Anong ganap sakin kahapon? (Yesterday's Blog)
For today's bidyooow guys charot. So ayon hindi ako nakapag blog kahapon dahil sa sobrang pagod at sakit na ng paa ko. Medyo madami din namang ganap kahapon dahil lumabas kami nila Ate ko. Nag-aya siya sa tanghali at sobrang naiinis ako kasi mag aaya siya eh hapon na ang init-init pa naman din kahapon.
So eto, balak ko sana ngayon na isummarize yung mga ganap kahapon na diko na kwento sainyo ngayon. Gusto ko sana siya ipublished sa English kaso mas maganda kapag tagalog nalang muna tayo kasi kagigising ko lang at baka di na ako makapag publish nanaman maya maya dahil busy ulit.
So ayon, eto na sisimulan ko na.
Kahapon, nag-aya yung ate ko na pumunta ng CB Mall Urdaneta para kunin yung passport nila. Nag-ayos na kami tapos sabay labas na. Nag lakad kami mga alauna na ng hapon tapos dumeretso kami doon sa Western Union para kunin yung pinadala ni Mama para sa birthday ng ate ko. Nagpadala kasi siya ng konti pang salo-salo na meryenda lang sa 23.
Naiirita ako kasi sobrang sakit na ng paa ko, wala pang maupuan doon mahaba pa naman yung pila do'n. Kaya naisipan kong mag picture-picture na muna kami nung pinsan ko pampalubag naman ng sakit ng paa at may magawa kami habang nag-aantay.
Eto yung picture ng pinsan ko. Paburito ko talaga siyang pinipicture'an kasi ang ganda ganda niya. Ang kaso nga wala di kami pwede mag alis ng facemask kaya ganyan ko nalang siyang pinicture'an. Mabuti nalang din at madali nalang kunin yung pera kaya di na kami nag antay pa ng matagal.
Pagkatapos namin kunin yung pera, nag-usap kami ng ate ko. Sabi niya, Hindi na kami matutuloy na pupunta pa sa Urdaneta kasi pinagalitan yamg pinsan namin na yan dahil sa damit niya. Ayaw ng Mama niya na nagsusuot siya ng ganyan kami pa napagalitan. Eh, sinabihan ko naman siya ang kaso kasi itong batang bubuwit na to makulit. Hayyy... kaya sabi ko sa ate ko na doon nalang kami sa may Mang Inasal dito sa'min para kumain ng pananghalian kasi di pa kami kumakain. Pumayag naman siya at gusto din ng mga bubuwit kaya sumakay na kami ng Tricycle at pumunta doon. Pagkarating namin don, nagpili na kami ng mga makakain tapos nag hanap na kami mg mauupuan.
Tapos ito na din kami after waiting sa pagkain. Kita mo galit yung isa dyan kasi napagalitan nakabusangot na tuloy. Kaya tawa kami ng tawa kahapon at mas lalo pa siyang umiyak.
Ngapala, nakadalawang kanin ako dito ha. May halo-halo pa nga akong inorder kaso di na kaya nung botones ng short ko yung tiyan ko kaya mas pinili ko nalang na itake out yung halo-halo HAHA
Pagkatapos naming kumain, nagbabalak kami magtingin-tingin ng mga damit kaso may take out kasi kaming pagkain kaya di kami makakapasok doon wala din yung guwardya kaya nagdesisyon nalang kaming pumunta sa park sa hapon at kaya umuwi nalamg muna kami.
Pagdating nung hapon, mga bandang alas-kwarto na yun nung naisipan naming pumunta na sa Park. Gusto ko sana iwanan 'tong cp ko kasi low bat na at ichacharge ko. Kaso wala ako gagamitin pang pictyur kaya dinala ko nalang din. Pag-dating namin sa park, madami din namang tao. Gusto ko sana pumunta sa Streetfood stalls kaso wala ako makasama busy sa pag lalaro agad agad yung dalawang bubuwit. Habang naglalaro yung dalawa, bangayan naman kami ng kapatid ko. Syempre, boring ang buhay kapag walang away magkapatid. Diba?
Napagod silang maglaro kaya nag pictyur na kami kaagad. Mga alas singko na din ng gabi yun tapos mag aalas sais na din kaya naisipan na naming umuwi. Balak nga sana namin mag milktea kaso sabi ko KKB kasi ayaw ko manglibre since, wala din ako pera sa ngayon.
Kaya pumunta nalang kami sa may Mercury Drugstore para bumili ng nga gamot para itinda sa tindahan nila. Naubusan na daw kasi sila ng stocks. Tapos ayon na nga, bawal kami pumasok sa loob kaya yung ate ko nalang pumasok tapos nag antay nalang kami doon sa may Labas at sobrang sakit nanaman sa paa ang mag-antay.
Eto yung dalawa na bubuwit habang nag aantay, nanunuod ng tiktok videos. Oh diba, kahit asa labas, tiktok padin? Hay... Buti nalang at nakita kami ni Kuyang guard sabi niya may upuan pala sa may gidli, at inis ako kasi diko nakita 'yon! Jusko.
Bukas na lahat ng ilaw 'non nung tapos na kami mag antay sa wakas! Tapos naglakad nanaman kami, pumunta kami sa may Tyange kasi bibili daw yung pinsan ko nung shorts nya. Tapos na siya sa may Crop-Top ngayon naman shorts! Nakuuu... sinasabi ko sainyo, wag niyo pagtiktokin mga anak nyo kasi malaki ang Impluwensya niyan sa mga anak nyong babae kung ano ano binibili. Mura naman mga damitan doon ang kaso lang diko alam if ano bibilhin ko. Bibili sana ako ng pajama kaso wag nalang madami nako padjama sa bahay hirap din maglaba ng ganun kaya bumili nalang din ako nung T-shirt. Nagandahan kasi ako sa kulay.
Oh diba? Ang cute. Haha alam ko meron din sa shopee to pero pinili ko nalang din bumili kasi naawa ako sa Matanda na naglalako sa edad nya na yun.
Pagkatapos magbili, bumili kami ng ice cream. Hanati kami sa bayad nung Ate ko yung Coffee flavored na ice cream binili ko at sobrang sarap nung ice cream na yun di ko na need mag timpla ng kape pagkadating ng bahay nila.
So ayon, naglakad na kami pauwi. At pag uwi, knockdown na ako, bilis ko makatulog sa sobrang pagod. Kaya ayon lang at tapos na.
Salamat sa pagbabasa. Mamaya pala ay uuwi ma kami pabalik. Miss na miss ko na yung mga pusa at aso ko doon, Lalo na si Zebra. :(
My Previous Articles:
Personality Test: This is the second part of the test
Read.cash Writing: This is the highest price of BCH I earned in just one month+1 year anniversary
Personality Test: Let's try to know my MBTI Type
Bingo Card: What are you doing to address your Mental Health?
Kung nandyan ako, isa rin ako na magreklamo na masakit ang paa 😂. Bilis ko pa naman din mangalay.
Na-mimiss ko tuloy mag inasal kaso nahiiya ako lumamon mag isa. Need ko din kasama para naman kahit papaano di sakin focus yung mga makakatabi ko sa upuan, chos hahaua