May bisita ako! Hindi ko alam kung anong klaseng insekto siya kasi ngayon ko lang siya nakita. Ang haba ng antenna niya at medyo makati pag dumikit sa balat. Kasi kanina habang nag ta type ako, nakatingin ako sa laptop, naramdaman ko na lang na may makati sa kamay ko, at tada hehe siya pala yun. Mabilis siya gumapang, kasi pagkakita ko, ginalaw ko yung kamay ko, tumalon siya sa mouse then gumapang na agad diyan nung kukuhanan ko ng picture. Tumalon pa siya diyan sa upuan pero nakatihaya siya bumagsak tapos di niya maibangon yung sarili niya niyan, hehe kaya nilagay ko siya sa papel at inilabas ko na lang siya hehe.
2 comments
Kakaiba ang bisita for today ah, buti nabaliktan at hindi nakatakas haha
Buti di namn po nangagat