Kape muna at kamote! Tara na at magkape noisefamily sa mga nag kakape po diyan hehe. Kakatapos ko lang magsibak nung mga kahoy at sanga sanga na nalaglag kasi pang gatong din yun,sayang naman. Kaysa mangahoy kung ano na lang yung mga ibang mayron dito yun na lang muna. Ipinapangtulong ko sa gasul ang kahoy at uling para tumagal. At nitong mga nakaraan na nag uulan na akala mo eh may bagyo sa lakas, gasul ang gamit namin kaya ayun nag goodbye na siya ng tuluyan, ang lakas kasi ng hangin din kaya ang hirap nun magluto sa labas. Buti na lang ngayong naubusan eh maaraw naman hehe. Salamat po Ama sa pag iingat ninyo sa aming lahat, hindi niyo po kami pinapabayaan. Nakapa simple lang po nito pero laking pasalamat po namin sa inyo Ama. Paano noisefamily, tara kape!
2 comments
Kamote din ako kanina sis at mamaya yan din ang snack ko kasi marami pang natira
Morning swetie! Enjoy and Have a Lovely Day