Mayro'n siyang 'di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights
Walang magagawa dahil nandito na
Disclaimer: Itong istorya na ito ay dulot lamang ng aking malilikot na isipan at ito ay inspired sa kantang "Ferris Wheel" ni Yeng Constantino. Hindi ko alam kung magiging maganda ba ang output ko, ang importante ay natapos ko ito. Kung iniisip mong magkaiba ang kuwento sa music video saka sa akin, INSPIRED NGA DI'BA? Joke lang haha. Anyways, let's get started. Expect niyo na hindi 'to perfect.
Sharlene's POV
Nasa perya kami nung namataan ng kumikislap kong mata ang isang bata na kumakain ng sorbetes sa harap ng malaking amusement tourist spot. Kita ko sa mata niya ang saya na hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan, mga kaligayahan na hindi matutumbasan ng pera o kung anumang materyal na bagay. Muli na naman bumalik sa aking mga alaala nung nahagip ng paningin ko ang isang dambuhalang ferris wheel...
"Huy, Sharlene! Samahan mo ko rito oh! Nandito 'yung crush mo oh para naman ma-inspire ka sa buhay mo, letsugas ka!" pangungulit na anyaya ni Thalia at nahihirapan akong lumunok nung tinitignan ko ang napakatayog na ferris wheel sa aking harapan.
Sabi nila, mahirap lang raw sa umpisa ang sumakay sa ganyang palaruan pero masasanay ka rin daw sa huli. Tunay nga na makikita mo sa mga taong naroon ang kasiyahan ng bawat indibidwal pero hindi mo pa rin maaalis sa aking puso ang kaba na dapat kong maramdaman. Datapwa't, hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang maaaring mangyaring masama kung humakbang ako paroon sa rides na ito.
"Huy! Ano ba? Sumagot ka naman Mare," pamumulabog ni Thalia sa naglalayag kong isipan.
"A-Ah," pangangapa ko ng sagot sa tanong niya.
"What's up, Thalia na malaki ang mata!"
Halos masamid ako sa iniinom kong milktea noong narinig ko ang matinis na tinig ni Julius. Nakatapat pa rin kami sa matayog na ferris wheel habang kinukurot pa rin ni Thalia ang braso ko na tila ba na inis na inis. Sumilip ako sa likuran ko kung ano nga ba ang wangis niya pero sadya nga'ng madaya ang tadhana.
"Good morning, Ma'am and Sir. Please be advised that the ferris wheel will be on the maintenance for a short period. Thank you for your understanding," panawagan ng umaasikaso sa ferris wheel at halos mawasak ang mundo nitong kasama ko.
"Ikaw kasi beh eh! Kung hindi ka sana naka-airplane yung isip mo, eh di sana nakahabol tayo sa pila!" naiiritang sabi niya sa akin habang ako ay natanggalan ng tinik.
"Eh bakit hindi na lang ikaw ang sumakay? May paa ka na naman," sarkastikang sambitla ko at halos mapaatras ako nung nasabi ko ang mga katagang hindi na dapat lumabas sa aking bibig.
Marahas ang pagkakatanggal niya sa braso ko na tila ba na nagtatampo at akma na siyang tatalikod nung tinawag siya ni Julius. Kahit kailan talaga, ang tinis ng boses niya. Achu...
"What if mag-carousel na lang tayo? Tutal gusto naman yata yon ni Sharlene, hindi ba?" suhestiyon ni Julius nung bigla niya akong inakbayan patungo sa kawalan.
"Oo nga! Di'ba..." dagdag nung kaibigan niyang epal.
Iba't ibang kuryente ang mistulang dumaloy sa sistema ko at para siyang isang dalubhasa sa hipnotismo nung wala akong imik na napatango sa kaniyang suhestiyon. Bilang karagdagan, lumingon ako sa kaniyang kagwapuhan at hindi ko namalayan na ngumingisi na pala ako na para bang isang matsing at isa siyang mahika na dumadaloy na nagpapawala ng kaba na nasa isipan ko. Isa ba siyang anghel?
Ngumiti sa akin ng may pagkaloko si Thalia ng may kasamang panlalaki ng mata kaya labis akong napangiwi sa kaniya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin sa payakap na paraan at 'di ako nagdalawang-isip na yakapin siya pabalik. Mahigpit ko siyang niyakap sapagkat may suspetsya ako na nagtatampo siya sa akin dahil sa mga nasabi kong hindi maganda sa kanya. Ayaw ko pa namang mawalan ng kaibigan.
Habang nasa carousel kami, hindi ko maiwasang mag-ilusyon sa mga nakaw na tingin ni Julius. Parang hindi ako makagalaw at makakilos kapag tinitignan niya ako, parang nalulusaw ako na parang yelo na hindi ko masyadong maidetalye. Basta, hindi ko talaga ma-explain. Cringe na kung cringe, but that's how I feel.
"Hoy Shar!" kilig kilig na ani Thalia habang pigil na pigil na nakakahawak sa braso ko at tinitignan ang kaibigan ni Julius na papansin.
"Ano?!" medyo naiiritang tugon ko.
"Ngayon ko lang napansin na ang guwapo pala nung kaibigan nung crushy mo. Kaso," bigla siyang napasimangot sa kaniyang huling sinambit.
Masyado akong naguluhan sa sinabi ni Lia but I just figured out the reason why felt sad on that. I'm sure that guy is in relationship or what...
"Kaso ano?" nawiwindang na tanong ko sa kaniya. Medyo pabitin kasi si Bessy eh...
"May gusto siya sa iyo!" pakipot na mahinang sambit niya sa akin at halos sumabog ang puso ko sa pagkamuhi. Siniko-siko pa niya ako na kinikilig para sa aming dalawa, pero kadiri. Hindi ko alam, basta 'di ko siya type.
Kakatapos lang naming apat ni Lia na maglaro sa arcade game na nakalimutan ko na ang pangalan at nagpaalam si Thalia na mag-ba-banyo raw.
Umupo kaming tatlo nung biglang tumayo 'yung kaibigan niyang unggoy para sundan si Lia. Siguro magbabanyo lang rin yon.
Napuno ng ingay ang buong siyudad pero halos mabingi ako sa katahimikan naming dalawa. Gusto ko sanang gamitin ang cellphone ko, pero 13% na lang pala siya.
Walang gusto sa amin ang sumira ng ingay ng katahimikan at hindi kami gaanong close upang magkausap. Its been days, weeks, or months na hindi kami nag-u-usap. Maybe gusto lang namin mag-adjust sa isa't isa...
Hindi kalaunan, nag-iba ang paligid ko nung narinig ko ang himig ni Julius ma sumabog sa kaingayan ng mga tutubi sa paligid. Hindi ko alam kung coincidence lang ba, but that's my favorite song. Walang muwang akong lumingon sa kaniya at halos mamula ako sa kawalan nung matipid siyang lumingon sa ferris wheel na limita lamang ang haba ng pila.
"The moon is b-beautiful, right?" malamig na may piyok na aniya saka sabay kaming lumingon sa buwan. Ang ganda nga...
Mabilis akong lumingon nung narinig ko ang hagikhik ni Lia kasama nung kaibigan nitong kasama ko at pakiramdam ko ay tumatalbog ang puso sa kaba. Yun ang nararamdman ko, pake niyo ba.
"Tara, ferris wheel?" aniya na dahilan kung bakit nagkabuhol-buhol ang sistema ko.
Hindi ko alam kung may part two to, pero sana meron. Sorry kung ang pangit ng story, hindi naman ako kinilig nung sinusulat ko 'to. Challenging genres is on the way.
Goal: 10 Fiction Stories
Games Are Not That Funny But Kinda Innovative (Girl's Love, Undetailed)
deja vu (ST #7) (Curse Story)
An Uncontented Man Can Be Contented For A Boy (Continuation of my story entitled "deja vu", Boy's Love story)
A Desperate Girl Cheated, But She Failed To Get 1 BCH (Karma)
Ferris Wheel (ST #9)
BCH DAILY COUNT:
07/07/21: 0.55830486
07/08/21: 0.57084308 (+0.01253822)
Let's make my BCH into one!
Ang cute ng story. .. 😊