Magandang umaga! Nakapagpa-araw na ang aking mga girls and it's "taho" time. Pawisan pa sila at kakapasok nga lang sa bahay pero nagmamadaling lumabas ng marinig si Manong magtataho. Halos maitulak na ako sa pinto sa pagmamadali nila. Aigoo. Hehe. Si pogi ko napag-iwanan at tulog na tulog pa. Pero syempre binilhan ko din at mas marami pa 'yung kanya kasi sya talaga ang malakas kumain nyan. Si mister preparing na sa pagpasok at ako naman e feel ng magkape. Coffee is life syempre! ☺️
No comments yet