read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

Earthquake Alert Ang Pilipinas ay tinaguriang Pacific Ring of Fire dahil na rin sa mayroon tayong mga aktibong bulkan saan man panig ng bansa. Bukod jan, may mga active fault lines din ang buong kalupaan ng bansa (ayon ito sa aking nalalaman at nababasa). Kanina lang ay yinanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Nothern part ng Luzon.May mga napanuod din po akong videos na napakalas daw po. I hope and pray na wala pong casualties. Naalala ko tuloy noon, Oktubre 2021 nang niyanig ng lindol ang Bicol. Unang pagkakataon iyon na natakot ako ng sobra sapagkat tulog ang mga tao ng nangyare iyon 1:00 AM. Hindi na kami nakatulog noong mga oras na iyon sapagkat ang kaba at takot ang nangingibabaw. Ngunit kahit ganun nanalangin parin kami ng taimtim na sana ay humupa na ang lindol. Maririnig mo talaga ang ugong ng mga nag-uumpugang bato sa ilalim ng lupa. Sa kabilang banda naman ay mamamangha ka sa kalikasan - a beautiful disaster! Keep safe everyone! 🙏

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.