Maaga akong nagising kasi maaga ang pasok sa work ni mister ngayon. Two days syang di nakapasok dahil sa ubo at sipon. Alam nyo na medyo mahigpit sa mga company ngayon, bawal kahit simpleng ubo at sipon. Actually di pa sya totally okay pero kailangan ng pumasok at naka-rest day na ang partner nya. Huwag naman sana mapauwi. 😅 Naipagprepare ko naman sya ng packed lunch nyang "easy prito" lahat, shanghai saka chicken nuggets. Pero sa mga kids di ako agad nakapagluto. Di ko maisip ano na naman iprepare sa kanila. Syempre ayaw ko naman na laging instant or process food. Naisip ko nga maghanap ng isda at buti paglabas ko kaunting lakad lang may dumaan na naglalako. Swerte ang ateng nyo di napagod! 😁 Nakabili ako ng tilapia, dalagang bukid at galunggong. Matagal-tagal na ding supply ito! Nagising si Elyzz at yung 2 tulog parin. Sya ang pumili na dalagang bukid ang iprito ko ngayon. Kaya eto nagluluto pa lang ako. Late na ang breakfast namin. Kayo ba kumain na? Gandang umaga. 💚💚💚
4 comments
Get well soon sa hubby mo sis, for sure gaganahan iyun sa pagkain ngayon dahil ang pe fresh ng fish hihi
Pang ilang ulaman na din yan sissy, good choice naman ang dalagang bukid ni ate Elyzz. Namiss ko ang mga bebe na yan sissy!🥰
True yan sis! Tatlo lang niluto ko pero good ba saming mag-iinga hanggang lunch time. Tipid mode on. Hehe
Me and my friend also going for fishing today congratulations you have many fishes