Join 78,967 users and earn money for participation

One Shot Story:Friday the 13th"Isla Misteryosa"

24 73 exc boost
Avatar for leejhen
Written by ย ย 505
3 months ago

So it's my very first time to write a Tagalog Story or version. It's just a one shot Story only. (Or tama ba ang tawag ko dito na one shot please correct me if I am wrong.)

I actually started writing this during Friday the 13th. August 13, 2021 but I did not able to finished because Jhrenrose is sick. But thanks God Now it's done so Let's have a creepy story. Sakto lang sa pagka creepy. Medyo nakakakilabot lang ng slight lol.

FRIDAY THE 13TH:ISLA MISTERYOSA

Valkan University

Masaya ang lahat ng estudyante dahil at last holiday na, because of the holy week.

Busy ang lahat kung saan sila magbabakasyon ng kahit ilang araw lang. Imbes na umuwi sa probinsya pinili nalang nila ang mag hang out at adventure. Medyo alanganin din ang bakasyon ilang araw lang.

"Yohoo!!! It's vacation time! Who wants to join me in our province? "Taiwo ang pinaka maingay at kwela sa klase.

"Oi bet ko yan kailan ba Taiwo?" Ang Kikay na manipis ang kilay na si Anjenette.

" Bukas din! Para di masayang ang araw natin."

Siyang pagdating ni Cecille ang mataray na mabait sa klase.

"Hep Hep! Ano yang pinag uusapan niyo diyan? Join na ako wala ng tanong tanong pa haha."

"Ano Katherine join ka? Wag kang tahimik diyan" tawag ni Anjenette.

Si Katherine ang pinaka matalino at maganda na nerd sa klase.

" Ah di ko pa sure eh, baka uuwi ako sa amin malapit lang naman at tsaka baka di ako payagan ni Mama."

At papasok ang cool guy next chair na si Kennie ang pinaka cool at gwapo sa klase.

Na matagal nang nanliligaw kay Katherine pero basted on the spot.

Lahat ng mga girls napalingon sa ka gwapuhan ni Kennie while walking in a slow motion.

Talaga namang maka laglag panty ang karisma nito.

"Katherine my loves common sama kana please" with matching pa cute and puffy eyes.

Sabay akbay kay Katherine pero sinalo ni Denver ang kanyang braso.

"Oopss... Wag na ipilit bro! kung matagal ka ng basted hahaha" sabay tawa.

Denver ang karibal ni Kennie kay Katherine. Childhood friend ni Katherine mula pagkabata.

"Weehhh... E basted ka din naman haha tabi diyan!" sabay tabig ni Margaret kay Denver.

Margaret ang Malditang best friend ni Katherine na may gusto naman kay Denver.

Medyo magulo ba? Well nagugulahan din ako hehe.

"Anyone else? Let's have some party guys sagot ko lahat" pagyayabang ni Taiwo.

"Wooohhh!!! Taiwo lang Sakalam na!" Hiyawan ng mga classmates nila.

Isla Misteryosa

Natuloy ang kanilang Island adventure sa probinsya ni Taiwo sa Isla Misteryosa. Nakumbinsi ni Margaret si Katherine na sumama at kompleto ang kanilang barkada kasama nang iba pa nilang classmates.

Pagdating nila sa Isla ay masaya silang sinalubong ng mga tao at Pamilya ni Taiwo. Fiesta pala sa Kanila sa darating na Byernes.

Bigla tuloy naalala ni Katherine ang sinabi nang bangkero kanina.

"Ineng sa Isla Misteryosa ba ang punta ninyo? Mag iingat kayo marami na akong hinatid na pasahero diyan sa Islang yan pero wla ni isang bumalik, sabi ng lolo ko nung siya ay nabubuhay pa, Ang Islang yan ay pugad ng Isang Kulto."

Sa sinabi ng matandang bangkero nabalot ng kaba ang kanyang puso. Pero nasa Isla na sila at pinagdarasal nalang niya na sana hindi totoo ang mga pinagsasabi ng bangkero.

Maganda at malinis ang kapaligiran. Nagustuhan nila ang mga seafoods na pagkain at magandang tanawin. In short masaya at enjoy ang lahat.

Hanggang sa sumapit ang gabi ng lagim...

August 13, 2020 Friday the 13th:Human Soup

"Katherine nakita mo ba sina Clarissa? Kaninang hapon pa yong grupo nila nawawala."tanong ni Cecille.

Nagtaka si Katherine. Nakita pa Niya si Clarissa na masayang nakikipagharutan sa iba nilang classmates.

"Oo pero kanina pa yon, baka andiyan lang sa tabi tabi".

Ang tanging nasagot ni Katherine. Kanina pa siya kinakabahan na hindi niya maintindihan kung bakit.

Hanggang sa sumapit ang gabi wala parin sina Clarissa. Dahil sa busy ang lahat sa paghahanda. Tanging si Katherine lang ang nakakaalam na hindi parin bumabalik ang grupo nila Clarissa.

Isang Maskara Festival ang Tema ng Fiesta sa Isla Misteryosa. Ang lahat ay nakamaskara. Napakaganda ng paligid dahil sa makukulay na ilaw at magandang palamuti.

Masaya ang lahat sa pagsasayaw ng biglang natigil ang musika. Siya namang pag akyat sa stage ng Kapitan sa Isla, ang Papa ni Taiwo.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Lalo na sa ating mga dayong bisita. Bago natin simulan ang party at sayawan! Kumain muna tayo!."

Sigawan sina Denver at Kennie at ang iba pang estudyante.

"Kainan na!!! Excited na sigaw ni Taiwo na Parang may ibang pinapahiwatig sa pandinig ni Katherine.

Wala siyang ganang kumain. Wala man lang nakapansin na hindi parin bumabalik sina Clarissa. Enjoy ang lahat pero siya di niya alam kung bakit kinakabahan.

Hanggang sa marinig ang sigaw ni Anjenette...

"Yuck!!!! May mata sa food ko!" Sigaw nito sabay suka.

Kasunod nu'n, ang lahat ay nagsigawan na. Tiningnan ni Katherine ang laman ng kanyang plato.

May daliri! At mata! ng tao! Bigla niyang tinapon ang plato at tumakbo palapit kina Margaret na panay ang suka na.

"Bes, okay ka lang? tanong niya dito.

"H-hindi ako okay Bes, ano ba ang nangyayari?

Biglang sumigaw si Taiwo!

"Ano! masarap ba sina Clarissa? Hahaha!!

Magsasalita pa sana sina Denver pero agad na pumagitna ang Papa ni Tawo.

"Alam niyo na ang gagawin! Ang mga bababe e handa para e Alay! Ang mga lalaki patayin!!!

"Upo Amang Hari"

Sagot ni Taiwo na nakayuko, tanda ng pag galang.

Umiyak sa takot sina Margaret at Cecille. Pero si Katherine ay tila napako sa kinatatayuan.

Ni sa hinagap hindi niya lubos akalain na ganito ang sasapitin nilang lahat.

Kinaladkad silang lahat na mga bababe ng grupo nila Taiwo at mga kasama nito. At dinala sila sa isang maliit na bahay kubo.

Maya-maya ay pumasok ang limang babae na naka Maskara parin. Kinaladkad sila sa likod, sa may ilog. At doon pinaliguan at pagkatapos pinasuot ng pulang bestida.

Maya maya muling dumating sina Taiwo at pinalabas na ang lahat ng mga babae maliban kay Katherine.

Mag isa nalang siya! Ano kaya ang gagawin nila sa mga classmate niya?.

Pista ng Alay

Dinala ang lahat ng babae sa gitna ng stage. This time may nakalagay na Isang napakalaking parihaba na bato! At may Altar ng Demonyo sa kaliwang bahagi.

Isa-isang pinahiga at ginilitan ang liig ng mga babae! Kalunos lunos na senaryo na puno ng dugo ang parihabang bato.

Ng biglang sumigaw ang isang tauhan ni Taiwo.

"Kulang ng isang babae! Nakatakas ang isa!"

Nawawala si Margaret!!!

The Hidden Truth

Hindi na mapakali si Katherine at worried na sa kung anong nangyayari sa labas. Nang biglang bumukas ang pinto.

At kasunod ng pagpasok ni Kennie.

"Kennie! Ligtas ka!" Tila nabuhayan ng loob si Katherine ng makita si Kennie.

Pero di ito umiimik at seryoso ang mukha. Napakalayo sa cool guy next chair na classmate niya. Parang ibang tao ang kaharap niya ngayon.

"Kennie?

Ang tanging nasambit ni Katherine nang makita niya si Taiwo sa likod nito.

"Hindi niyo po ba kaya Mahal na prinsipe? Kulang tayo ng isang babaeng Alay, kanina pa nila hinahanap si Margaret pero di nila makita. Hindi po pwedeng itigil ang Ritwal"

Magalang at nakayukong sabi nito.

"Mahal na Prinsipe?"

Sa lahat ng sinabi ni Taiwo ito lang ang nag echo sa utak ni Katherine.

"K-kennie? Ano to?" Tanging na tanong niya.

Ngunit sa halip na sagutin si Katherine. Biglang sinuntok ni Kennie si Taiwo at nahimatay.

"Bilis maya-maya magigising na yan!"

Sabay hila sa kamay ni Katherine palabas kubo.

Love in the Middle of Chaos

Nasa kalagitnaan na sila ng kagubatan ng biglang dumating ang Amang Hari ng Kulto. Ang Tatay ni Kennie...

"Kennie! Ano ang ginagawa mo!" Sigaw nito.

"Obvious naman di ba! Ayoko e Alay si Katherine humanap nalang kayo ng iba! Si Kennie.

"Alam mo na hindi pwedeng e tigil ang Ritwal! Gusto mo bang bumalik sa mukhang halimaw?

Lalong nanggalaiti ang Amang Hari sa galit ng hindi sumagot si Kennie.

Umungol ito na parang isang lobo na may halong lion. Takot na takot si Katherine pero hindi niya magawang gumalaw. Nanlalamig na ang buo niyang katawan. Isang kataga lang ang nag marka sa utak niya.

HALIMAW!!!!

"Dakpin ang babae!!!! Sigaw nito.

Napakapit si Katherine kay Kennie. Napapalibutan na sila ng mga kalalakihang naka maskara.

"Huwag kang mag alala nandito lang ako. Sorry Katherine patawarin mo ako. Promise ilalabas kita ng ligtas sa Isla."pangako ni Kennie.

"Kennie mapapahamak ka! Hayaan mo na lang ako"umiiyak na sagot ni Katherine.

Biglang sumugod ang mga nakamaskara! Nakipaglaban si Kennie sa mga ito at biglang dumating si Denver na may dalang...

kahoy.?

"Denver ligtas ka? Masayang tanong ni Katherine.

"Denver! ilayo mo dito si Katherine! Doon kayo dumaan sa kanan, ang dulo niyan ay dalampasigan! Bilis!" Sigaw ni Kennie.

Alerto Naman si Denver at dali daling hinila si Katherine patakbo habang si Kennie ay nakikipaglaban.

Palabas na sila ng kagubatan ng biglang dumating ang grupo ni Taiwo.

"Takbo Katherine hayaan mo na ako takbo!!! Sigaw ni Denver habang tinutulak si Katherine papalayo.

"A-ayoko! Hindi Kita iiwan dito! Umiiyak na si Katherine.

"Bilis na Katherine wala ng ibang pagkakataon! E kumusta mo nalang ako sa Pamilya ko." Ang huling ngiti na nasilayan ni Katherine kay Denver.

Gustuhin man niyang manatili pero wala din siyang magagawa. Kailangan niyang tumakas at humingi ng tulong. Maya-maya ay tinakbo na niya ang daan na walang lingon likod.

Si Denver ay naiwan na nakikipaglaban kay Taiwo. Kahit anong pilit ni Denver hindi niya magawang talunin si Taiwo.

Sinaksak siya ng Itak sa tiyan ni Taiwo at natumba pahiga sa Lupa.

Denver!!!!

Ang malakas na sigaw ni Margaret habang papalapit na tumtakbo kay Denver.

"Bakit andito ka pa? tumakas ka na sana.!

Galit na sigaw ni Taiwo.

"Oh my! May crush ka sa akin Taiwo? Tsk! Wag ka nang umasa! BASTED ka sa akin napakasama mo!

At hinding hindi niyo ako ma iaalay sa Demonyo!

Sabay kuha sa Itak ng isa sa mga tauhan ni Taiwo. Sinaksak niya ang kanyang sarili at natumba palapit kay Denver.

"Margaret? Bakit di ka tumakas?"

"Ayoko nga! Sasamahan Kita hanggang kamatayan. Mahal Kita Denver matagal na! At dapat sa kabilang buhay ako na ang Mahal mo ha?"

Ang huling nasabi ni Margaret bago siya malagutan ng hininga.

Bago ipikit ni Denver ang kanyang mga mata ay ang mga ngiti ni Margaret ang kanyang nasilayan....

Farewell

Tanaw na ni Katherine ang dalampasigan. Nakikita na niya na may pag asa!

Nang biglang may humablot sa kanyang buhok. Kinaladkad siya palayo sa dalampasigan at hinila pabalik sa gubat.

Kailangan niyang makatakas! para humingi ng tulong! Inapakan niya ang paa at kinagat ang kamay ng kung sino mang humahablot ng buhok niya sa likod.

Nang makawala ay agad siyang tumakbo papalayo ngunit mabilis ang humahabol sa kanya. At ng kanyang makita kung sino ito...

Gusto niyang masuka sa mukha nito. Ang Amang Hari na hindi na naka Maskara pero ang kalahating mukha nito ay Parang Demonyo na may sungay!

Natumba siya sa takot at napasigaw! Sa isip Niya ito na ba ang katapusan niya? Mamamatay na ba siya?

Biglang tumahimik ang paligid. Nang siya ay magtaas ng tingin nakita niya si Kennie! Sinasakal ang kanyang Ama?

"K-kennie! Tawag niya.

"Ligtas kana Katherine takbo na!"sigaw ni Kennie.

"Sumama ka na! Kennie Tayo na!" Umiiyak na sagot ni Katherine.

Napangiti ng malungkot si Kennie.

"Paalam Katherine, hindi ko pinagsisihan na minahal kita."

Nang biglang makawala sa pagkakasakal ni Kennie si Amang Hari.

"Mamang Bangkero! Kunin mo si Katherine!"Sigaw ni Kennie.

Habang nakikipag suntukan sa kanyang Ama.

Ng di sa kalayuan patakbo naman ang Mamang bangkero kay Katherine at hinila na siya papalayo papunta sa bangka.

Ayaw iwan ni katherine si Kennie pero kailangan niya humingi ng tulong para sa kanyang mga kaibigan at classmates.

Umiiyak na patakbo silang papalayo ng Mamang Bangkero.

"Paalam Katherine, Sana kalimutan mo ang bangungot na naidulot ko. Maging masaya ka....

Nakasakay na ng bangka sa wakas si Katherine. Dahil sa pagod at stress na naranasan, biglang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at nakatulog.

"Ligtas kana Ineng" ang tanging narinig Niya bago ipikit ang kanyang mga mata.

Life is just a Dream....

Pagmulat ng mga mata ni Katherine. Agad siyang bumangon at napatingin sa paligid. Hinahanap Niya ang Mamang Bangkero.

Bigla siyang nagtaka kung bakit nasa bahay na siya! Sa kwarto Niya! Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang Mama.

"Mama?"

"Oh? Bakit para kang nakakita ng multo? Bangon na at ma late kana sa klase! May exam pa naman kayo." Sagot nito.

Bigla niya naalala si Denver at Margaret.

"Ma si Denver nakauwi ba? Si Margaret andiyan na ba sa bahay nila?"sunod-sunod niyang tanong.

Kumunot ang noo ng Mama Niya na tila di makapaniwala sa pinagsasabi niya.

"Denver? Margaret? Sino sila? Classmates mo ba? Nakakunot noong tanong nito.

"Huh? Si Denver po kababata ko at si Margaret best friend ko kapitbahay lang natin Ma! Nakauwi ba sila?

"Hay naku Katherine tigil tigilan mo yang kapapanood mo ng mga horror movies! Sinasabi ko na nga ba at naging makakalimutin ka dahil sa puyat at kulang kana sa tulog! Walang Denver dito! At ang best friend mo Si Hope Jed! Hindi si Margaret! Sino yon? Mabuti pa maligo kana at ng mahimasmasan ka at bumaba na para kumain."

Nakaalis na ang Mama ni Katherine pero siya ay nagtataka. Nasaan ang mga kaibigan niya? Hope Jed sino yon???

Nang bigla niyang naalala ang mukha ng matandang Bangkero. Kamukha ni Kennie!!

Wakas.....

This is a story of Fiction only. Thank you for reading....

leejhen ๐Ÿ’ž

Photos are all mine. Promoting the Beautiful Scenery of Caohagan Island in Lapu-Lapu City Cebu.

Surprise!!!!

https://branch.wallet.bitcoin.com/qTuGAyAHKib

A surprise shareable link for the very first reader of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

๐Ÿ‘‰https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

๐Ÿ‘‰https://noise.cash

just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
empty

21
$ 9.41
$ 8.90 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Crackers
$ 0.05 from @Alther
+ 8
Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by ย ย 505
3 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nakakatakot ang galing nyo po parang makakatuhanan ang kwento nyo po sana may part2 pa po ๐Ÿ˜Š

$ 0.10
3 months ago

Nag iisip pa ako ๐Ÿ˜…

$ 0.00
3 months ago

Sige po sana horror parin po gustung gusto ko mga katatakutan po โ˜บ nakakatayo nang bakahibo.

$ 0.00
3 months ago

Nadistorbo basa ko kanina kasi busy.. Binalikan ko talaga.. ๐Ÿ˜‚ Ok a.. Parang pelikula.

$ 0.10
3 months ago

Hahaha๐Ÿ˜

$ 0.00
3 months ago

Habang nagbabasa all at naiimagine ko rin ang nga eksina sa storya,ang galing .

$ 0.00
3 months ago

Hays bakit ba Kasi hindi sinundo ni Daniel si Katherine hehe.. buti nalang panaginip lng nakahinga ako Ng maluwag dun ahh peww ๐Ÿ˜๐Ÿ˜…

$ 0.00
3 months ago

Grabe ang galing nyo po magsulat. Na fefeel ko po talaga habang binabasa ko.. Sobrang kaba ko po ma'am... God bless you ma'am leejhen... ๐Ÿ™

$ 0.10
3 months ago

Salamat God bless you too๐Ÿ’š

$ 0.00
3 months ago

You're always welcome maam. Just take care po always...๐Ÿ™โค๏ธ

$ 0.02
3 months ago

Grabeeee. Mala-Wattpad sa datingan, Ate. Wala na kasi akong gaanong mabasa na ganitong genre sa Wattpad, buti nanjan ka. Wala bang part 2 'to? Hihi. 'Wag mo nang i-one shot. Haha

$ 0.10
3 months ago

Hahaha Parang maganda nga may Part 2 Kasi cliffhanger ang katapusan haha. Pero may tatapusin pa ako๐Ÿ˜

$ 0.00
3 months ago

Wait ko 'yung part 2 nito, Ateeeee. Wait koooooo! Hihi

$ 0.02
3 months ago

Ang galing niyo palang magsulat ng story po.. Grabe natakot po ako..

$ 0.10
3 months ago

Salamat๐Ÿ’š

$ 0.00
3 months ago

Wow i love wattpad , tapos ang ganda ng story nyo po parang wattpad lang hehehe

$ 0.10
3 months ago

Gabda ng story po. Worth it talaga basahin. Next na naman ulit ๐Ÿ™‚

$ 0.10
3 months ago

Yeah Sana may next medyo tamad ako magsulat ๐Ÿ˜… Thanks ๐Ÿ’š

$ 0.00
3 months ago

Ang ganda po ng pag ka gawa mo, kinakabahan rin ako e HAHAHAHA.

$ 0.10
3 months ago

Hahaha salamat.

$ 0.00
3 months ago

Ang ganda ng story. Para akong nagbabasa ng oneshot story sa wattpad. Galing nyo po gumawa.

$ 0.10
3 months ago

Thanks balak ko siya e lagay sa wattpad bukas. May story ako dun na di matapos tapos haha.

$ 0.00
3 months ago

Ay wow nag wawattpad din po pala kayo. Adik ako dyan dati and may nsumpisahan nadin ako isulat don kase nawalan ako ng time nung naging busy sa school hehe

$ 0.02
3 months ago

Oo madami ako naumpisahan walang natapos๐Ÿ˜ need ko ng inspiration haha.

$ 0.00
3 months ago