I wanted to express my freedom of writing this article into TagLish (Tagalog-English) as my response to @Zhyne06 challenge in her article Freedom to express what you feel.
But this freedom of expressing self is what I wanted to do in this article which I will try to express my thoughts in TagLish. Hopefully, you will bare with me by this.
DISCLAIMER: This article is not really my experienced, this is my partner's experienced when he loses his parents in a consecutive months last 2017. I asked his permission and he also allows me to share in this platform his experienced.
So, to start with......
Ito na susubukan ko nang mag TagLish....
Nagkakakilala kami ng partner ko ngayon nung nasa 3rd year college ako at siya nasa 1st year college pa kasi nag shift siya ng kurso that time kaya 1st year pa siya nun. Naging magka boardmate kami kasi nung 3rd year college ko may compulsory summer classes kami nun, kaya't napilitan akong mag boarding house nalang imbis na everyday ako uuwi sa amin para naman makatipid din sa pamasahe ko araw-araw. Nung nag start na ang opening classes sa school, of course expected ko na dadami kami sa boarding house kasi balik classes na, during that summer tatlo lang kaming nag occupy sa boardinghouse kami ni gurl @Zhyne06 at yung isa is instructor namin sa school, actually math instructor din namin ni gurl kasi Math majors kami eh. And,yes the start of classes, marami na kami sa boarding house at ka boardmate ko pala ang magiging partner ko. At dito kami nagkakilala, pero ma tagal tagal pa bago naging kami talaga. (I will just make article about us, charot)
Anyways, to make this short kasi pag itutuloy ko kwento namin baka maging 1 hour plus na reading time nito. Gagawan ko na lang ng ibang article kasi marami din kaming pagsubok na magjowa. (jems) Diba gurl @Zhyne06 witnessed ka. (haha)
Kaya ayun, nung naging kami doon ko pa lang nalaman na ulila na pala siya, at magkasunod palang nawala ang nanay at tatay niya within a year at siya at kanyang dalawang kapatid na lang ang nandyan. Syempre, nung naging kami, of course we open up each others stories, kaya noong kinuwento niya sa aking yung storya na patungkol sa kanyang nararamdaman nung magkasunod kinuha sa kanila ang magulang nila batid ko talaga sa kanyang mukha at mata na labis siyang nangungulila sa mga ito. Minsan nga naging teary-eyed pa siya pero hindi niya lang pinapahalata sa akin, pa simpleng smile lang siya para hindi talaga tumulo luha niya pero syempre alam ko kahit di ako ang nasa sitwasyon alam kung sobrang sakit ang mawalan ng magulang at magkasunod pang mawawala. At itong partner ko siya lang naman yung nakakatandang kapatid sa kanilang tatlo kaya nasa kanya ngayon ang responsibilid na maging tatay at nanay sa kapatid niya.
Katunayang nga ay gumawa siya rito ng article, that was already 2 months ago kasi ngayon hindi na siya active rito. Unang article na na published niya rito ay patungkol sa kanyang magulang entitled Ama, Ina, sa inyo ako'y nangungulila...
At ito yung nakasulat sa article niyang Ama, Ina, sa inyo ako'y nangungulila... (Credits to @Junix )
Ama at Ina, sila ang dalawang tao na mayroon ka, taga payo mo upang ika'y maging mabuting tao, taga bigay nang iyong gusto, ang taong gagawin lahat maibigay lang ang nararapat para sa sayo at higit sa lahat, ang taong minsan nang sinuway mo. Sa gitna nang kasiyahang ibinigay nila sayo, minsan mo na rin bang naisip Kung paano pag sila ay na wala sayo? Kaya mo na bang tumayo gamit ang sariling mga paa mo? Paano Kung sila ay kunin sayo nang dakilang taga pag-likha nang ating mundo? Kakayanin mo ba ito?
Alam ba ninyo na ang Araw ay mahigit 148.6 milyon kilometro ang layo nito sa planetang Earth 🌍. At ang liwanag na ibinibigay nito ay Aabot ng 8 minuto bago makarating sa planetang Earth. Kapag ang Araw mismo ang sumabog at nasira, Hindi mo ito malalaman kaagad. 8 minuto pa ang lilipas bago magdilim ng kusa mundo. Kagaya ko, August 2017 nang mamatay ang aking ina at Sept. 2017 sumunod ang aking Ama. Ang pagkawala nila ay d ko gaanong maramdaman sapagkat, ang akala ko ay isang panaginip lang at ako'y nag hahangad na magising sa panaginip na iyon. Lumipas ang mga taon unti-unti ko nang nararamdaman Ang sakit ng pagkawala nila at Hindi ko na sila makikita pa, tatayo at titindig gamit ang aking sariling mga paa. Tatanggapin at yayakapin ang na katotohanang, ako'y Wala nang Ama't Ina. Paano ko ba masasabi sa Kanila na "Ama, Ina, sa inyo ako'y nangungulila" na.
Alam niyo ba, nang sinulat niya ang article na yan, sobrang tagal niyang pinag isipan at natapos yan at ng na published na niya yan, at binasa ko ang akala is mataas ang sinulat niya kasi matagal siyang natapos. Dito ko napagtanto na sobrang hirap ang mawalan ng magulang knowing that hindi pa masyadon matanda ang magulang niya noong mawala ang mga ito. Hinayaan ko nga lang, hindi ko muna kinukulit kasi alam kong para sa kanya mahirap itong sinulat niya at talagang tagos hanggang "bone marrow". Nung nabasa ko ito, talagang sumikip din yung dibdib ko kasi "I really felt him" kaya't niyakap ko na lang siya pagkatapos niya itong mai publish kasi that is the only way I can gave him to hug him kasi batid ko yung pain niya ehh, kahit nung time na nawala parents niya hindi pa ako yung karamay niya. Sayang nga at hindi ko naabutan ang parents niya at hindi nila naabutan ang "grandson" sana nila.
Sabi niya pa nga, sobrang sakit daw kasi magkasunod kinuha, Una yung nanay niya tapos the next month naman sumunod tatay niya. At unexpected and mga pangyayari spagkat't hindi niya raw ito ineexpect. Ito nga rin ang rason kung bakit nag shift siya ng kurso kasi hindi siya nakapasa sa 3rd year sana na level kasi may mga sabjek siyang hindi napasa. Napariwara siya sa pag aaral noon, at nung nagkakilala kami dun lang siya unti-unting umaalis sa bisyo niya. Kasi ayon sa kanya ang pag iinom daw medyo naging way niya para mailibang niya ang sarili niya and nalimutan ang sakit ng pagkamatay ng magulang which also he thought na tama. Nung naging kami, pinakita niya sa akin na may bisyo siya like smoking, pero minsan lang siya uminom nun noong kami na, yung pagsisigarilyo lang yung medyo hindi niya mawala wala that time. Pero, I told him na ayaw ko sa mga ganyang vices kasi ang usok niya ay isa sa mga maka pag trigger ng allergy ko. Well, I was happy kasi matagal na siyang hindi nagsisigarilyo at hindi umiinom up until now. I just felt he changed himself because of me and of course to our little one. Dapat lang naman kasi that is what a responsible dad is. Palagi ko siyang ni reremind nun na, I hate vices specially smoking, at nakikinig naman unti unti niyang binabawasan ang pagsisigarilyo up until natigil na niya ito.
Well, and masasabi ko lang... hindi madali ang mawalan lalo na kung mga magulang mo pa at hindi mo ini expect na mangyari iyon that time in same year. Ako nga na wala sa sitwasyon sobrang nasaktan, paano pa kaya ang nasa ganyang sitwasyon talaga just like sa partner ko. Mahirap siguro, hindi pala siguro, Mahirap talaga.
Sa ngayon nga hindi maiiwasan na mababanggit niya ang mga memories nila ng magulang niya sa akin, pinakikinggan ko lang siya at minsan nga hindi na nagsasalita at sasabihin niya lang sa akin "GIMINGAW NAKO NILA, BENG" (namimis na daw niya magulang niya). At sasabihin pa niya kung magiging masaya kaya daw ba magulang niya kapag nakita nila ang apo nila. Well, sagot ko naman bakit hindi? Magulang ko nga sobrang saya ehh, sayo pa kaya.
Diba? This were just some of the thoughts about missing someone na sobrang mahalaga sayo. At ang magulang natin ang pinaka mahalaga sa lahat, kasi pag wala sila ay wala rin tayo rito sa mundo.
Kaya, Losing both parents is really an unending grief.
~end
I would like to send my regards and thanks to my sponsors @nheng1118 @Eunoia @Cineholicand to @Eybyoung. My unending thanks to all of you and more power also to all your articles.
To the upvoters of my previous article entitled When I thought I'm Lost, to @OfficialGamboaLikeUs also again to @Cineholic and @Eunoia
Maraming salamat!!!!
Lead image source: https://www.nursebuff.com/prayers-for-the-departed/
This is emotional writing. Keep up the good work maam.