read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

KAKULITAN "EM - EM" MOMENTS Sa lahat ng fur parents baka po makarelate kayo. πŸ˜‰ Sa maghapon, ang sofang yan na nasa larawan ay paborito nilang upuan at tambayan. Katapat niyan ay SALAMIN. Tutok na tutok si Em-Em sa salamin at nakikita niya ang kanyang sarili pero kanina narinig ko na lang ang kanyang mahinang "growl" handa ng makipag-away. Haha. Nakakatuwa lang kase may ilan na rin akong nakitang videos sa YT ng iba't ibang reaction ng mga aso at pusa sa salamin. πŸ˜† Tapos ngayon gabi naman, binaba ko ang salamin at nilapitan ni Em-Em at Nana nang malapitan at takang-taka kung bakit nakikita nila ang sarili sa salamin at sabay na titingin sa likuran ng salamin na hawak ko. Magkailang beses na bumalik sa likuran ko ang dalawa. πŸ˜† SKL.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.