read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

Kapag may schedule ng power interruption dito sa amin, halos ng tao pumupunta sa mga mall para magpalamig, ang init naman talaga kase eh. Bukod diyan tuwing weekend ay bonding time ng magpapamilya at magkakaibigan. ☺️ Kanina kasama ko si mama pumuntang mall. Bukod sa magpapalamig ay may kailangang bilhin. Habang paalis na kami ng mall, nakasalubong namin ang fur baby na makikita mo sa larawan. Matagal ko siyang tinitigan kase ang kyut-kyut at ang behave siya. Hindi siya umaalis sa pwesto niya. 🐶 Tinanong ko nga si mama kung halimbawa kasama rin namin ang aming tatlong fur babies, ganyan rin kaya sila ka-behave? At agad sumagot si mama, "Ay naku, huwag mo ng asahan na ganyan kabehave dahil alam mo naman na sobrang lilikot at takbo ng takbo pagnakakalabas ng bahay". Sumang-ayon naman ako dahil totoo naman na sobrang likot ng mga fur babies namin. Magandang hapon sa lahat! ☺️

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.