Sungkit yarn? Magandang Buhay noisefamily! Happy Saturday! Maaga kaming nag lakad lakad, at dumiretso kila mother earth kanina. Hindi ko alam kung anong sinusungkit nitong mga bata. Sabi ko wala pa naman bunga ang chico na yan. Yun pala meron silang eroplanong papel, ayun, doon banda lumipad. Ang cute nila tignan kaya kinuhanan ko ng picture. Maganda ang panahon ngayon, sana buong maghapon ito. At maglalabas ako ng mga sinampay hehe. Pero bago ang lahat, kape kape mode muna! Tara na!
2 comments
Maganda buhay maagang sungkitan yan hehe
Oo nga eh, haha kasi naman diyan pa nag palipad ayun tuloy haha.