Magandang Umaga! Nais ko lang ishare ang tipikal na eksena tuwing kakain na dito sa amin. Siya si Em-Em ang bunso sa magkakapatid. Lagi siyang nakaabang sa pagkain at marunong na rin siyang magpaawa ng kanyang mukha para bigyan namin siya. At talagang maaawa ka naman. Kaya lang kapag nabigyan na, gusto pa ring humingi. Titigil lang siya kapag wala na siyang makitang pagkain sa mesa. Siya ang pinakamatakaw sa tatlong bubwit sa bahay. Silang tatlong magkakapatid ang HAPPY PILL ng aming munting pamilya. 🤗
3 comments
Ahaha ang cute ng itsura niya gutom na daw siya.Ano po lahi ng ganyang aso?
Mix breed po. Matakaw lang po talaga siya. Hehe
Shih tzu ata yan na malaki noh!mabalahibo din.