It's been a while since I last visit and posted here. Three weeks na pala agad ang nakalipas! Medyo nahirapan lang ako sa pagka-overthinker ko. Most of the time tinatry ko na lang pakabusy. Nai-stress kasi ako kapag di ko mafigure out kung ano ang next plan ko. I always wanted na ahead of time naise-set ko na mga kailangan or nakalatag talaga ng ayos ang plan. Pero ngayon kasi wala akong choice, di makapagdecide at lalong di makakilos. Kamusta naman kayo? Kakatapos ko lang sa tambak na labahin at kakahiram ko lang din ng cp sa junakis ko. Nasira nga din pala etong phone ko at nagbootloop nung nakaraang araw. Naihard reset ko and good thing na nag okay. Naback up ko naman sa laptop mga important files ko pero di ko pa naitransfer ulit dito sa cp ko. Gandang gabi sa inyo. Nakaluto na ba kayo? Ako hindi pa, pahinga lang kaunti at pagoda na ako. 😅
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Isa ka sa pinaka namimiss ko dito sis, alam mo naman ang chikahan natin sa buhay buhay natin hanggang sa mga chikitings natin. Sana sissy ay kung ano man ang ikina ka stress mo, sana ma solve na at ng lumuwag luwag ng kaunti yung bigat na nararamdaman mo. Mahirap yung hindi ka makakilos, I feel you pero alam kong kayang kaya mo yan sis. Sending hugs!🤗🤗
Uy ang sweet! Namiss ko naman talaga ang chikahan natin. Nastress lang ako sis at kailangan na namin makalipat bago magpasukan. Di na kasi kami pwede magstay dito at gagamitin na din ang house. Although naturnover na yung bahay na nakuha namin e may ipapaayos pa. Tapos less than 2 wks na lang.. Sakit sa ulo mag-isip.. 😅
Aw, kaya naman pala sissy, talagang stress kayo ni hubby mo niyan sa nangyari. Pero kamusta na ngayon sissy? I mean kung hindi pa kayo makakalipat sa naturn over na na bahay ninyo, mag rerent muna kayo pansamantala?
It's been a while sis, hope everything is fine sa side nyo po. Take a rest sis!