Muntik na talaga akong maiyak!
2 bagong polo ni Bertt at 1 bagong dress ni bunso nahawaan! Hinandwash ko kanina pero wala naman nahawa sa kanila. Di ko nabanlawan agad kasi umulan. Ngayon na magbabanlaw ako napansin ko na naghawa na.
Lahat na ng powdered soap pati liquid soap. Kahit shampoo and conditioner nagamit ko na. Last time may nagturo sakin na shampoo daw. Nagwork naman sya dati pero eto ayaw.
Salamat sa youtube university!
Eto pinapakuluan ko at mukhang nawawala na yung color stain. 😭
Kakastart ko pa lang sa first load ko. Tanghali na nakapagstart ng labahin kaya goodluck naman kung anong oras na naman ako matatapos.
Kapag closing shift kasi si mister mas doble ang asikasuhin sa umaga. Mas okay na closing shift kasi tulog pa ang makukulit kong anak kaya mas marami na akong natatapos na gawain sa umaga.
Tara po munang kumain. Dami ko ng gutom!
Kailangan ng maraming energy bago sumabak sa tambak na labahin. 💪
Time for dinner!
Kakatapos lang maligo ng mga bulilits kaya ready na para sa hapunan. Mukhang mapapadami ang kain nila dahil di naman nakapag-snack kanina.
After magising sa afternoon nap nila nagyaya agad na lumabas at magplay. Kanina lang ulit sila nakalabas kaya sinulit na naman nila. Nagsabi na din agad sa akin si Elyzz na magpiplay sila ulit bukas. Nag "yes" naman ako at bakasyon naman!
Pork nilaga ang ulam, tara po kain na. 😊
Items received!
Medyo kinabahan pa ako na baka hindi umabot sa "thanksgiving" ng mga anak ko. This Saturday na kasi sya tapos ang approximate date of delivery nito ay Friday.
Lakasan lang ng loob kasi never pa ako na-fail sa delivery ni Shein. Laging 1 to 2 days before ng delivery date.
Happy ang puso ng nanay kapag nakakabili ng needs ng mga bebes. Ok na ako sa freebie na pouch. Haha! 😍
Done with our first punch listing! May mga minor repairs lang kaming ipapagawa and as per Engr. naman is within 2 weeks matatapos nila. After that kapag oks na oks na pwede na iaccept ang unit! Yey! 🎉
Gustong gusto na namin makalipat para before sana magstart ang next SY settled na kami. Maaga ang start ng klase ngayong taon at alanganing umabot. Still thankful parin! Sa wakas kitang-kita na ang naging bunga ng pagsisikap ni mister. 😍
Salamat G sa mga blessings! 🙏
Isda is life!
For real yan sa mister ko. 😅
Nabudol na naman ng napakaraming accessories! Pang 3rd tank na nya yan! Nagsimula sa 5gallons na nag-upgrade sa 10gallons. Ngayon 33gallons na!
Next time mag-aquascaping na din daw sya. Bumubwelo pa yata! Haha. Wala namang problem dahil sya din naman nagset ng rules nya na "Pet mo linis mo"!
I super agree naman. 😉
I was craving for something salty and spicy kaya nag-open ako ng Clchicharon. Gumawa ako ng sawsawang suka na maanghang at may bawang. Okay sya pero parang di masatisfy ang taste buds ko. Why o why?!😅
Bakit nga ba sa panahong maulan e laging ginugutom ako. Kayo din ba o ako lang? Hehe.
Laging may gusto kainin at di ba malaman kung ano. Enebeyen!
Kape na lang tayo. 😉
Pork lechon paksiw with Mang Tomas sauce!
Mapapa-unli rice na naman sa sarap!
Wala na munang diet.
Kapag may foods edi kumain ng kumain.
Kapag walang pagkain saka na lang magdiet. Haha! 😅
Tara pong mananghalian! 💚
P.S.
Phone cam ni mister ginamit ko (iba watermark) at di ako makaextra sa cellphone ko. Gamit ng mga bulilits. 😁
Ready na ang aming breakfast!
Very pinoy ang aming agahan ngayon. Magfried rice pa dapat ako kaya lang baka lalong mapadami ang kain. Kailangang magbawas ng very very slight! Hehe. 😅
Waiting pa ako na magising ang aking mag-aama. Mukhang napapasarap ang tulog at malamig. Makulimlim ang langit at di pa nakakasikat ang araw kahit 8am na.
Makapagkape na muna habang naghihintay.
Gandang umaga sa lahat. 💚
'Yung habang nagpo-fold ka ng damit tapos may nakitang "for repair"!
Naubos ang oras ko sa pag-stitch ng waistband ng short ni Elyzz. Ginamit nya 'to ng final rehearsal nila for Moving Up tapos biglang nagloose sa kanya. Natanggal ang pagkastitch ng elastic sa loob.
Kaya nag-slit ako sa wrong side ng waistband at super mega hila ang garter! Tinahi ko ulit both ends! Baka sa super chubby chub-chub ng panganay ko e hindi nya kayanin i-hold. 😅
Ngayon balik pagtutupi si Inday. 😁
Second Sunday na ang Children's Worship Service ay balik na sa mga kapilya. Finally na-allowed na! Still with strict compliance sa mga health protocols. 👍
Hinatid na ni mister ang dalawa pero naiwanan ang aking bunso at late na sya gumising. Di pa ako nakapagprepare ng breakfast at galing din kami ni mister sa pagsamba ng madaling araw. Bumili na muna kami ng pandesal.
Sabayan lang ng kape ay solved na!
Tara po mag-agahan.
Happy Sunday to all. 💚
Ang sabi ko lang naman kanina e "hindi ako magpo-fold" ng mga sinampay ko. Pero wala akong balak kalimutan na may mga sampay ako.
Nabusy ako sa kusina sa pagluluto ng chicken caldereta for our dinner. Umulan ng malakas at nabusy din ako sa kaka-mop sa kusina dahil nakakapasok ang tubig.
Promise, ngayon ko lang naalala ang sampay ko. Ayun nabasa yung iba. Aigoo! 🥺
Napakaworth it ng lahat ng hirap at pagod!
Sobrang sinulit ng dalawa kong bulilit!
Sharing you a picture from their Moving up ceremony last Tuesday. 😍
Totoo na 'talaga, bakasyon na!
Hindi ko nafeel ang pahinga sa whole month of June sa daming ganap sa school. Nasali kasi sila sa CBEA exam at grabe ang naging sched ng review. Sinabayan pa ng last sets of module then naging daily ang practice for moving up pati sa doxology at napili pa silang dalawa na magperform. ♥️
Kahapon ko lang din natapos ang mga natambak na labahin. At kahit matuyo sila later e plan kong dedmahin muna. Parang mahahati na ang katawan ko, ang sakit sa likod e!
Pahinga muna si Inday. 😂
Sakto na nakatapos ako ng labahin bago bumuhos ang ulan. Problema na lang ang pagsasampay. 😅
Nagluto ako ng spaghetti para sa snack ng mga bata. May half pa akong pasta na natira noong birthday ni mister. Niluto ko ang 1/4 at kami lang naman ang kakain.
Nakapagmeryenda na ba kayo?
Tara kumain at magkape. 💚
Maulang gabi sa lahat!
Maulan pero sobrang maalinsangan.
Dyan din ba sa inyo? 🤔
Ready na ang aming hapunan!
Ang niluto ko ay ang all time favorite ng aking mga chikiting - chicken adobo with potatoes. Iba talaga ang sarap ng adobo kapag may bay leaf (laurel). Minsan kasi nalilimutan kong bumili nyan kaya ng minsan makakita ako ng store na maraming tinda nyan e dinamihan ko na ang bili.
Mahirap kasi kapag may memory gap na!
Kadalasan kung ano lang available sa kusina ko e 'yun na lang 'yun kaysa lumabas pa. 😅
Groufie pagkagising!
Happy yarn sila at pahinga sila ngayon. Wala silang rehearsal for moving up kasi may seminar ang mga teacher. Next week na ulit magreresume ang practice nila.
Samantalahin ang pahinga para makagawa naman sa bahay. Sobrang pagod din naman maghatid at magsundo at minsan pa nga maghintay ng 3 hours sa school. 😂
Grabe init! Kauuwi lang namin mag-iina galing sa school. May doxology practice para sa moving up ang mga baya kaya tambay kami ni bunso habang naghihintay.
Di na kami umuwi kasi sayang pamasahe kapag pabalik-balik. Nagdala na lang ako ng upuan para may magamit kanina ang bunso ko. Nakahanap naman kami ng super gandang spot na pwrde pagtambayan doon sa ilalim ng puno ng ipil at malapit sa rice field. Di ramdam ang init kasi napakalakas naman ng hangin.
Yung pag uwi naman ang super sa init talaga kasi ang layo ng nilalakad papuntang terminal ng trike. Daming pagod. 😅
Half day lang daw si mister ngayon at possible na on the way na. Nagluto ako ng picadillo para sa pananghalian. Petsa de peligro na kaya 'yan na ang medyo special na pwede kong mailuto sa natitirang stocks ko sa kusina.
Araw nya ngayon at wala naman akong maireregalo at wala din ako pambili kahit cake man lang. Poorita ang ateng ngayon! Okay lang at magagawaan naman ng paraan. Hehe!
Maraming supplies na fudgee bar at brownies ang mga alaga ko. Kaunting creativity e pwede na! Di ko lang alam kung masarap ba?
Feeling ko super tamis nya. 😅
Simple lang pero for sure maaappreciate nya lalo na at mga anak nya ang mag-aabot sa kanya.
Happy Father's day sa lahat ng magigiting na "Ama ng Tahanan". ♥️♥️♥️
Finally this is it na talaga!
Bakasyon na! Nasubmit ko na kahapon ang last 3 sets ng module and activity sheets ng mga bata. Tapos na din kahapon ang CBEA exam nila. Dapat 2 days of exam naging 1 day na lang.
Nakakatuwa na makakapahinga na din ang mga bata. Napagod sila sa 3 days na face to face review tapos pag-uwi napakarami pang module at acitivity sheets ang kailangang tapusin. Medyo naawa nga ako dahil pagdating ng hapon plastado talaga sila.
Tara kain!
Yellow fin adobo nga pala ulam namin. 🤗
"Moon bread" ang hiningi ni Erynn for snack! "Moon bread" ang tawag nya sa nutribun. Ang kyut diba! Kinakain nya yan without any filling or spread. Masarap naman kasi talaga kahit walang palaman.
Narinig ko na nagtatawanan si Elyzz at Bertt. Ayun naman pala si bunso ang pinagtatawanan! Paano nakatulugan na ang nutribun nya! Mukhang nakakahabag ang itsura.
Napagod sa kakalaro.
Nilinisan ko ng dahan-dahan para di magising. Baka kasi pagpyestahan ng langgam. 😅
Hinatid ni mister ang 2 papuntang school! May review sila for assessment exam. 6 students silang representative ng class nila. From 8am to 11am ang review then mamayang 1pm naman may meeting ang PTA officers para sa nalalapit na moving up ceremony ng mga bata.
And yes, it's physical na! Pero syempre hinati sa 3 ceremony para masunod parin ang health protocols natin! Kailangan parin ang dobleng pag-iingat.
Si kulet Erynn lang ang naiwan sa akin ngayon. Ang aga manuod ng nursery rhymes at ito pinapakain ko ng fave nyang champorado. 😁
Good morning sa lahat! 💚
Lumabas ako kanina para bumili ng chicken at nag-iisip ako kung ano ba ang iluluto ko for lunch na hanggang dinner na. Aalis kasi ako para sumamba mamaya so wala na akong time to prepare for dinner.
Pagdating sa bilihan nakabili naman ako whole chicken for 249Php. Di ko masyado gusto ang gulay doon kaya hindi ako bumili. Masyadong mainit kaya di na ko lumipat para bumili ng pangsinigang kaya dahon ng laurel na lang binili ko at decided na akong mag-adobo na lang.
Pag-uwi nagtanong ni Bertt kung ano lulutuin ko, sabi ko nga e adobo. Sabi naman ng aking si pogi ay sinigang ang kanyang gusto. Wala akong nagawa kundi lumabas at bumili ng pangsinigang! Tinamad ba naman ako kaya nadoblehan pa tuloy ako ng lakad. 😂
Magandang tanghali!
Tara pong kumain! 💚
School's Ayuda!
2 weeks na lang tapos na ang klase. May scheduled date na nga din ang moving up ng mga kiddos pero may another ayuda ulit. Sobrang nakaka-happy lang. Lahat ng bata binibigyan at walang pinipili.
Unlike noong panahon ko once in a whole school yr lang tapos yung mga kulang sa timbang lang ang pakakainin. Kung di ako nagkakamali during nutrition month lang 'yon.
Enhanced nutribun, fresh cow's milk at iron fortified rice. Salamat po! 🙏
Clean and fresh na ang munting dalaginding! 😍
Tamang-tama maihahabol ko pa sa aking labahin ang mga damit ng tatlong chikiting. Sarap sa feeling na mae-empty ang laundry basket kahit pa nga super sandali lang. Haha!
Late na ako nakapagstart maglaba kasi nagmodule pa ang dalawa ko at nagperformance task din ng skipping countings. May isa pa kaming di naacomplished na story telling. Pwede na yun mamaya!
Maglalabada muna si inday. 😅
Creamy chicken sopas!
Ready na ang meryenda ng mga chikitings!
Highly requested ito ni Bertt at Erynn. Habang si Elyzz ay iba naman ang gusto. Wala naman syang magagawa at 2 against 1. Kumakain din naman sya nyan pero hotdogs lang. Hehe.
Oh sya tara!
Kainan na ulit at magkape na din. 💚
Breakfast time!
Medyo late at walang pasok si mister ngayon. Dumaan kami ni Elyzz sa grocery bago ako nagluto. Nakapagpromise ako sa kanya na isasama ko sya ngayong umaga. Kaya ayun maaga sya nagising at hinayaan ko sya pumili ng gusto nyang bilhin para sa snacks nilang magkakapatid.
Kaya eto kakatapos ko lang magluto at ngayon pa lang kami mag-aalmusal. Nagagalit na tuloy mga alaga ko sa tiyan.
Tara po!
Kain na muna para may energy sa maghapong paggawa. 💚
Ang aga ko naiprepare ang ulam namin for dinner - tinapa at pork giniling sisig pero wala pa akong sinaing. After ng post ko na 'to e makapagsaing na baka makalimutan ko na naman. Ilang beses na din nangyari sa akin yan na kakain na at ready na ang ulam pero wala palang kanin. Haha! Maiready na din ang sliced kamatis at yan ang perfect match sa tinapa.
Nakabili ako ng 2 packs ng daing at 2 packs ng tinapa na parehas galunggong. 1 pack lang yang niluto ko at kasya na sa amin! Dapat 1 lang bibilhin ko kaso wala panukli si ateng naglalako kaya inapat ko na, pwede naman kakong iref yan. 😉
Nakaluto na din ba kayo?
Gandang gabi sa lahat. 💚
Tick-tock, Tick tock ⏰
Nag-announce pala si teacher ng Performance Task ng mga bata kahapon and to be submitted today kasabay ng pasahan ng module. Sobrang busy naman ako kahapon dahil laundry day ko. Hindi ako nakasilip man lang sa group chat and super confident naman ako na wala ng gagawin kasi usually before start of the week ina-announce na mga activities.
Tuesday pa lang tapos na kami sa module kaya more on English reading kami nakafocus. Kaya ang gulat ko na need pala gumawa ng clock! Hating gabi nag isip na ako ng materials na pwede namin magamit. Wala akong mga boxes at kakadisposed ko lang. Buti naalala ko marami kaming unused na laminated plastic na pangface shield. Mga na-issue kay mister sa work.
Kaya paggising mga bata at after magbreakfast ay dali-dali kami sa paggawa. Natuwa naman ako sa kinalabasan! Pati si teacher natuwa din!
Tada!
Instant project. 😉👌
Bawal umiyak! :D
Kinasal kami ni mister ng civil at ang plan namin ay mag-church wedding once makaipon but then nabago ang priorities ng dahil sunod-sunod ang mga anak namin. Andun parin naman 'yung plan na 'yan pero inuuna lang namin na makasettle kami sa sarili na naming bahay. Gusto namin na habang lumalaki ang mga bata ay may sarili na kaming bahay.
At ayun nga lagi ng trending at katuwaan ng mga netizens sa SocMed na may sumpa ang pag-iyak sa kasal! Di mo naman sila masisisi kasi 'yun ang common factor sa kanilang lahat. Syempre di naman tayo naniniwala sa ganun pero pagnagkakabiruan kami ni mister e yan ang number one na ibinibilin ko. "Huwag na huwag kang iiyak!" Hahaha!
:))
Natapos na ang pictorial session at nakauwi na din! 550Php ang package na pinili namin para may kasama ng frame. Pagdating sa school nag-asked pa si teacher if gusto pa namin ng extra shot. Sabi ko hindi na lang. Okay sana kako kung kumpleto kami para family picture na.
Nagpakita ng sample at maganda nga! Naisip ko since kasama si bunso e kumuha na lang para kasali din sya. Bale 2 extra shots, silang tatlo tapos ang isa pa ay kaming mag-iina. Kaya additional 100Php at inabot ng 1200Php ang binayaran ko. Ang gastos! Hehe!
Super kyut at naenjoy naman nila ang very quick pictorial. Nagtry ako magtake ng picture nila bago kami umuwi pero wala naman akong kuhang maayos silang tatlo.
Laging may isang nakapikit. Aigoo!