MANI Matamis, maanghang, salted at nilaga - ilan sa mga iba't ibang luto ng mani. Ayon sa nabasa ko, maituturing na "Food for the Brain" ang mani. Bukod diyan, may iba't ibang benepisyo ito sa ating katawan. Narito ang link kung nais mong malaman ang benepisyo. https://ph.hair-action.com/kalusugan-at-kabutihan/29-kamanghamanghang-mga-benepisyo-ng-mga-mani-mungfali-para-sa-balat-buhok-at-kalusugan/ Hilig ko na talaga ang pagkain ng mani, noon kase parati nagluluto ang mama ko ng mani. At iyo naman ang ilalako namin sa school ng kami ay nasa elementarya pa lamang. Pandagdag baon na rin iyon noon o kaya pambayad ng project sa school. Kay sarap lang balikan ang nakaraan...mapapangiti ka na lang. Happy lunch time. 😊 PS. Nakakagutom ang walang ginagawa. Bakasyon na kase eh.
2 comments
Mahilig din ako kumain ng pritong mani 😋
Masarap po papakin. 😁