Pagmamahal o Kayamanan

38 449
Avatar for mhy09
Written by
3 years ago

Bago ko po simulan itong aking paksa gusto ko po munang batiin kayo ng isang magandang araw. Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika at bilang paggalang at pagmamahal sa ating sariling wika gagamitin ko po ang Filipino sa pagsasalaysay ng aking artikulo. Ito po ay nabasa ko sa artikulo ni Binibining @dziefem https://read.cash/@dziefem/wasto-pa-ba-90dcb211 at gusto ko pong subukin ang aking pagiging tunay na Pilipino. Gagawin ko po ang aking makakaya na hindi gumamit ng anumang salitang ingles pero gayunpaman humihingi na po ako ng tawad sa aking magiging pagkakamali. Nawa po ay maintindihan ninyo ako. Hindi pala madali ito.... HAHAHA

Sa mga hindi po Filipino kayo na po ang bahalang magsalin sa wikang English (To those who are not Filipino you can translate it in English).

Pagmamahal o kayamanan? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Pagmamahal

https://unsplash.com/photos/wSBQFWF77lI

Ang pagmamahal ay isang espesyal na emosyon ng ating puso na nararamdaman natin para sa isang tao. Ito ang isa sa pinakamasayang pakiramdam na mararanasan mo sa buong buhay mo. Ang pagmamahal ay maaaring maipadama sa pamamagitan ng kilos at salita. Kapag nagmahal ka handa mong ibigay ang lahat lahat para sa taong mahal mo. Kaya mong sungkitin ang buwan at bituin para sa kanya. Sino kaya ang susungkit ng buwan at bituin para sa akin? Pwede po bang isama na din pati araw.....HAHAHA. Kapag nagmahal ka ng totoo kaya mong isakripisyo pati sarili mong kaligayahan. Sa madaling salita ang nagmamahal ay hindi madamot, hindi makasarili at hindi mapanglinlang. (Juskopo ano daw?) Ang pagmamahal ay hindi para lang sa isang kapareha, mararamdaman mo din ito sa iyong pamilya at sa mga kaibigan.

Kayamanan

https://unsplash.com/photos/8lnbXtxFGZw

Ang kayamanan ay tumutukoy sa konsepto ng kasaganaan. Ito ay mga praktikal na bagay tulad ng pera, mga alahas at ginto. Ang kayamanan ay isa sa pangunahing pangangailangan ng tayo para mabuhay. Paano ka nga naman makakabili ng pagkain kung wala kang pera? Paano ka makakabayad ng tinitirhan mong bahay kung wala kang pera? Paano ka makakapunta sa ibang lugar kung wala kang pera? Paano ang mga kasuotan, mga pangangailangan sa bahay, mga gastos sa pag-aaral. Ang buhay natin ay umiikot sa pera o salapi, aminin man natin yan o hindi pero iyan ang isang malaking katotohanan na nasa ating harapan.

May minamahal pero walang kayamanan o may kayamanan pero walang minamahal? Ano ang pipiliin mo?

Bakit ba ito ang paksang napili ko, ngayon nahihirapan ako, pwede bang silang dalawa na lang para hindi kumplikado ang buhay? Dahil pinili ko ito papanindigan ko na.....(Pinahirapan ang sarili pati ang mambabasa....HAHAHA.)

Para sa akin may minamahal pero walang kayamanan. Bakit? Kapag may minamahal ka at may inspirasyon sa buhay lahat ay magiging posible. Di ba kapag may minamahal tayo inspirado tayong gawin ang lahat, pwede tayong magtrabaho at magtulungan ang magkapareha para guminhawa ang buhay. Hindi ko hinahangad ang sobrang yaman na buhay, ayos na sa akin ang sapat na pamumuhay basta masaya at may pagmamahalan ang pamilya. May oras na inilalaan para sa mga minamahal sa buhay dahil hindi na natin maibabalik ang panahon kapag lumipas na. Kaya habang may panahon pa ipakita at iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal. Alam kong marami siguro sa inyo ang hindi sumasangayon sa pinili ko pero kanya kanya tayo ng pananaw sa buhay. Siguro dahil naranasan ko na iyan, hindi naman sa mayaman pero kase puro na silang pera pero wala naman ang kanilang presensya. Oo nga at nabibili mo mga luho sa buhay pero ang tanong masaya ka ba?

Kung ipagkakaloob ng Panginoon na ibigay sa akin pareho ang pagmamahal at kayamanan ay ipagpapasalamat ko ng lubusan. Sino ba naman ako para tumanggi sa kagustuhan niya. Isa kang napakaswerteng nilalang kung makakamtan mo itong pareho. Siguro kung mangyayari iyon wala ka ng hihilingin pang iba.

Sana ay naunawaan ninyo ang ibig kong sabihin. Ikaw kaibigan alin ang pipiliin mo?

Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbabasa ng aking artikulo. Kung may mga pagkakamali po ako, masaya ko pong tatanggapin ang inyong mga komento. Hindi po ako perpektong tao at alam ko pong may mga pagkakamali ako. Magiging masaya po ako kung iwawasto ninyo ang mga kamalian ko. Mula po sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat. Hanggang sa muli po. Nagmamahal โ™ฅ๏ธmhy09

Pangunahing larawan ay hango sa: https://unsplash.com/photos/hBzrr6m6-pc

Mga Artikulo

Finding Crows- https://read.cash/@mhy09/finding-crows-0b850b51

Back in his arms again- https://read.cash/@mhy09/back-in-his-arms-again-2b239d4b

Ghost Month- https://read.cash/@mhy09/ghost-month-23684367

Thank you.....

17
$ 5.45
$ 5.11 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Ahrciel
+ 6
Sponsors of mhy09
empty
empty
empty
Avatar for mhy09
Written by
3 years ago

Comments

Mas pipiliin ko parin ang pagmamahal. Even the word of God saya that the greatest thing of all is love ๐Ÿค—

$ 0.00
3 years ago

Pinili ko ang magmahal at mahalin. Aanuhin mo ang kayamanan kung wala ng nagmamahalnsayo. Ang kayamanan pede mong paghirapan kasama ang mga mahal mo o minamahal mo sa buhay. Umpisa pa lang kami ng asawa ko walang wala talaga kami kasi bata pa kami noon pinili namin ang magmahalan. At dito namin napatunayan sa hirap ang ginhawa magsasama kami at gagawan ng solusyon ang kakulangan sa pera. Sa awa ni Lord nakakasurvive kami, hindi man ganun karami pero masasabi kong nakakain kami 3 beses sa isang araw. Minsan sobra pa nga. Hehe

$ 0.02
3 years ago

Tama sis kung nagmamahal ka syempre magtatrabaho ka din, maraming yumayaman na nagsimula sa hirap di ba? hehe

$ 0.00
3 years ago

Mas pipiliin ko pa ang pagmamahal,dahil ang kayamanan di nadadala sa langit. At lalong kaya mo naman makamtam yan kung magsusumikap ka.mas magandang maraming magmahal sayo kase dun mo makikita yung happiness na inaasam ng tao hahha daldal ko๐Ÿ˜…

$ 0.02
3 years ago

Same tayo ng pananaw sis hehe, salamat yun nga ang masaya yung madaldal hehe

$ 0.00
3 years ago

Aaahhhh, andami na natin sumulat gamit ang wikang Pilipino, nakakatwang magbasa ng ating lengwahe sa platapormang Ito. Pero Kung ako ang papapiliin mas pipiliin ko ang may minamahal kahit walang pera, sapagkat ang Pag mamahal at ang pakiramram na minamahal ay isang kayamanan di matutumbasan ng kahit na ano. And I thank you

"Aanhin pa ang damo Kung patay na ang kabayo" ika nga(may baka at kambing daw, may suso din....๐ŸŒ๐ŸŒ๐ŸŒ

$ 0.05
3 years ago

Salamat bro for your sponsorship, nakakataba ng puso, inlove ka sa maaah badiii mo kaya ganyan ang sagot mo ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Kakatapos lang Namin mag usap ni maaahhh badiiii hahahaahahah. Tas nabasa ko yan. Salamat din sa pa sponsor mamhyy

$ 0.00
3 years ago

Sabi ko na nga ba ganyan kase sagot ng mga inspired ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

My letter 'D. All of the above' nman na choices di ba hehhehe, bakit pipili kung pede nman lahat whahahhah๐Ÿคฃ

$ 0.02
3 years ago

oo nga sis papahirapan pa ang sarili hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ayun, ang saya bhe ahh,.! Ako may nasiyahan sa aking nabasang artikulo, tila nasaniban ni francis M at gloc-9 ang manunulat neto, naway maging masaya sa iyung pinili kaibigan, yun naman ang dapat, at yun din ang pipiliin ku kung sakaling mamimili man.,! ๐Ÿ˜‰

$ 0.02
3 years ago

Rapper ba bhe, ano bang tagalog sa rapper huwag mo naman akong pahirapan aking kaibigan, hirap na hirap ko ngang nairaos yan hahaha

$ 0.00
3 years ago

Oo, rapper lang din kaibigan, hindi kita pinapahirapan, ikaw mismo nagpahirap sa sarili mo bhe haha

$ 0.00
3 years ago

Ay ako ba hahaha

$ 0.00
3 years ago

Pero infairness, napakahusay mo nga magtagalog bhe, may mga word talaga di ko alam yun pala tagalog nun,. Kaya hirap ako umabante sa pagbabasa kanina haha

$ 0.00
3 years ago

Sa kasalukuyan, wala ako niyan pareho. haha saklap. Pero kung ako'y papipiliin sa dalawa, aba'y pipiliin ko ang akong minamahal sapagka't sya'y aking yaman. Hindi ko ipagpapalit sa pera ang aking tanging yaman. Pangarap ko'y simpleng pamumuhay. Lugawยฒ lang muna kami haha biro lamang. Syempre hahanap kami ng paraan para mabuhay ng simple ngunit masaya.๐Ÿ’—

$ 0.02
3 years ago

tama ka dyan sis syempre kilos kilos din para may makain ang dalawang nagmamahalan....hehe at para umasenso ang buhay...๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Yes, oo naman. Hindi dapat busog lang sa pagmamahalan, dapat busog din ang tiyan. Haha

$ 0.00
3 years ago

Ako poy naghahanap ng panyo at ang ilong koy dumudugo. Bakit ba ang lalalim ng mga salita na ginamit mo? Haha Pero kung ako ang pipiliin, pipiliin ko din ang pinili mo. Pero kung walang magmamahal sakin, ay pera nalang talaga. Aarte pa ba ako? Hahaha

$ 0.02
3 years ago

Akoy napahalaklak sa tuwa sa iyong mga binitawang salitang, ganyan din ang katwiran ko pero kung pwde naman pareho dun na ako sa both bakit ko pa papahirapan ang sarili ko...hehe salamat sis

$ 0.00
3 years ago

Ako sis agree ako sa pagmamahal pero walang kayamanan.Aanhin mo ang pera kung walang nagmamahal sau diba.Kasi pwede niyo naman sabay makamtan ang kayamanan kung magtutulungan kayong pareho.

$ 0.02
3 years ago

Tumpak pa sa tama sis๐Ÿ˜‚ madali lang yan kung may makakasama ka sa buhay...hehe salamat sis

$ 0.00
3 years ago
$ 0.00
3 years ago

Kung ako papapipiliin ay siyempre ang aking minamahal. Subalit mayroon akong layunin na kailangan ko munang magpayaman at tsaka humanap ng mamahalin. Yay. Hahahaha. At kung hindi papalarin, okay na rin na kayamanan ang mayroon ako, itutuon ko na lamang ang sarili sa pamilya ko. Napag-isipan ko naman na masaya talaga kapag may kasama kang tumanda ngunit kung wala talaga ay bahala na nga. Hahahaha.

$ 0.02
3 years ago

Sana both na lang bakit pa kase papahirapan ang buhay kung pwede naman mapasayo pareho...๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Ewan ba sayo sis nagtatanong ka kasi e hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha akoy natutuwa aking kapatid ikaw pala ay may badge na.. congrats sis

$ 0.00
3 years ago

Tagal na yan sissy hehe

$ 0.00
3 years ago

now ko lang napansin sis hehe

$ 0.00
3 years ago

Ahhhhh parehas natin kailangan nang pagmamahal at kayamanan hirap pumili dhil ang kayamanan mismo ung mga mahal mo sa buhay

$ 0.02
3 years ago

Iba yun eh di pinili mo ang pagmamahal...๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Ang gagaling nyo pong magtagalog.

$ 0.02
3 years ago

Ang hirap nga sis kanina ko pa ginagawa yan di matapos tapos, ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

sinubukan ko din nung isang araw pero wala, di gumagana isip ko. congrats, sis. that was well written!

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis๐Ÿ˜˜

$ 0.00
3 years ago

Ang hirap ng tanong mo sis kung pagmamahal o kayamanan. NAGPAPASALAMAT talaga ako kasi natagpuan ko yung taong minahal ako kahit hindi ako mayaman at nagtutulungan kami para guminhawa sa buhay. Dasal koy makita mo ang para sa iyo sis.

$ 0.02
3 years ago

hayaan mo siyang mahilo sa kakahanap sa akin sis, basta masaya ako para sayo.

$ 0.00
3 years ago