Eto ang eksena namin kaninang umaga. Alas sais ng umaga ang online work ng kapatid ko, tumigil lang siya sandali at kukuha ng makakakain para mag-almusal. Pagtindig na pagtindig ng kapatid ko ay siya namang pag-upo na aming makulit na alaga. Ginawan tuloy ng script ng kapatid ko: Em-em: Mommy, magwowork na po atu! *base sa unang larawan* Kapatid: Dapat ayusin mo ang work mo para may sahod tayo. Em-em: Juk lang po, hingi lang po ako ng food! *sabay tingin sa ulam namin na takam na takam* Natatawa na lang kami dahil pagdating talaga sa pagkain ay sobrang alert nilang tatlo - tata, nana, & Em - em. 😆 Magandang Umaga sa lahat! PS. Kumusta ang gising ninyo? Iinit at uulan, ito na yata ang eksena sa maghapon. 🙄
3 comments
Ganyan din samin iinit at kukulimlim masakit nga sa ulo ang panahon na to.Haha ang cute ng itsura parang nagpapaawa epek hehe
Ay anupa, makulog sa payo pati ang alisngaw kan daga.
At ginawan pa ng script talaga haha.. parang sa komiks lang😁