Naku naman talaga! Nalinisan na sila kanina dahil naglaro nga sa buhanginan.. aba nagpalipas lang ng ilang minuto nakabalik na agad. Aigoo! Hehe! Gawain nila sa umaga ang mag-feeling nasa beach. Ayaw ko sana ng ganyan syempre nga e marumi pero sabi naman ng mister ko ay kailangan naman ng mga bata yan. Sabi nga nila e, "Hayaan mong maglaro ang bata..". Kaya ayan na po sila! Madalas din mag-ala "SpiderMonkey" sa pag akyat sa gate. Nagsimula sa mababa hanggang kinakaya na sa tuktok. Pero syempre bantay sarado natin at mahirap na. Parang yung batang natulungan ko sa school. Naupo sa bakal na bakod at tumaob. Natulala ang nanay nya at buti naman nakakilos agad ako. Thanks G! gasgas lang ang inabot ng bata sa pagkakahulog. Laging bantayan ang mga makukulet na alaga. Hehe. 🥰
3 comments
Hindi pa kasi nila alam ang kahinatnan ng kanilang ginagawa, tayo naman mga nanay ay takot sa aksidenteng pwedeng mangyari.
True yan mommy. Kung iisipin ko naman nung kabataan ko mas malala pa nga kasi inaakyat ko puno. Palibhasa ngaun mga bata laging nasa bahay lang. Di na din ako nasanay na ganyan sila.
totoo yan sis talagang maya maya eh babalik lang din sila kaya matagal tagal silang di nakakahawak ng kung anu anu pag tulog lang talaga eh haha