12DWH: I'll Be Your Sunset If You'll Be My Silhouette July 9, 2021 **12 Days With Him: Bella** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-bella-6699963e **12 Days With Him: Aksidente** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-aksidente-215b58a8 **12 Days With Him: Hawak-Kamay** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-hawak-kamay-163548e1 **12DWH:Harana** https://read.cash/@Jane/12dwh-harana-f535ed09 Dumampi ang malalambot niyang mga labi sa akin. Marahan, na nagpakawala ng mga paro-paro sa aking tiyan. Maya-maya ay pumakawala siya at mahinang sinabi... "*Huwag mo na akong bibiruin pa, at baka sa sunod ay hindi ko na makontrol pa ang aking sarili kapag kasama kita*." Napalunok na lang ang gaga at hindi alam ang ipinupunto niya. Inayos namin ang tent na walang gusto magpakawala ni isang salita. Hanggang sa patapos na kami at nagkasabay magbigkas ng... "*Sorry*." Sabay naming bigkas. "*Expression lang naman yung*..." Hindi ko na itinuloy pa sabihing bakla at baka ano pa gawin niya. "*Sorry too for kissing you."* Sambit pa nito. Ang awkward ng sitwasyon. Pagkatapus magligpit ng tent ay kumain kami ng umagahan sa cafeteria sa tabi ng dagat at saka isinauli ang tent sa shop.
Naglakad-lakad muna kami sa isla at nagpunta sa iba't-ibang souvenir shops. Sa paglabas ko ay aksidente kong nabunggo ang isang babae. Medyo malaki ang tiyan nito, siguro ay buntis. Pinulot ko ang nahulog na dala-dala nito at humingi ng patawad. "*Sorry. Here.*" Sabay abot sa kanya ang gamit niya. "*It's okay. Thank you*." Ang ganda ng smile niya at maganda rin siya, sexy parin kahit buntis. "*Honey. Are you done*?" Tawag ng isang pamilyar na boses sa babae. Lumantad ang pamilyar na mukha sa harapan namin at ito ay umakbay sa buntis na babae. "*Oh Jane. What are you doing here?*" Sabi nito sa akin. "*Jane? You mean, the lady you've meet here before*?" Curious na tanong ng buntis. "*Yup. My....ex.*" "*Nice meeting you Jane*." Sabay yakap sakin ng buntis. "*Rey told me stories about you before. I hope you are doing fine now*?" Tanong nito sa akin. Hindi ko alam ang isasagot dahil parang hindi pa nakarehistro sa utak ko ang mga pangyayari. Nakatitig lang sa akin si Rey na mas lalong nagpapakaba ng aking puso. Biglang may umakbay sa akin at hinalikan ako sa noo. Napatingin ako sa katabi ko, at iyon ay si John. "*Yeah. She's good. I'm John by the way*." Abot ng kamay nito kay Rey para makipagkamay, pati sa kasama nitong buntis. "*Her boyfriend*." Dagdag pa nito. Tiningnan ko ito at sa isip ay tinanong ko siya "*anong boyfriend pinagsasabi mo?"* At mukhang nahalata naman niya. "*You're lucky to have her man.*" Sabi ni Rey at tinapik niya si John sa balikat. "*Yes, I am. And thank you for breaking her heart, leaving her alone, and now she's mine*." Wala na ako maisagot pa. Para akong pepe na hindi makapagsalita. Sa tuwing ibubuka ko bibig ko ay si John ang nagsasalita. Hinawakan pa nito kamay ko. "*Oh great. So do you want to go with us, eat and have fun*?" Tanong ni buntis. Sa pagkakataong yun ay hinila ko kamay ni John para pigilan siya sumagot sa tanong ng buntis. "*No. We're heading back to our hotel, to eat, and have fun*." Napasmile si John sa sinabi ko at nagustuhan naman ng loko. "*Sure. Sure. Nice meeting you again Jane*." Sambit ng buntis. Nagpaalam na kami at umalis na magkahawak kamay. Sa kalayuan ay bigla na lang kami nagpakawala ng malakas na tawa na dahilan na pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. "*Anong boyfriend pinagsasabi mo*?" Tanong ko sabay tawa. "*Anong hotel pinagsasabi mo? Sa gilid ng dagat nga lang tayo natulog kagabi*." Tawang-tawa si John sa pinag gagawa namin. "*Baliw. Huwag kang maingay at baka marinig nila."* Sabi ko sa kanya na natatawa parin. Bigla itong nagseryoso. "Nakita mo ba mga titig ni Rey sayo?" Tanong ni John. "*Oo naman. Kaya nga hindi ako makatingin sa mga mata niya."* Sagot ko. "*Ano ba talaga nangyari*?" Tanong nito. "*Last year ng makilala ko siya sa isang bar sa Central."* *"Nag bar ka*?" Malakas na tanong nito. Pinagtinginan ulit kami ng mga tao. *"Patapusin mo muna ako gago."* *"K.fine. Makagago to wagas.* " "*Isinama ako ng kaibigan kong si Anne sa bar okay? at doon ko siya nakilala. Kaibigan ng boyfriend ng kaibigan ni Anne. Arrange marriage si Rey at Maria, yung buntis na kasama niya. Naglayas si Rey dahil ayaw niya ikasal kay Maria, kaya pumunta ng Hong Kong. Nagkarelasyon kami pero kinailangan niya bumalik ng England. Hindi ko nabasa mga mensahe niya dahil busy ako sa mga panahong yun. Tinanong niya ako kung papayag ako na manatili siya dito at ako pipiliin niya, kung hindi ako sumagot, aalis siya at wala siyang choice kundi ikasal kay Maria. At yun nga, umalis siya. Pero huli na ang lahat nung nabasa ko mensahe niya. Pero kanina, naramdaman kong mahal niya si Maria. Siguro ay napamahal na siya dito at binuntis pa nga niya. Tanggap ko naman na. Kaso may sugat pa."* Pagpapaliwanag ko. "*Ang babaw ng rason*. *Gusto mo tahiin ko ang sugat?*" Tanong nito. "*Palabiro ka talaga."* Sagot ko. *"Seryoso ako."* *"Seryoso din ako. Ano, hindi pa ba tayo uuwi? Hindi pa tayo naliligo at nagpapalit ng damit."* Alam ko ang punto niya pero iniba ko. *"Huwag muna. Dito lang muna tayo. Speaking of ligo, tara beach tayo. Balik tayo sa hotel. Sa beachside hotel."* Natatawang sabi nito at natawa na lang din ako. "*Let's eat and have fun honey*." Pagbibiro ni John. "*Let's go boyfie*." Sagot ko at natawa kami pareho. Bago kami pumunta sa dagat ay bumili muna kami ng damit. Siya ay pumunta sa Baleno at ako naman sa botique na katabi nito. Pagkatapus ay kumuha ng mga litrato sa tabi ng dagat bago maligo.
Parang mga batang nagtampisaw sa gilid ng dagat, naghabulan, batuhan, kwentuhan, at inilibing ko pa siya sa buhanginan. Pagkatapus ay saka lumusong sa malalim na parte ng dagat. Tinuruan pa nga niya akong lumangoy, dahil sabi pa niya, langoy ko raw ay parang langoy ng aso. Pagkatapus maligo ay nananghalian sa isang stall na puno ng streetfoods, tapus ay pumunta kami sa lovelock house at bumili siya ng kahoy na hugis puso, pinintahan niya ito at isinabit sa rihas na pader ng lovelock house.
Nagawa pa namin magkarera gamit ang bisiklita sa likod na parte ng isla. Maghahapon na ng napagpasiyahan naming bumalik sa pyer at baka maiwanan na naman kami ng ferry. Sobrang saya ko sa buong araw, kahit nakakapagod ay sulit naman. Sa pyer... "*Nasiyahan ka ba*?" Tanong niya. "*Oo, sobra*." Sagot ko. "*Ako din*." Ngumiti ito. "*Kelan balik nila tita*?" Tanong ulit nito. "*Sinong tita*?" Tanong ko. "*Amo mo. Family friend namin sila at parang kapatid na rin turing ko kay Lam at Him. At minsan ako tumatambay sa bahay nila. Wala ka pa nun*." Paliwanag nito. "*Malamang. Bakit di mo sinabi agad? Kaya pala dali mong nakapasok sa gusali namin nakaraan. Five days from now balik nila."* Sagot ko. Bigla itong natahimik at nalungkot. "*Ang ganda ng sunset*." Biglang sabi nito. Napatingin naman ako sa deriksiyon ng araw at ang ganda nga nito. "*Tara sa pantalan.*" Aya ko sa kanya. Hinila ko kamay niya papuntang pantalan. "*Pumunta ka sa bar diba? So marunong ka sumayaw*?" Tanong nito. "*Oo naman. Gusto mo sayaw tayo dito*?" Pagbibiro ko sabay angat ng aking kanang kamay na aaktong parang sasayaw na balerina.
Maya-maya pa ay nagpakawala siya ng kanta.
Napahinto kami sa paglakad at nagkatinginan. Ang lalim ng hugot ng kanta niya na tila ba ay may pahiwatig na dala.
Hindi sa hindi ko alam ang ibig sabihin ng kanta, pero mas mabuti pang hindi na lang malaman pa. Hanggang saan aabutin ang istoryang to? Kahit ako ay hindi alam ang sagot. Ang mahalaga ay masaya akong kasama siya, at alam ko darating ang araw na malulungkot na naman ako. Sadyang ganun ang kapalaran, mapait, mapagkait. "*Let's just enjoy the remaining days together."* Huling mga katagang sinabi ko sa kanya, bago kami magpalaot sa karagatan pauwi sa aming mga tirahan. Sa gabing iyon, walang iba sa isipan ko kundi ang bawat kataga ng kanta. Puno ng mensahe, mensahing masakit, pero kakayanin ko ba? Ipagpapatuloy... I'm not a fan of the song and I don't like the melody either, but I like the lyrics. Here's the video of this song.. https://youtu.be/g2N9KdedEEo Hinaluan na talaga ng English π€£ Hindi carry ng bangs na pure Tagalog. Lol. Three more chapters and we're done π. Abangan.. Salamat sa oras.
58 comments
Hahaha! Awit! Sana all na lang! π
Mahilig siya umawit.. lol
Waaaaah. Kinilig ako, natawa at medyo nalungkot. Huhu. Happy ending ba 'to? Hahaha
Tingnan natin π€£
Bat kaya parang nalungkot si john? Pero ang cute ng eksena na andun si rey hahaha sobrang aliw
Naalala mo pa ba si Rey? π€
Oo sis yung nakasayaw mo sa bar ππππ
Haha.. naisama rin sya.. lol
galing nga ng pagkapasok eh ahahaha
Dun pa yan sa sinehan.. siya yung kinausap nya ssalabas.. at nakita nya sa labas ng restaurant π€£
hahaha hindi agad pumasok sa isip ko na si rey yun na kasayaw mo hahaha
Haha.. now you know
Wey... teka teka my bumalik na ala-ala, charrπ ... sa bar? Db meron kng sinulat nito dati... hayyy nagdurugtong na.. book na thisπ
Haha.. yun na nga π€£π€£
You guys are in sync. See the way John took over when Rey appeared and though a lie- what you said about going to the hotel and having fun will surely send a message to him that you've moved on (which i believe you are doing gradually). 3 more episodes?πππ Which the story doesn't end anytime soon.
π€£π€£ coz it's too long if I will put all in one article.. lol
Hahaha Natawa po ako Don sa part na kausap Ni jane si rey at yung buntis π galing din naman ni john ei hahaha nakaka tawa yung pag sabi ng hotal e sa gilid lang ng beach natulog kagabi hahahaπ kinikilig talaga ako sa Story na to π₯° Ang sweet may pag Honey at Boyfie na .
Haha.. salamat sa pagbasa.. sana totoo nlng si John π€£π€£
Kaya nga po haha pero Magkakatotoo yan Soon ππ
I am happy yet sad at the same time. It is my first time reading and I land in this chapter. I would definitely read sa mga naunang chapters. I feel inlove on your story Jane π₯° I do hope the last chapters would be a happy one.
Basahin mo pra marelate mo yung episodes π thanks
Tapos na binasa ko agad pagtapos ko dito π Binasa ko nga din ulit tong episode na to π para continue Ang storya sa imahinasyon ko.. π₯° I definitely love it miss Jane.
Salamat π
Your most welcome βΊοΈ
May patutunguhan ang kwento :D Waiting sa next chapter :D
Lage may patutunguhan mga kwento sis π€£
haha true. Awesome ending yung syo, hopefully :D
Ehhhhhh, andun talaga ang kilig ee pero feeling ko talaga totoong storya mo tu hahaha, wahahaha. Pero seriously, bukod sa naka all smile ako while reading this, wala ding stop sa pag roll ang mata ko wahaga. At isang malaking SANA ALL π€§π
Haha.. bitter.hanggang dto lng ako kinikilig eh π€£
puro kilig nung huling article then roller roaster here. Daming emotions. hehe. masaya lang then biglang lulungkot then sasaya then biglang malungkot. Ramdam ko yung sakit then naalala ko yung story mo about Rey. hehe. ang galing kasi nagamit mo yun dito.hihi. ang ganda lang talaga ng pagkakasulat. nect chapter pls.hehe
Haha.. buti naalala mo pa...salamat sa.pagbasa π
eh paano nanghihinayang ko dun sa love story niyo ni Rey kaya naalala ko. hehe. ewan ko ba kahit fictional lang pag ganung story medy may kurot sa akin .hehe
Hmm bat kaya sinabi ni Jane kay John na "Let's just enjoy the remaining days together". Aalis ba sya. π€
Siya or ako? π let's see
Luh luh luh. Parang totohanan ang ending tapos aalis ung guy tapos sasabihin ni girl, stay with me. Wahahaha π€π€£ Sana alllll
Haha...tingnan natin..
Why do I feel.like this will end in a sad way? Like that *"TWELVE"* Days. It entails some kind of a limit. Are their times together ending soon? Urgh!!! Sa dami nang nabasa kong angst sa mga online reading apps, natatakot na ako sa mga masasakit na ending! Wag naman sana.. huhuhu.
Huhu.. 12 days lng eh.. but let's see. π
Hala may "Huhu"... Ibug sabihin, sad talaga π€§
And thank you for breaking her heart, leaving her alone, and now she's mine. Butterflies !!!! woah daebak,..and asan yung sa inyo na lock yung peace love joy? bakit parang ngayon pa lang nasasaktan na ko s mga mangyayari? anubaaaaaaaaaahhhhhhhhh??? gusto ko nang happy ending Jane!!!!!!!!!! hahaha chozzzzzz
Sorry, napaskip ako sa ilang parts nauna ko pang basahin to, pero uy pang pocket book tlga Jane jusme, yung ngiti ko abot tenga. π
I love the story. Even in the ending is no confession. They cherish the time they've been together. They enjoy every moment, laughing, talking and holding hands while walking. β€οΈ God bless.π
It's not done yet.. this is a series
Ah.. okay , can wait for the next sis Jane..β€οΈπ
kung nageexist man ung poreber, mukhang sa kwento mo nato makikita HAHAHAHA
Walang forever π€£
wag ganon kahit dito umaasa ako AHAHHAH
Haha.. let's see
di ko talaga kaya ang pure tagalog article.. kahit nga comment eh..hhehe
Haha.. Kayanin mo may two parts paπ€£
More comments