To my non-Filipino friends, this is going to be a Filipino article. I'll be captioning the photos in English.
August is our "Buwan ng Wika" or the month where we celebrate our national language, Filipino. So in relation to that, I will do a post in Filipino to celebrate Filipino Language Month.
To my non-English friends, do you have a day or a month dedicated to your language?
Hindi ako sanay na magsulat ng blog o sanaysay (?) sa wikang Filipino. Nabasa ko yung post ni LucyStephanie tungkol sa Buwan ng Wika kaya ninais ko din na magsulat sa Filipino.
Pagpasensyahan nyo na po dahil hindi talaga ako sanay.
Dahil sa wala ako maisip na isulat, nag tsek ako ng mga lumang litrato na sa aking fb. Tiningnan ko kung ano ang pwede ko ilagay dito na mga larawan. Nung meron pa akong DSLR, gumawa ako ng folder sa fb kung saan inupload ko ang mga kuha ko ng bawat buwan.
Pagtingin ko sa folder ng buwan ng Agosto, dalawang larawan lang ang laman.
Ang unang larawan ay isang halaman na hindi ko matandaan kung ano ang pangalan. Kuha ko yan pagkatapos ng ulan at muling sumilip si haring araw. Nikon ang gamit kong camera noon at ginamitan ko eto ng 35-mm na lente. Nagustuhan ko ung "bokeh" na tinatawag. Eto ung parang bilog sa likod ng bulaklak.
Ang pangalawang larawan ay kuha naman ng 18-140 mm na lente. Nakita ko ang mga patak ng ulan sa ibabaw ng isang dahon na eto at yun ang ginawa kong subject (di ko maalala kung ano ang tamang salita para sa subject - paksa?). Binago ko na lang ang kulay neto at ginawang black and white para mas lalong tumingkad ung mga patak ng ulan.
Yan lang ang laman ng aking folder ng Agosto. Minsan kasi nagbubura ako ng mga litrato dahil pakiramdam ko di maganda ung mga nakalagay dati dun kaya ko binura. O kaya naman ay masyado nang luma kaya ko binura. Buti may naiwan pa. Ang mga larawan na yan ang kuha pa noong 2014. Mukhang maulan din ang buwan na yun gaya naman ngayon.
Dahi kulang un dalawang litrato lang, ilalagay ko na din ang mga kuha ko sa buwan ng Hulyo.
Ang Cafe Veniz ay isang cafe na madalas tambayan namin. Pinapanood lang ang mga tao at sasakyan sa labas. Minsan inaabot kami ng ilang oras. May unli na kape sila dito kaya gustong gusto ko din dun tumambay. Nagbabasa kami ng dyaryo at nililibang ko ang sarili ko sa pagsagot sa mga crossword puzzles.
Ang larawan na yan ng Pina Colada ay kuha sa Cafe Veniz. Isa yan sa mga inumin nila doon. Nakailang Pina Colada na rin ako dun. Ayoko lang un cherry dahil di ako mahilig. Yan at strawberry ang mga ayaw ko kainin kaya pinapatanggal ko na lang un cherry. Maraming ako nagustuhan jan na pagkain nila gaya ng chicken cordon bleu at apple pie ala mode. Gusto ko din un chicken salad nila at mga pasta. Kaso nag iba ang serving nila dahil hindi na ganun kasarap at minsan kukunti na lang ang serving di gaya ng dati kaya hindi na kami madals pumunta jan. Namimiss ko ung pagsagot ng crossword puzzle.
Etong larawan na eto ay entry ko para sa isang patimpalak sa isang grupo ng mga photographers sa fb. Ang paksa ng patimpalak na yun ay "selective color." Wala akong naisumite na larawan noon pero naalala ko lang siya kaya habang nasa Cafe Veniz kami isang araw, dito ako nagpokus. Ilang oras din ang inantay ko para lang makuha ang larawan na eto. May mga ibang kulay pula pa siguro sa larawan na eto pero hindi ko na yun binigyan ng pansin. Dito lang sa dalawang taong eto ako nagpokus. Pwede akong kumuha ng litrato ng kung sino man pero parang walang masyadong kwento pag ganun. Nung nakita ko na may paakyat at may pababa na naka pula ng sumbrero, di na ako nag isip pa at kinunan ko agad eto. Nung ineedit ko na to, pinagisipan ko kung isasama ko bang kulayan un polo un lalaking pababa o hindi? Pero sa huli, kinulayan ko pa rin at yan na ang naging resulta.
Ang lead image at ang huling litratong eto ay parehong kuha sa Puguis Communal Forest. Yung lead image ay pitcher plant pero hindi pa sila namukadkad. Ganyan ang itsura ng tropikal na pitcher plant. Marami yan dito sa amin lalong lalo na sa Mt. Yangbew. Madalas kaming maglakad sa Puguis Communal Forest. Nung nag-aaral pa ako ng kolehiyo, nagtanim kami ng mga puno dito kasama ang mga kaklase ko ang buong departamento namin. Nung nagttrabaho ako sa isang kumpanya (kasama sila Bloghound, Jaytee at crazybeautifulfurmom), nagtanim din kami ng mga puno dito. Ilang taon din nakaraan nung bumalik ulit kami diyan pero di ko maalala kung nabuhay pa ung mga tinanim namin na puno. Nakailang balik pa kami jan kasama ko un aking partner. Sarap kasi panoorin ang paglubog ng araw jan. Masarap din tumambay jan dahil ang daming ibon at maraming magagandang mapicturan.
Yung larawan ng aso na yan ang kuha ko isang araw palabas na kami ng communal forest. Maraming aso sa may gate. Dati rati wala naman gate pero ewan kung bakit sila naglagay. Yan na ata ung huling punta namin jan sa communal forest. Mabait yang aso na yan di tulad nung iba kasi nanghahabol sila kaya kelangan dahan dahan sa paglakad.
Matagal na yung huling bisita namin jan. Sana makabalik ulit kami. Malapit na lang kami jan kung saan kami nakatira ngayon pero ni minsan di pa kami nagawi sa communal forest.
At dito natatapos ang aking Filipino na sanaysay. Meron pa ring mga English na salita dahil di ko alam kung ano ang katumbas nya sa Filipino.
Salamat sa pagbabasa at sa suporta. Muli, maligayang Buwan ng Wika!
Ganda nung selective color... ayos sir!