"When you are HAPPY, you enjoy the music and when you are SAD you understand the lyrics." Ano sa tingin ninyo? Para sa akin, ito ay may katuturan. Kapag masaya ang isang tao, lahat ay para bang kay gaan, nakangiti lagi at ang mga kantang pinakakikinggang mga kanta ay maganda sa pandinig dahil sa kasiyahan. Tipong walang ibang iniisip kundi ang sayang nararamdaman. Sa kabilang banda, kapag naman malungkot o may pinagdaraanan parang lahat ng pinakakikinggan mong kanta ay TUGMA sa sitwsyon at nararamdaman ng isang tao. Bawat lyrics ay damang - dama at naiintidihan sapagkat ang musika ay nabuo batay sa karanasan ng sumulat ng kanta o base sa kanyang naging inspirasyon sa pagsulat nito - relate kung baga. Kapag naman ako ay nalulungkot, ang pinakakikinggan kong Hill Songs, kinakalma kase ako ng mga kantang ito. At bawat lyrics sa kantang ito ay naging sandalan ko. May oras man na nalulungkot ako, di kailangang tambayan. Iiyak sandali pero patatahanin ang sarili. MAHIGPIT NA YAKAP! Sa kabuuan, ang musika ay malaking bahagi ng ating buhay. Hindi man tayo mang-aawit pero ang mga tugtugin mula noong araw hanggang sa kasalukuyan ay karamay na natin sa araw-araw - maparadyo, television o online yan. ☺️ Good night po! PS. Kailangan ko ata ng LULLABY SONG para makatulog. 😂
No comments yet