Thirty minutes before ng labasan sa school ay naalis na ako ng bahay. Di naman talaga kalayuan ang school from our house kaya lang napakahirap makasakay. Kung may service nga wala pa sigurong 5 minutes ang travel time. Hindi na baleng sumobrang aga ako kaysa naman malate ako ng dating at mag-iyakan ang mga junakis ko. Hehe. Palabas pa lang sila ng gate ng school ay sisilip silip na at nagkakandahaba ang mga leeg kakahanap sakin. Ganun siguro talaga at naninibago sa way of schooling. Matagal na natengga ang mga bata sa bahay e. As usual maaga parin ako at tambay sa waiting shed. Tamang selfie lang para macapture ang malalagong malunggay sa likod. Sanaol! Naalala ko ang tanim namin na 50-50 pa sa ngayon pero sana naman mabuhay pa. Sabi naman nila as long as sariwa pa yung jatawan ng puno e sisibol parin naman. Sana nga, crossfinger! ♥️
No comments yet