Mga Paborito Kong Philippine Game Show (2)

34 43
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Filipino

Since marami sa inyo ang nag-re-request na magkaroon ng continuation ang article na ito, heto na yata ang pinakahinihintay niyo. Marami rin akong nakikitang mga game show sa comment section through the first part of this article, pero sorry since hindi ako pamilyar sa iba. Anyway, ituloy na natin ito.

5) PILIPINAS Game KNB

Wala pa yata akong isang taon nung in-ere ito sa Philippine TV, pero thankful ako na nakita ko siya sa Tik Tok. Primarily, ang host sa show na ito ay ang nuknukan ng arte na si Kris Aquino, at walang matutumbasan ng kaligayahan ko kapag nakaka-tsamba ako sa mga tanong niya. Sayang lang at hindi ko na napanood 'yung live version nito.

Ganunpaman, may virtual version rin ito sa Kumu na app, at si Robi Domkngo ang host nito if I were not mistaken. However, hindi ko siya gaano type since walang thrill at kami-kami lang naglalaro. Nonetheless, I'm still fortunate kasi nanalo ako ng 20 pesos nung nasagot namin lahat ng tanong.

6) The Voice Kids

Kung may angking talento ka sa pagkanta, sinong coach ang pipiliin mo kapag sila Coach Lea, Coach Bamboo, at Coach Sarah ang unexpectedly na humarap sa inyo sa blind seat?

Sa dinami-dami ng season nito sa Philippine entertainment industry, 'yung panahon ni Lyca Gairanod, Darren Espanto, at juan karlos ang pinakatumatak sa akin. Isipin mo na lang na sila lang naman ang isa sa mga sikat na singer sa ngayon, at sa tingin ko na hindi dapat magiging kampeon si Lyca rito kung hindi sila mahirap. I mean, dapat si Darrren 'yung nanalo kasi mas maganda ang ambience niya sa judges. Miserably, medyo nagmukhang unfair dahil nga salat sa buhay si Lyca kaya nararapat lamang ibigay sa kaniya 'yung chance.

Nonetheless, at least mas naging maganda ang takbo ng buhay ni Lyca after niya manalo few years ago, at na-interview pa siya ni Ms. Karen sa Rated K. Sa kabilang banda, hindi maakila na maraming awitin ang pinasikat ni Darren Espanto tulad na lamang ng Dying Inside To Hold You, at kilala naman si juan karlos sa mundo ng OPM dahil sa kanta niya na buwan. Hindi dahil sa issue nila na magkikita sila sa korte huh.

An Image You Can Hear

Sa totoo lang, ka-age ko lang sila, pero mukha pa rin akong lantang kabute.

7) Pilipinas Got Talent

One of the best show indeed! Kung hindi magpapahuli ang mga western at sout-east country sa kani-kanila nilang bersyon, mas lalong hinding-hindi tayo magpapahuli.

Ito 'yung show na hinding-hindi mo maiiwasang mamawis sa kaba, at hindi rin mawawala sa listahan ang mga baong good vibes ng mga judges. Kung ako 'yung tatanungin, ang pinakakatawang performance na napagmasdan ko ay 'yung ginaya nung babae si Sacred Rhiana. If you would ask me, hindi naman talaga siya talented. However, approve ako sa mga pakulo niya lalo na nung tinakot niya si Vice Ganda.

Pero out of this topic, ngayon ko lang nalaman na member pala dati ng isang kilalang boy group si Jay Park dati. Wala lang, share ko lang kahit wala akong pake sa kaniya.

8) Minute To Win It

Sabi nung pinsan ko, ka-boses raw nung babae na nag-re-represent sa video si Bathalumang Ether ng Encantadia. Siya lang ba, o kayo rin?

Anyway, mas prefer ko yung solo lang sila na nag-cha-challenge kaysa sa may kakompetensya sila. Maybe hindi ko lang type kasi 'di ko masyadong napanood 'yung bagong version nito kasi mukhang Wowowin 'yung nasa loob ng bahay. Maganda 'tong show na ito since hindi mo maiiwasang tumitig maigi sa mga players, at mas maganda talaga kung solo lang sila talagang naglalaro.

Even we've been known the existence of the more, the merrier, mas prefer ko pa rin talaga yon. Nothing could try to change my mind.

9) Family Feud

Isa pa 'to sa mga sinusubaybayan ko tuwing hapon tuwing weekends sa ABS-CBN. Personally, maganda rin 'tong panoorin since hindi mo maiiwasang makapag-isip ng malalim kapag magsasagot na 'yung dalawang partido. As usual, ang puhunan mo lang talaga rito ay teamwork, talas ng utak, at pakialam ka sa paligid mo which is number one na wala ako.

10) Hep Hep Hooray

This is the last but not the least. Sa larong ito, kailangan talafa naka-pokus ka lang sa laro kung ayaw mong ma-eliminate sa bawat pagkumpas ng mikropono ng host. Sa sobrang tanyag ng larong ito, ito 'yung larong kadalasang ginagamit sa mga parties, at naalala ko 'yung part na nanalo ako ng bente pesos nung ihinilera nila kaming mag-pi-pinsan upang maglaro. However, ang pinaka-worst na na-experience ko ay 'yung napagdiskitahan nung MC para makasali sa pakulo nila. In short, nagpatalo ako kasi nakakahiyang maglaro sa audience kahit ang sarap nung price. Common 'tong nangyayari due to my teacher's creativity, and being strict.


Yun lang haha. Sana nag-enjoy kayo.

14
$ 6.14
$ 5.93 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @John28
$ 0.05 from @ExpertWritter
+ 2
Sponsors of kingofreview
empty
empty
empty
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Filipino

Comments

Ang 'di ko lang masyadong knows is 'yung sa Pilipinas Game KNB, 5 years old siguro ako n'yan pero dahil dakilang manlalaro ako ng kung anu-anong laro ay 'di ko yan knows at napapanood. Haha pero agree ako 'dun kay Kris Aquino. Grabe, makabasa lang ako ng lines na galing sa kaniya, babasahin ko pa sa isip ko na naiimagine 'yung boses n'ya. 🀣

Sumikat na naman bigla si Lyca dahil jan sa expression n'ya. 'Nung una di ko s'ya agad nakilala jan eh. HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Lahat ng nandito na game show nasusubaybayan ko pati sa youtube palagi ko pinapanood to lalo na yung the voice kids.

$ 0.02
3 years ago

Tawang tawa ako sa mga memes na nagsisilabasan nung nagviral yung ganyang reaction/expression ni Lyca HAHAHAHA 🀣 Pero after ko mabasa mga binanggit mo feeling ko ang tanda tanda ko na. πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Hay nako! Nakakamiss talaga mga ganyang palaro tapos napapanuod sa TV when kaya ulit yung iba babalik no

$ 0.03
3 years ago

Marami naman sa yt ate hehe.

$ 0.00
3 years ago

Epic talaga yung kay Laica hahaha.. She's so cute. Favorite ko yung The Voice, kasi nagfifeeling judge ako hahaha at the same time coach πŸ˜†

$ 0.02
3 years ago

Ibang feel na po yan. Kainggit talaga sila, nagglow up jahah

$ 0.00
3 years ago

Paano ba kasi mag glow up? feeling ko glow down nangyayari sa 'kin haha

$ 0.00
3 years ago

Ito na pala yung part 2! Hahaha napanood ko lahat yan hahaha sayang yung abs, magaling pa naman talaga sila pag dating sa mga entertainment shows. Thank you for bringing back the old good days thru this.

$ 0.03
3 years ago

Yan po yung part two hehe. Sayang po talaga sila haha

$ 0.00
3 years ago

Yung favorite ko is yung the voice kids saka yung pinaka favorite ko na season yung kanila darren espanto di ko yun makakalimutan

$ 0.02
3 years ago

Darrenatics ka po siguro no? hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Namimis ko talaga manuod ng TV, paminsanminsa nalang kasi ako nanunuod, lagi nalang sa cellphone or computer

$ 0.02
3 years ago

Nakakamiss rin kasi wala na pong abs

$ 0.00
3 years ago

Isa sa pinakanamiss ko talaga eh yung Game Knb. Namiss ko tuloy ABS. Haha

$ 0.01
3 years ago

Tagal na non ate eh. Parang di pa po ako pinapanganak non hahahah

$ 0.00
3 years ago

Hala ka so matanda na talaga ako haha!

$ 0.00
3 years ago

Yung PGT at The voice talaga inaabangan ko, solid yung mga auditions, minsan nga sa YouTube na ako nanonood, tsaka tuwing linggo PGT tlaga inaabangan ko.❀❀

$ 0.01
3 years ago

Ako naman yung mga top nila na act hahaha

$ 0.00
3 years ago

Sumikat talaga yannhep hep hooray. Kahit sa mga arlor games ginagamit din yan. Yan gane ka na ba eh inaabangan talaga namin yan, unahan pa kami sa pagsagot, hehehe.. Napanood ko yan season nila lyca sa the voice kids, actually yan lang yata ang napanood ko na the voice kids, hahhaha. Pero honestly, tingin ko that time daat si Darren ang nanalo kasi maganda talaga boses. Madami kasi nakisimoatya kay lyka kaya ganun, pero okay na din kasi maganda naman boses ni lyka.

$ 0.05
3 years ago

Maganda naman po lahat ng boses nila pero parang pity winning ang naganap. Ganunpaman, mas nabigyan naman ng maraming opportunity si Darren kahit di po siya nanalo

$ 0.00
3 years ago

Korek, mas naging maganda career nya tlaga..

$ 0.00
3 years ago

Namimis ko tuloy ang abscbn ,dahil walang kami cable dito ,7 lang makikita naminπŸ˜…

$ 0.02
3 years ago

Oo ate kasi napapanood pa rin po namin sila sa cable haha kahit wala silang franchise. Medyo nakkalungkot lang po yon hahha

$ 0.00
3 years ago

Tumatakyak lahat NG shows na yan. Nakaka miss tuloy abscbn. Although meron pa din naman abscbn pero yun Alam mong tuloy tuloy lang at lahatbng artist nandun pa

$ 0.02
3 years ago

Di naman po ako kapamilya pero ang pinakagusto ko talaga don is yung mga game shows nila

$ 0.00
3 years ago

Na miss ko na manood ng the voice teens. Hahaha. Wala kasing TV na simula yung sinara ang ABS-CBN. hahahaha

$ 0.02
3 years ago

Di ko na po siya napapanood to he honest. I mean, yung the voice teens. Ang huli ko yatang nood yung kasama si sharon sa coach

$ 0.00
3 years ago

Naabutan ko pa tong Pilipinas Game KNB, di ko na matandaan kung ilang taon ako nun pero naaalala ko pa hihih

$ 0.02
3 years ago

One year pa lang yata ako non ate. Wala pa me kamuwang muwanf hahaha

$ 0.00
3 years ago

Kung 2005 tong Pilipinas Game KNB, nasa 6 years old nako nito hahahha

$ 0.00
3 years ago

Yun minute to win it, yun pinaghalong fun at pressure para ma hit yun goal hhaha.. Pati yun hephep hurray todo focus tlga haha πŸ˜‚

$ 0.02
3 years ago

Kaya nga po trip ko yung dalawa na yon. Both are challenging

$ 0.00
3 years ago

The voice teens din. Yung season nila Ysabel saka sa kids Yung season nila sasa.

$ 0.01
User's avatar Yen
3 years ago

Parang pamilyar ate na paranf hindi lols

$ 0.00
3 years ago