Kahel | Pula | Lila | Asul Ang nabanggit na kulay ay may katumbas na salapi sa atin - BENTE, SENGKWENTA, ISANG DAAN AT ISANG LIBO. Ang pera ay pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan ng maigi bago ito makuha sa kinsenas o katapusan lalo na sa mga katulad nating BREAD WINNER maging sa ating mga magulang. Dugo at pawis ang puhunan. Katulad sa nasabing post sa Facebook, masarap sa pakiramdam at nakakatouch kung ang mga nakababatang kapatid mo ay nagbibigay ng kahit kaunting bahagi ng mga bayarin sa bahay - mapapiso man yan o sentimo. Nakakaiyak! Naalala ko lang noong nakaraang buwan ng Mayo, nashort ang budget ko sa bill ng internet na di pa nababayaran at may nag-email na for disconnection. Hindi ko alam saan ako kukuha dahil malayo pa ang sahod. Pero ang hindi ko alam, nag-aambagan na pala ang mga kapatid ko at iniabot sa akin. Kase masinop silang mag-ipon. Yan ang turo sa amin ng aming mga magulang, MAG-IPON kung may sobra at darating ang oras na may dudukutin kayo kung kailangan. Dahil sa kanilang pagtulong, di kami naputulan. Hehe. Bilang ate, napakasaya ko dahil hindi man kami mayaman ay may mga kapatid at magulang akong maasahan. At naging responsable silang mga tao. SKL 🤗 Credit: FB | NOTE page
No comments yet