Tortang talong Tinorta ko na lang ang ilang pirasong talong dito na tira ko nung nakaraan. Natuwa ako sa mga itlog, kasi ang itlog na nabili ko sa tindahan ay 7 pesos ang isa, ang cute hehe. Kaya dito apat ang nagamit ko na maliliit. After ng dinner, ito ngayon nag papa antok na ang mga chikitings ko, pero ang aling maliit, wala sa mood. Wala sa mood matulog, super hyper pa silang dalawa ng papa niya. Kahit maraming kinakaharap na pagsubok, makita lang namin mag asawa ang mga bata na masasaya at walang sakit, napakasaya ng puso namin. Iba talaga ang nagagawa nilang pag papalakas sa ating mga magulang.
No comments yet