Malamig ang gabi kaya napasarap ang tulog. Tinanghali na! Hehe. Wala ding pasok si mister at nagfile sya ng leave para mag-asikaso ng permit sa mga gagawa sa bahay. If may extra time parin mamaya e bibili na din kami sa mga kulang sa school supplies ng mga bata. Nakabili na si mister kahapon pero marami parin kasi ang kulang. May mga leftover food pa kami from last night, monggo guisado saka pritong tilapia. Kaya di na ako nagluto ng ulam pa. Eto nagtoast na lang ako ng tinapay na bagay na bagay naman sa kape. Tara mag-almusal na muna. 😊
3 comments
Dami nyang nagaasikaso ng mga school supplies, salamat na lang talaga dahil F2F class na super energetic na ng mga student
Hello sis goodmorning, haay naku kami din nga nag iisip pa, paano ang mga kulang na school supplies nila hehe medyo talagang sobrang nagipit kami.
Kami din sis nagkasabay sabay ang gastusin gawa din kasi ng sa bahay. Di naman pwede hindi ipagawa kasi di safe sa mga bata kaya di kami makalipat pa. Sabayan pa na f to f na agad sa Monday which is iniexpect ko na blended parin pero hindi na pala. Daming requirements.. dalawa palang etong akin pano pa yang mga chikiting patrol mo. Hayst buhay.. pero kakayanin natin yan, makakaraos din.