Ayun may okasyon pala sa kanila at ito ang ipinadala sa kanya, at ang ikinabigla pa ni mister ko, nag abot daw ng 100 pesos pang gas. Ayaw na sana kuhanin ni mister pero nag insist daw si boss niya na pag di daw tinanggap sige daw wag na daw pumasok sa work hehe kaya sabi ni mister ko "sige sir kukunin ko na po". Sobrang bait talaga ni Lord at ang mga tao din na ginagamit niya para tayo ay mabigyan ng biyaya. Salamat po ulit Lord.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.