read.cash Log in
@unknownymous19

@unknownymous19 in July 2022

@unknownymous19

A while ago, I have watched a video about MANIFESTING! I just want to share something about the things I've taken down notes to start this month a fruitful one. It says that manifesting is purposely creating what we want and what we desire - wealth, health, own home, soulmates/relationships, peace of mind, etc. How to manifest? 1. Be clear on what you want. 2. Pay attention to your thoughts. 3. Take action on what you want - be disciplined and responsible. 4. Keep your vibes…

@unknownymous19

Sabado...ang araw ng aking paglalaba ngunit ngayon kaharap ko ang aking mga lalabhan. Kaunti lang naman ito kung kayat nilabhan ko na at para bukas ay isasampay na lang. Dahil bukas magkakaroon ng power interruption dito sa amin mula ala - sais ng umaga hanggang ala - sais ng gabi. Halos labindalawang oras na walang supply ng koryente. Nasanay na kami sa ganitong set up na kung saan may schedule ng power interruption. Mayroon namang abiso kung kayat makakapaghanda ngunit…

@unknownymous19

Kapag may schedule ng power interruption dito sa amin, halos ng tao pumupunta sa mga mall para magpalamig, ang init naman talaga kase eh. Bukod diyan tuwing weekend ay bonding time ng magpapamilya at magkakaibigan. ☺️ Kanina kasama ko si mama pumuntang mall. Bukod sa magpapalamig ay may kailangang bilhin. Habang paalis na kami ng mall, nakasalubong namin ang fur baby na makikita mo sa larawan. Matagal ko siyang tinitigan kase ang kyut-kyut at ang behave siya. Hindi siya…

@unknownymous19

Magandang Umaga! Nais ko lang ishare ang tipikal na eksena tuwing kakain na dito sa amin. Siya si Em-Em ang bunso sa magkakapatid. Lagi siyang nakaabang sa pagkain at marunong na rin siyang magpaawa ng kanyang mukha para bigyan namin siya. At talagang maaawa ka naman. Kaya lang kapag nabigyan na, gusto pa ring humingi. Titigil lang siya kapag wala na siyang makitang pagkain sa mesa. Siya ang pinakamatakaw sa tatlong bubwit sa bahay. Silang tatlong magkakapatid ang HAPPY PILL…

@unknownymous19

Magandang umaga po! Ang sarap lang sa pakiramdam na makatanggap at maalala ka ng taong nagbigay nito. Kahit sa simpleng paraan lamang ay maipakita na mahalaga ka. At ganoon din ang gawin mo sa iba. Hindi naman mahalaga kung gaano kaliit o kalaki ang ibinigay sa iyo basta naalala ka. Isa na ito sa mga bagay na dapat mong ikalugod sa Kanya (sa Poong Maykapal). Salamat po sa nagbigay nito. 😁

@unknownymous19

Hayy nakuuu! Eto na naman po sila. Ang hilig nila sa power interruption! Noong nakaraang linggo ay brownout tapos bukas nakaschedule na naman ang maghapon brownout dito sa may sa amin. Nagtitipid ka nga ng paggamit ng koryente ngunit pataas naman ng pataas ang bill. 😔 Ang init na naman tuloy bukas. 😕

@unknownymous19

Saktong 8:30 nawalan na ng koryente. Babalik ng 5:00 ng hapon. Mainit na naman maghapon. Mapapalaban ang "paypay" skills ko neto. 🤣 Ilang oras lang naman ang hihintayin sa kanyang pagbabalik *koryente*. Yung iba nga di na bumalik at nagparamdam pa. 😆 PS. NaGHOSt ka na ba?

@unknownymous19

Pabago-bago talaga ang panahon ngayon, kaninang umaga ang init tapos ngayon ang lakas naman ng ulan. Pero kahit ganun thankful pa rin kase di na ako magdidilig ng halaman mamaya pag-uwi. At saka nabawasan ang alinsangan dala ng brownout dito sa amin. PS. Nakadagdag ng antok ang ulan, ansarap tuloy matulog. 😅

@unknownymous19

I was scrolling on my Facebook account when something caught my attention - random questions to ponder. I want to answer them one at a time in my available time. I just wanna share my thoughts and how I felt about it. I'm happy to share it with you, my newfound friends. Good night!

@unknownymous19

ML or WATTPAD? I would choose Wattpad. I come to know it way back in 2013. Are you familiar with e-books? Diyan nagsimula ang interest ko sa pagbabasa online ng iba't ibang stories kung saan nagsisave or nagbubluetooth pa ako noon para lang magkaroon ako ng kopya nito. Ang ilan sa pinakatumatak na stories sa akin ang mga sumusunod at ilan sa mga ito ay ginawang sereies o movies - She's Dating the Gangster, Three Words, Eight Letters: Say it and I'm Yours, Break's the…

@unknownymous19

Sino ang gumamit nito NOON? Graphing notebook, isa ito sa requiments noon sa high school sa asignaturang SIPNAYAN (Mathematics) bago mag-umpisa ang pasukan. Dito na namin sinusulat lahat ng mga aralin at assignments maging ang mga seatworks. Hindi ako kasing talino ng iba pero di ko itatanggi na hilig ko ang magsolve ng mga equations at problem solving. Ginaganahan kase ako kung makukuha ko ba ang TAMANG SAGOT, kung hindi naman ay mayroong TRIAL AND ERROR method kung saan…

@unknownymous19

Usaping SPORTS! Sino ang IDOL mo sa larangan ng Sports na VOLLEYBALL? Ang volleyball o balibol ay isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin.[1] Nagsimula itong maging bahagi ng opisyal na programa ng Summer Olympic Games noong 1964.…

@unknownymous19

Eto ang eksena namin kaninang umaga. Alas sais ng umaga ang online work ng kapatid ko, tumigil lang siya sandali at kukuha ng makakakain para mag-almusal. Pagtindig na pagtindig ng kapatid ko ay siya namang pag-upo na aming makulit na alaga. Ginawan tuloy ng script ng kapatid ko: Em-em: Mommy, magwowork na po atu! *base sa unang larawan* Kapatid: Dapat ayusin mo ang work mo para may sahod tayo. Em-em: Juk lang po, hingi lang po ako ng food! *sabay tingin sa ulam namin na…

@unknownymous19

Are you okay right NOW? Heto ang tanong na minsan di ko agad masagot kase ang pagiging OKAY ay di lang nabibilang sa isa - andiyan si physically, mentally, emotionally and spiritually, etc. For me, that NOW represents the PRESENT. May nabasa ako, di siya eksakto pero ito yung sinabi doon, ... and quote, "If you're living in the past, you're DEPRESSED." "If you're living in the future , you're EXHAUSTED." "But if you're living in the present, you're at PEACE." Sa araw-araw,…

@unknownymous19

Congratulations GRADUATES 2022! 👩‍🎓👨‍🎓 Sa lahat ng magtatapos ngayong taon, ang pagtatapos ang isa sa pagkakataon na natapos na naman ang isang taon ng pag-aaral at tutuntong ka na sa panibagong yugto ng iyong pag-aaral para sa susunod na taon. Sa ngayon hayaan mong bigyan ang sarili mo ng isang mahigpit na yakap dahil napagtagumpayan mo ang pakikibaka sa pag-aaral sa gitna ng pandemya. Lalong - lalo na sa mga guro at magulang na walang sawang suporta. 🤗 Magandang Umaga sa…

@unknownymous19

11:11 Dalawang beses kong nasulyapan ang oras na yan. Kagabi bago matulog at kani-kanina lang. May nais kayang iparating? EWAN ko pa sa ngayon. Ang sabi daw ng iba at nabasa ko maaari ka daw magwish at pwedeng magkatotoo, depende sa wish mo. Dahil wala pa naman akong ginagawa, nagsearch ako at gusto kung ishare ang nalaman ko. Ang 11:11 daw ay konektado sa spiritual awakenings, intuition, revelations and new beginnings. Karamihan sa atin, nagwiwish tayo ng taimtim na ikaw…

@unknownymous19

TGIF! Natapos na naman ang buong linggo ng pakikibaka. Ngayong weekend bigyan ang sarili ng pagkakataong makapagrecharge, makapagrelax at bumawi ng tulog. Dahil di mo namalayan, MONDAY na naman ulit. 😁 Ingat sa pauwi na at uuwi palang. PS. 2 minutes pa bago ang uwian KO. 😆

@unknownymous19

Andito ako ngayon sa aking 🛏️, sunod ng sunod sa akin ang mga 🐕at halik ng 😚 sa akin. Alam na alam ko na ang galawan nila. Pakainin ko na daw sila kaso pinapalamig ko pa ang kanilang kakainin. Di na makapag-intay at gutom na. Oh siya mamaya ulit. 😆 Yang nasa kaliwa si Tata at ang nasa kanan naman ay si Nana. Si Em-Em ayon sa kusina. 😅

@unknownymous19

"When you are HAPPY, you enjoy the music and when you are SAD you understand the lyrics." Ano sa tingin ninyo? Para sa akin, ito ay may katuturan. Kapag masaya ang isang tao, lahat ay para bang kay gaan, nakangiti lagi at ang mga kantang pinakakikinggang mga kanta ay maganda sa pandinig dahil sa kasiyahan. Tipong walang ibang iniisip kundi ang sayang nararamdaman. Sa kabilang banda, kapag naman malungkot o may pinagdaraanan parang lahat ng pinakakikinggan mong kanta ay TUGMA…

@unknownymous19

MANI Matamis, maanghang, salted at nilaga - ilan sa mga iba't ibang luto ng mani. Ayon sa nabasa ko, maituturing na "Food for the Brain" ang mani. Bukod diyan, may iba't ibang benepisyo ito sa ating katawan. Narito ang link kung nais mong malaman ang benepisyo. https://ph.hair-action.com/kalusugan-at-kabutihan/29-kamanghamanghang-mga-benepisyo-ng-mga-mani-mungfali-para-sa-balat-buhok-at-kalusugan/ Hilig ko na talaga ang pagkain ng mani, noon kase parati nagluluto ang mama ko…

@unknownymous19

INIT O ULAN? Iba na talaga ang klima ngayon. Noong mga nagdaang araw, matindi ang ulan at baha sa iilang lugar. Kailangan lagi dala ang payong o kapote para sa protection. Mainit na sabaw ang panpawala ng ginaw. Ngayon matindi ang sikat ng araw, para kang napapaso. Walking distance lang naman ako sa bahay at working place ko pero dama pa rin ang tirik na araw. Kung maaari ay magsuot ng sunglass para hindi maging mahapdi sa mata ang init at tubig for dehydration. Kaya dapat…

@unknownymous19

UNBIOLOGICAL SISTERS She is a sister from ANOTHER mother. She is NOT RELATED by blood. Yet she shares a deep CONNECTION with you. She is a TRUSTED friend. She is a steady COMPANION and supporter. She got your back when you are alone. She is always by your side no matter what. She is there for you to listen. She can see the VULNERABLE side of you. You can LAUGH with her. You can CRY with her You can do SILLY things with her. You can DREAM with her. You can be PLAYFUL with…

@unknownymous19

Umagang-umaga, bumuhos na agad ang malakas na ulan. Makulimlim ang kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin. Ang sarap tuloy matulog pero kailangan bumangon na para pumasok sa trabaho. Pahirapan na naman ang commuters nito sa paghihintay ng masasakyan. May mga lugar na naman babahain. Kung sakaling patuloy ang ulan, sana ay di ito lumakas pa. Magandang Umaga sa lahat!

@unknownymous19

Dahil walang tigil pa rin ang ulan, kailangan ng pampainit, walang kape so hanap kami sa labas. At yun nga LOG-LOG ang nahanap. Mas lalong sumarap dahil libre ng aming butihing principal. Hehe. Tara KAIN po tayo. 😋

@unknownymous19

SIYA ang unang taong... nasilayan ko pagmulat pa lamang ng aking mga mata, nasilayan ko rin ang ngiti at halakhak mong kay saya, nagparamdam ng wagas na pagmamahal hindi lang sa salita pati na rin sa gawa, nagbigay ng proteksiyon at kalinga sa gitna ng hamon ng buhay, nagbigay ng pag-asa at tiwala sa iyong kakayahan, nagbigay ng pangaral at aral ng buhay na siyang panghahawakan mo sa araw - araw, naging responsableng haligi ng pamilya, sa abot ng kanyang makakaya, inuuna ang…

@unknownymous19

Happy Weekend po! Maganda ang panahon ngayon. Araw ng paglalaba ko ngayon. Sana tuloy - tuloy na ang mainit at maaliwalas na araw na to upang mabilis matuyo ang mga labada. Nagkapag-almusal na rin kaya may energy na para sa mga gawaing bahay. Magandang Umaga sa lahat! ☺️

@unknownymous19

WOF | Never lose a childlike within you! 🥰 Kakauwi ko lang, nagkita kase kami ng isa ko pang kaibigan sa kolehiyo. *most friendly na ba?* Nagkita kami sa isang mall dito sa amin. Mahigit tatlong taon din noong huli naming pagkikita. At dahil kasama niya ang kanyang pamangkin, agad na pinuntahan namin ay ang WORLD OF FUN para sa mga bata at young at hearts. Hihi. Pansamantala munang naming kinalimutan ang mga responsabilidad sa trabaho at bahay. Paminsan - minsan ay kailangan…

@unknownymous19

Magandang Umaga po sa lahat! Naway ang maghapon na ito ay maging matiwasay. Give thanks to the Lord! 🤗

@unknownymous19

Magandang Umaga po sa lahat! 🤗 Kuha ko po ito kaninang alas - sais, kagigising pa lang po namin. Sina Tata, Em-em at Nana ang aming malalambing, cute at makulit na mga aso. Jan po talaga ang pwesto nila pagbukas palang ng pinto - nakiki-CHIKA na po sila sa labas ng bahay. Mabuti po at nakisama kase pag-alam nilang kinukuhanan ko sila ng ritrato, nagsisialisan. Haha. 😅 Have a nice day ahead po sa atin. 🤗

@unknownymous19

Maulan na tanghali! Mabuti na lang at nakauwi na ako ng lumakas ang buhos ng ulan kung hindi basang - basa naman ako neto. Kaya hindi ako nawawalan ng payong sa bag dahil di mo alam kung kailan iinit at uulan. Bibiglain ka na lang ng di oras. 🌧️☔ Kain po ng marami. 😋

@unknownymous19

BUGHAW NA LANGIT Kaygandang pagmasdan ang bughaw na langit, Mga ibong nagliliparan sa himpapawid, Maririnig mo ang kanilang pag-awit, Oh kay gandang umaga ang hatid. Magandang Umaga sa lahat! #CHOOSEDay

@unknownymous19

Nakikita niyo ba ang nakikita ko? Saan kaya pupunta ang aming si Em - Em at bihis na bihis? Ngayon kase ang schedule para sa vaccination at siya na lang ang wala pang bakuna sa magkakapatid. Kasama niyang umalis ang kapatid ko para pumunta sa vet sa centro. Yung dalawang kapatid niya na sina Tata at Nana ay naiwan. Ayon sa naiwan sa bahay, umiiyak at gustong sumama. Nagtataka siguro at nagseselos kase di sila kasama. 😆 Skl. Magandang hapon po sa lahat!

@unknownymous19

PRICE is RIGHT Habang nagbabrowse ako ng Facebook, nakita ko itong shared post ng isa kong kaibigan at ang sabi pa ay di na lahat LIBRE. Dahil daw sa taas ng bilihin , kahit daw mamroblema siya sa problema ng iba basta the PRICE is right. Hahahaha. Skl. 🤣😂😅 PS. Kung may problema ka, PM is the key! Pili na lang po kayo sa choices na nasa larawan. O kaya naman ikaw na po mag-ayos. 🙈🙉🙊 Good evening and good night!

@unknownymous19

Earthquake Alert Ang Pilipinas ay tinaguriang Pacific Ring of Fire dahil na rin sa mayroon tayong mga aktibong bulkan saan man panig ng bansa. Bukod jan, may mga active fault lines din ang buong kalupaan ng bansa (ayon ito sa aking nalalaman at nababasa). Kanina lang ay yinanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Nothern part ng Luzon.May mga napanuod din po akong videos na napakalas daw po. I hope and pray na wala pong casualties. Naalala ko tuloy noon, Oktubre 2021…

@unknownymous19

Hi everyone! I am new here on this platform so I am still learning about this one. I want to use this platform as my medium to write and share what is on my mind and my thoughts about certain things! Thank you for bearing with me at this moment. 😊

@unknownymous19

P. O. T. C. H. I P - agkaing matamis na kulay puti at pink O - kay lambot ng kendi T - unaw sa bibig 'pag kinain C -hewy na, chummy pa H - ilig ng mga bata' t matatanda I - tong kending Potchi. Bow! Happy Lunch time! ☺️ PS. Ano kayang nilutong ulam? 😅

@unknownymous19

Kahel | Pula | Lila | Asul Ang nabanggit na kulay ay may katumbas na salapi sa atin - BENTE, SENGKWENTA, ISANG DAAN AT ISANG LIBO. Ang pera ay pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan ng maigi bago ito makuha sa kinsenas o katapusan lalo na sa mga katulad nating BREAD WINNER maging sa ating mga magulang. Dugo at pawis ang puhunan. Katulad sa nasabing post sa Facebook, masarap sa pakiramdam at nakakatouch kung ang mga nakababatang kapatid mo ay nagbibigay ng kahit kaunting bahagi…

@unknownymous19

Ang ganda sa mata ngayon ng BCH. Sana tuloy - tuloy na ang pagtaas nito. Kahit nangagapa pa kung kailan magba-buy o sell, andiyan ang coach ko na si @charlsss para gabayan ako at ang aking new found amigas na matagal na sa platform na ito. TYSM! 🤗 Magandang gabi po sa lahat! 🙂

@unknownymous19

ATE Gusto ko lang ishare nangyare kahapon. 😊 Tinatawag ka ang bunso kong kapatid para bumili sa tindahan sa tapat lang naman. "ATE" ang tawag ko sa kanya at di ata ako naririnig. Tatlong beses ko pa siyang tinawag. Ilang sandali lang, agad na lumapit sa akin si TATA, yung alaga naming panganay. Ang akala niya siya ang tinawag ko kase nasanay rin siyang tawaging "ATE". Ayon yinakap ko na lang. Ang cute lang ng gesture niya ng paglalambing. 😁🤗 Magandang Umaga sa lahat kahit…

@unknownymous19

Hello everyone! | みなさん! | 안녕하세요 여러분! How was your day? Sabado is "laba" day kaya now lang ulit nakapag-update kay noise. Maulan naman kanina pero natapos ko naman lahat ng labahin. Hapon na rin ako natapos kahit umaga palang nag-umpisa ako. Paputol-putol kase kailangan isingit ang pagluluto. Kaya bukas ko na lang isasampay, sana ay magpakita si haring araw. 🔆 I hope YOU are doing just fine. If not, take time to rest for a while. 🤗 Magandang gabi po sa lahat!

@unknownymous19

KAKULITAN "EM - EM" MOMENTS Sa lahat ng fur parents baka po makarelate kayo. 😉 Sa maghapon, ang sofang yan na nasa larawan ay paborito nilang upuan at tambayan. Katapat niyan ay SALAMIN. Tutok na tutok si Em-Em sa salamin at nakikita niya ang kanyang sarili pero kanina narinig ko na lang ang kanyang mahinang "growl" handa ng makipag-away. Haha. Nakakatuwa lang kase may ilan na rin akong nakitang videos sa YT ng iba't ibang reaction ng mga aso at pusa sa salamin. 😆 Tapos…

@unknownymous19

BROWNOUT | BASIC Pampagood vibes lang bago matulog! Isa na namang meme ang natawa ako. ZAMBOANGA: Suffer 12 - hour blackout/brownout. BICOLANOS: BASIC *Hi Casureco!*😆 Siguradong may makakarelate nito jan! Sino taga-Bicol jan? 😂 PS: Schedule of PI is waving sometimes walang pasabi.😅 Good night! Credit: FACEBOOK

@unknownymous19

FOODIE Maagang nagising ang kapatid ko at siya raw ang magluluto ng almusal namin. Adobo rice omelette at nilagang saba ang niluto niya. Kaya busog ang aming umagahan. Napanuod niya kase sa YT at nais niya raw gayahin kung paano lutuin. 😉 Happy Sunday everyone!

@unknownymous19

BUDOL is REAL! 😭😭😭 First time itong nangyare, IBANG ITEM ang dumating kaysa sa inaasahan ko. Isang buwan ko siyang hinintay! Di na rin nagrereply yung page na yan. Ang babait noong nagpapaorder. 😭 7 items dapat ang dumating nasa second picture, pero ang dumating yan nasa third picture. Nakakadisappoint naman kase pinag-ipunan ko. 😭 May mga tao talagang mapanlamang sa kapwa! What comes around, goes around. Bahala na po ang Diyos sa kanila. 🥺

@unknownymous19

220731 Hindi man naging maganda ang umaga dahil sa nangyare pero bahagi lang yun ng buong araw. It's not a bad day after all. Ang akin lang, ayaw ko na may nanloloko, niloloko at inaapakan na tao. Naniniwala ako na what comes around, goes around. Kung ano man ang ginawa mo sa iyong kapwa mabuti man o masama, babalik ito sa'yo ng doble depende sa kung ano ang yung ginawa. Andiyan si KARMA. Hindi maatim ng konsensiya ko pero may ibang tao na mas nangingibabaw na huwag…

@unknownymous19

"CHILDHOOD SONGS/CHANTS" Miss niyo na 'to!🥺 1. I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato, na nahulog sa lupa, tinuka ng manok, nasaan ang bato? Nasa buuuun~dok! 2. Step~ in! B-I-N-G-O, nanay mo'ng nagbibinggo, binato ng 'ben'tsingko', akala niya limang piso, BINGO! 3. Bilog, bilog, bilugan. Assignment, assignment, suntukan. Ayun si Balakubak, Walang kaawa-awa A-bukaka, a-bukaka, Siya ang taya! 4. Nanay, Tatay, gusto kong tinapay, Ate, Kuya, gusto kong kape. Lahat ng…