Ama at Ina, sila ang dalawang tao na mayroon ka, taga payo mo upang ika'y maging mabuting tao, taga bigay nang iyong gusto, ang taong gagawin lahat maibigay lang ang nararapat para sa sayo at higit sa lahat, ang taong minsan nang sinuway mo. Sa gitna nang kasiyahang ibinigay nila sayo, minsan mo na rin bang naisip Kung paano pag sila ay na wala sayo? Kaya mo na bang tumayo gamit ang sariling mga paa mo? Paano Kung sila ay kunin sayo nang dakilang taga pag-likha nang ating mundo? Kakayanin mo ba ito?
Alam ba ninyo na ang Araw ay mahigit 148.6 milyon kilometro ang layo nito sa planetang Earth 🌍. At ang liwanag na ibinibigay nito ay Aabot ng 8 minuto bago makarating sa planetang Earth. Kapag ang Araw mismo ang sumabog at nasira, Hindi mo ito malalaman kaagad. 8 minuto pa ang lilipas bago magdilim ng kusa mundo. Kagaya ko, August 2017 nang mamatay ang aking ina at Sept. 2017 sumunod ang aking Ama. Ang pagkawala nila ay d ko gaanong maramdaman sapagkat, ang akala ko ay isang panaginip lang at ako'y nag hahangad na magising sa panaginip na iyon. Lumipas ang mga taon unti-unti ko nang nararamdaman Ang sakit ng pagkawala nila at Hindi ko na sila makikita pa, tatayo at titindig gamit ang aking sariling mga paa. Tatanggapin at yayakapin ang na katotohanang, ako'y Wala nang Ama't Ina. Paano ko ba masasabi sa Kanila na "Ama, Ina, sa inyo ako'y nangungulila" na.