read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Before kami lumipat dito sa new house plano ko mamili ng mga flowering plants para mailagay dito sa bakuran. Syempre iba kapag may mga halaman diba? Nakakarelax lang.. nakakapagpaganda ng mood ang magaganda at makukulay na mga bulaklak. Nang umuwi dito ang nanay at tatay ko ang pasalubong nila sa akin ay mga tanim nilang "gulay". Why not?! Mas praktikal nga naman! Maganda din naman sila sa mata at take note, "Mabubusog ka pa". Hehe. Kaya namili na din ako ng mga seedlings ng iba pang mga gulay. Kumpletuhin natin ang gulay sa bahay-kubi. Hehe Kangkong, talbos ng kamote, siling pangsinigang, luya, dwarf guava, lemon at bell pepper. Yung malunggay sana mabuhay pa. Ang gulayan sa aming bakuran! 😁 Gandang umaga sa lahat.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.